||@Fifteenth||

1 1 0
                                    

Sebastian's POV

Nang maihatid ko ito sa terminal ay agad na kaming nagpaalam sa isa't-isa. Nang makita kong papalayo na ang kanyang sinasakyan ay dumiretso na ako sa aming tahanan.

"Ma?" sigaw ko mula sa pintuan habang tinatanggal ang aking sapatos.

"At bakit ngayon ka lang aber?" nakapameywang na saad nito.

"May inihatid lang po" sabi ko, at tuluyan nang pumasok sa loob upang makapag bihis.

"Anong may inihatid? Jowa mo? Ni kahit kailan anak hindi ka nagkajowa ah" pagtataka ni mama.

"May nagpapaturo lang ng daan kung saan papuntang terminal, ito talagang si mama(panandaliang turo ko sa kanya na nakabusangot)kung ano-ano pinag-iisip" sagot ko na habang walang tigil sa pagtawa ang aking ina.

"Ipakilala mo siya sakin next time anak ha" ani nito na panay siko.

"Hays ewan ko sayo ma!" sagot ko, at agad dumiretso sa kwarto upang makapagbihis.

"Bilisan mo at maghahapunan na tayo!" sigaw nito.

Nang matapos akong magbihis ay agad na akong pumunta sa aming hapag kainan upang kumain ng hapunan.

Ang aming inihandang pagkain ay simple lamang dahil kami lang dalawa ni mama ang kakain.

"Nga pala anak! Bibisita pala rito si Kuya Ethan mo" saad ni mama habang nginunguya ang kanyang kinakain.

"Kailan daw ma?" ganti ko.

"Next week ata, pero di ako sure" sagot nito na pagtango lang ang aking isinukli. Panay kwentuhan lang kami ni mama sa mga bagay-bagay hanggang sa natapos na kaming kumain.

"Oh hala siya anak, alam mo na ang gagawin mo ha" saad nito.

Napabuntong hininga nalang ako sabay sabing "Opo"

Ang ibig niya lang namang sabihin ay manghuhugas ng plato. Kahit kailan talaga tong si mama andaming ginagamit na mga plato kahit di naman kinakailangan. Alam mo ba nung huling hugas ko nang baso na plastic at ito ay biglaang nahulog sumigaw ba naman siya mula sa sala na "Hala basagin mo na lahat, tutal may pang bili ka" di ko alam kung matatawa ba ako or else.

Nang matapos akong makapaghugas ay agad na akong tumungo sa aking kwarto upang makapagpahinga. Sa aking paghiga ay dinalaw na agad ako ng antok.

Kinabukasan

"Paalam ma!" kaway ko sa aking ina, dahil ako ay tutungo muli sa aking paaralan. Masarap ang aking gising at hindi ko alam kung bakit. Di ko rin maintindihan sarili ko minsan dahil sa panay ngiti sa tuwing gumigising ng umaga. Siguro'y nababaliw na ako.

Nang madatnan ko ang aming paaralan ay agad naman nag-umpisa ang flag ceremony. Siguro nahuli ako ng ilang minuto at agad na luminya sa pila.

Pagkatapos ng aming flag ceremony ay nagsipasok na kami sa aming silid-aralan.

"Hi Baste!" maligayang saad nina Cassy, Jona at Adrian. At ganoon din ang aking ginawa na batiin sila. Maya-maya pa'y umupo na kami sa aming assigned sit.

Sa aking pag-upo ay siya ring pagdating ng aming guro. At nasa likod nito ang iilang estudyante, kabilang nadito si Timoteo.

"Good morning class!" pagbati ng aming guro, at ganoon din ang aming ginawa.

"Get 1/4 sheet of paper" saad nito.

"1/4 ma'am?" sagot ng aming kaklase.

"Ayy bingi ka? Gusto niyo ulit-ulitin ko pa?"galit na tugon ng aming guro.

"Ano nga ulit yun?" bulong ng aming kaklase sa kanyang katabi.

"I repeat! Get a 1/4 sheet of paper! Is that clear?"

"Yes ma'am" sagot naming mag-aaral.

"Hala wala pala akong 1/4" bulong ko sa aking sarili habang kinakalkal ang gamit sa loob ng bag.

"Oh!" maikling sagot ni Timoteo sabay lapag ng isang papel sa aking arm chair.

"S-salamat" nahihiyang sagot ko na tanging pagngisi lang ang kanyang isinukli.

At agad nang nag-umpisa ang aming pasulit. Hindi ko akalain na magkakaroon pala kami ng quiz ngayon. Hindi pa naman ako nakinig ng maayos kahapon sa leksyon hayss.

Sa iilang katanungan ni maam ay nasasagutan ko ang iilan nito, subalit karamihan ay blangko ito nang dahil sa hindi ko alam kung ano ang sagot.

Ang aming pasulit ay binubuo ng dalawampu't (20) na bilang. At ang aking nakuha ay nasa labim-tatlo (13) lamang. At ang pinakamataas na iskor na nakuha ay nabibilang lamang sapagkat kabilang doon si Tomoteo.

"Aba sana all nalang sayo" bulong ko. At bigla nalang to lumingon sa akin.

"Mag-aral ka ng maayos" ani nito sabay kindat.

"Yabang ah" ganti ko.

Ipagpapatuloy...

Please don't forget to Vote &.& Comment

Note: Asahan mo ang mga pagkakamaling nagamit kong salita sa bawat pangungusap na aking nabuo.

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon