||@First||

20 4 3
                                    

Someone's POV

Sa gitna ng aking paglalakad ay nakadama ako ng pagkapagod, kaya napag-isipan kong magpahinga at agad naman akong nakahanap ng mauupuan. At sa gitna ng aking pagpapahinga ay may isang lalaking umupo mula sa aking inuupuan, subalit di ko ito namumukhaan dahil ang kanyang pagmumukha ay nababalutan ng liwanag ( O diba ang Exaggerated ) pero yun ang nakikita ko.

Habang tinititigan ko siya ay pansin kong palapit nang palapit ang liwanag na taglay niya at siyang dahilan ng~

"Nakk!! Gising na at malelate kana!" sigaw ninuman na siyang dahilan ng pag-iling ko na baka ito ay guni-guni lamang. Hindi ko na lamang ito pinansin at nang sa ganun ay nawala naman ang boses na iyon at nakita ko uli ang isang lalaki na naglalakad papunta sa akin at inabot ang kanyang kamay na siyang ikinagulat ko na unti-unting umaatras dahil sa takot.

"O-oh a-ano -yang g-ginagawa mo!" sigaw ko sabay turo sa kanyang kamay.

"Nais ko lang magpakilala" ani niya.

"O bakit naman? Di ko naman sinasabi na magpakilala ka ah"

"Nais lang naman kitang makilala" pagpupumulit niya.

"O hala siya sige, I'm Sebastian" abot kamay ko "ikaw?" tanong ko subalit agad niya akong niyakap na siyang ikinagulat ko.

"O? Nu nyare sayo? Tinatanong kita kung anong pangalan mo diba, pipe kaba?" ani ko subalit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya, kaya agad akong kumawala sa yakapan naming dalawa. At sa pagkawala ko mula sa aming yakapan ay nakita ko ang aking ina na siyang ikinagulat ko. Gulat na gulat ako like 0_0.

"Ako si Georgina! Yung mama mo! Sabog kaba!? Kanina pa kita ginigising tas ayaw mong magising!" sigaw niya at agad akong hinabol, at ako naman tong mukhang gag* napag-isipan na tumakbo.

Tas sa aking pagtakbo ay bigla na lamang akong nadapa at nakita ko na lamang ang aking ina na may dalang kutsilyo.

"Masyado kanang maraming nalalaman sa buhay mo Sebastian! Kailangan mo nang mawala sa mundo!" sigaw niya.

Dahil sa pagkatakot ay agad akong nakabangon mula sa aking higaan. Sabay sigaw~

"Tulong!"

"O gising kana pala" boses ninuman na mula sa pinto. Sa aking paglingon ay nakita ko ang aking ina na may dalang kutsilyo.

"Mama! Wag po! Ayaw ko pang mamatay!" pagmamakaawa ko.

"Pinagsasabi mo? Nananaginip ka na namang bata ka, resulta yan ng pagkakape mo! bilisan mo at maligo kana dahil mahuhuli kana sa klase. Bilisan mo! At magluluto pa ako ng umagahan mong pasaway ka." huling boses na narinig ko sa kanya.

At ganun nga ang set up, nagmamadali akong maligo. Kuskos dito, kuskos dun. Buhos dito, buhos don. At agad naman akong natapos.

"First day na first day napakasabog mo anak!" ani ni mama habang hinahanda ang hapag kainan.

Ipagpapatuloy....

Yan na muna hanggang sa ngayon oo, medyo tinatamad ako eh. Please don't forget to vote and comment as well, para malaman ko mga opinions niyo abawt may stowyyy.^^

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon