||@Seventh||

1 1 0
                                    

Sebastian's POV

"Ikaw!?" sabay na tugon naming dalawa.

Magrereklamo na sana ako na lilipat ng mauupuan subalit, nagsimula nang magturo ang aming propesor. Habang nagsasalita ito ay pansin kong nakatingin sa akin ang katabi kong kaklase na kanina ay kakarating lamang.

Sa paglingon ko ay hindi naman pala. Ako lang talaga tong nag o-overthink. Panay iling nalamang ang aking ginawa upang hindi na ako mag-isip ng mga bagay-bagay. Pero yun talaga ang kutob ko. At nang sa ganun ay tinuon ko nalang ang aking sarili sa pakikinig sa aming guro.

"Okay class, we have a short activity... And you will do this by partner, ang partner niyo is ang inyong mga katabi" ani nito na agad namang nag react ang mga estudyante.

"Hala, nakakahiya" mahinhin na sabi ng isang babae.

"Pwedeng kami nalang pipili ng magiging partner namen sir?" ani ng isa.

"Andami niyong arte!" tugon ng aming propesor na agad namang nagsitahimik ang mga mag-aaral.

"Sa ayaw at sa gusto niyo, you have to do this activity! Since this is your first day and this is your chance to know each other. So here is the instruction. Easy lang naman ang gagawin niyo. Iguguhit niyo lamang ang mukha ng inyong katabi at sabay ipaliwanag kung ano ang impresyon ang inyong unang nakita sa kanya. And dito kayo magpapaliwanag sa gitna" saad nito sabay turo kung saan namin gaganapin ang aktibidad.

At agad namang gumalaw ang mga estudyante.

"Okay! Para mas madali niyong maiguhit ang isa't-isa, ay dapat magkaharap kayong dalawa. " ani ng aming guro. At ginaya naman ng iilang mag-aaral ang sinabi ng aming propesor.

"Prftt. Hahahahah!" tawanan ng iba. Habang kami ay walang pakialam. Na parang may sariling mundo.

"Bakit kase sa dami-daming pwedeng e-activity is ganto pa?" bulong ko. Eh papaano ko maiguguhit ang mukha niya kung naiilang akong harapin siya.

"Btw, I only give you 15 minutes to do that." dugtong ng aming guro na agad ko namang ikinabahala.

"Pano na to?" bulong ko.

"Hindi naman to pagandahan ng gawa, ang mahalaga ay makilala niyo ang isa't-isa." si sir.

"Humarap ka dito" malamig na boses na nagmula sa aking tabi.

"Ah-eh? A-ako ba?" turo ko sa aking sarili.

"Eh sino pa ba?" kunot noong sagot niya. At ganoon nga ang ginawa ko. Humarap na ako sa mala demonyo niyang mukha este mali, at unti-unting inumpisahan ang pagguhit sa kanyang mukha.

"Hoy! Ayusin mo sa pagguhit ha!" taas kilay na saad nito, na pagtango lang ang ibinigay ko at patuloy sa pagguhit.

Guhit dito, guhit doon. Yan ang ginawa ko upang makuha ang hugis ng kanyang mukha. Kaya ko namang mag-drawing subalit di naman ito lubos na maganda.

Iginuhit ko ang kanyang makakapal na kilay, ang matangos niyang ilong, ang magandang hugis ng kanyang labi at ang nakakamatay niyang tingin. Ang kanyang buhok ang siyang di ko masyadong maiguhit.

A few moments later~

"Okay! Time's up!" saad ng aming propesor.

'Hala, di pa ako tapos. ' bulong ko.

"Raise your hands if you want to go first. Any volunteer?" lakad-lakad ni sir sa gitna habang hinihintay kung sinong gustong mauna.

'Last nalang kaya kami?' ako.
'Kung kami nalang kaya mauna?' ako uli. Sa gitna ng aking pag-iisip kung pang ilan ba kami ay~

"Sir!" taas kamay ni kumag, na agad namang pagbagsak ng aking panga.

"Okay, pumunta na kayo rito sa gitna"

"Bilisan mo na!" pabulong na saad nito, wala naman akong ibang nagawa kundi ang sundan siya.

"Okay, let us see your works." maikling tugon ng aming guro at agad naman nameng pinakita ang aming igihuhit, subalit pareho kaming nagtaka kung bakit nagtawanan ang iilan naming kaklase.

"Prfftttt HAHAHAH" tawanan nila.

Ipagpapatuloy...

Sorry ito muna sa ngayon, medyo kinakain na naman ako ng katamaran.

Please don't forget to Vote &.& Comment mga mahal para malaman ko mga opinions niyo sa work ko.

Enjoy!!!

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon