Timoteo's POV
Nang tumunog ang bell ay nagsibalikan na kami sa aming silid-aralan. Habang naglalakad ay di ko mapigilang ngumiti dahil sa mala anghel na pagmumukha ni Eya. Bago ako makarating sa aking silid ay bigla nalang may sumulpot na nilalang sa aking harapan.
"Brad" ani nito pero hindi ko ito napansin, kase nakayuko akong naglalakad habang walang tigil sa pagngiti, at isa pa baka sa paglingon ko ay iba pala ang kanyang tinatawag at hindi ako.
"Huy Brad nu ba!" dun nalamang ako bumalik sa ulirat nang akbayan ako nito kaya agad ko naman itong nilingon at nang sa ganun ay nakita ko ang mukha ni Diego, nung una ay uupakan ko na sana ito pero agad nawala ang aking tensyon na gawin ang bagay na iyon.
"Oh, ikaw pala yan gunggong" saad ko at agad naman akong nakatanggap ng kotong mula sa kanya.
"Anong gunggong? Baka nakakalimutan mong(sabay turo sakin)..." kagat labi nitong saad subalit di niya natapos ang kanyang nais sabihin dahil ginantihan ko ito ng kaltos.
"Sh*t" daing niya habang hawak ang kanyang ulo.
"Ano ba kase kailangan mo!" tanong ko.
"Let me just to remind you that we have a basketball practice later" seryosong saad nito na agad ko namang ipinagtataka.
"May problema ka ata tol ah" saad ko at agad kong tinignan ang kanyang temperatura.
"Nasa normal naman temperature mo, minsan lang kita makitang magseryoso" saad ko.
"May problema kaba? Baka nakakalimutan mo na nandito lang ako para makinig sa kung anong pinagdaraanan mo" tapik ko sa kanyang balikat.
Nagtaka nalang ako nang bigla itong humalakhak sa pagtawa.
"Ket kailan, wala talagang araw na nasa katinuan yang pang-iisip mo eh no!(sabay tulak nang marahan sa kanya) Hayss" saad ko at agad na umalis na panay iling.
Pagpasok ko sa aming silid ay siya ring pagpasok ng Matematiko naming guro. Habang nagtuturo ito ay wala sa ayos ang aking pag-iisip na tila kahit anong gawin kong e-sink in lahat ng tinuturo ni sir ay hindi ko magawa.
Ang laman lang naman kase ng aking isipan ay kung papaano ko paghahandaan ang friendly date namin ni Eya.
Nang matapos lahat ng aming leksyon ay agad nang nagpaalam ang aming guro at nagbilin sa amin na ang aming klase ay hanggang alas 2 lamang dahil sa may 'meeting' sila.
At pwede naming gawin ang mga nais nais gawin maliban sa ang 'umuwi' hihintayin pa namin ang alas 5 ng hapon bago makauwi.
Agad ko namang niligpit ang aking gamit upang makapunta na sa basketball court. Sa aking pagliligpit ay pansin kong nakatulala lang ang aking katabi, nang biglang may babaeng lumapit sa kanya, di ko na inalam kung ano ito pero ang pagkakaalam ko ay niyayaya niya itong maglaro ng Volleyball.
"Sa katawan niya palang parang di niya kayang depensahan ang bola. Hahahah!" bulong ko sa aking na hindi mapigilang ngumisi.
Sa aking paglabas ay siya ring paglabas nina Sebastian at nang babaeng kanina'y kausap niya, ngunit magkaiba kami ng direksiyon na dinadaanan.
Nang madatnan ko ang aming court ay may iilan nang manlalaro ang nag-eensayo at kabilang na dun si Diego.
"Brad!" sigaw nito sabay hagis ng bola sa akin at agad ko naman itong hinagis mula sa tres. At hindi naman ako napahiya sa aking paghagis dahil ito ay nakapasok sa ring.
"Chamba!" sigaw ni Diego sabay tawa.
Napatawa nalang ako nang marahan dahil sa kanyang sinabi "Di yun chamba, sadyang magaling lang talaga ako." I uttered while shrugging my eyebrows.
"Yabang mo! Bago ka magyabang kailangan pantayan mo ang galing ko!" ani nito at tumakbo papuntang ring at sabay dumakdak.
"Okay! Umpisa na tayo" sigaw ni coach na agad naman kaming nagkumpulan.
"Okay, katulad nang nakasanayang gawi, kailangan natin mag ensayo upang makuha uli ang tropeyo sa larong basketball!" saad ni coach.
"Lahat kayo ay dapat maglaro ng malinis hindi yung napakalaswa. Did you get what I mean?" tanong nito.
"Yes coach"
"And about you Tim! As a team captain you should manage your team okay? (pagtango lang ang aking ibinigay) and sa mga members dapat ay maki cooperate kayo. Iuuwi uli natin ang tropeyo maliwanag?"
"Yes coach!"
"Okay-okay (palakpak nito) kayo na bahala at manonood lang ako, titignan ko kung maayos ba daloy ng drills niyo."
"Team?!" sigaw ko sabay taas ng aking kamay na agad naman kaming naghawak-kamay lahat sa ere.
"Team!" sigaw nila.
To be continued...
Please don't forget to Vote &.& Comment
Note: Asahan mo ang mga pagkakamaling nagamit ko bawat pangungusap na aking nabuo (grammatical errors ahead)
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Teen FictionThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...