||@Sixteenth||

0 1 0
                                    

Timoteo's POV

Nang mag-uumpisa palamang ang aming pasulit, ay pansin kong panay kalkal sa kanyang bag itong si Sebastian.

"Hala wala pala akong 1/4" saad nito habang patuloy parin sa pagkalkal sa kanyang gamit.

"Oh!" tugon ko sabay abot ng papel sa kanya, kase halatang mag-uumpisa na si maam.
Maya-maya pa'y inumpisahan niya na nga ito. Ang mga katanungan ni maam ay agad ko namang na catch up nang dahil sa nakinig ako ng maayos sa leksyon kahapon.

Ang aming pasulit ay mayroong dalawampu't na bilang. At nakakuha ako ng mataas na marka. At may mga iilang mag-aaral na hindi napagtagumpayan ang makakuha ng ganoong marka.

Nang inanunsyo ni maam kung sino-sinong estudyante ang nakakuha ng matatas na marka, ay nandun ang part na pagtitinginan ka talaga ng mga tao. Kabilang na dito si Sebastian.

"Aba sana all nalang sayo" bulong nito.

"Mag-aral ka nang maayos" maikling sagot ko.

"Yabang ah" ganti nito.  Di ko maiwasang mapangisi sa kanyang pagmumukha.

"Okay!(panandaliang palakpak ni maam) now, may activity tayong gagawin. And kindly count of up to two. And ang pag count niyo ay by rows dapat ha. Okay start!"

"1!" pagbibilang ng mga mag-aaral.

"2!"

At ang numero na aking nakuha ay numero 2 (dos), kami ay nahahati lamang sa dalawang grupo na binubuo ng (15) labing-limang mag-aaral. Nang matapos naming magbilang ay agad uling nagbigay ng instruksyon si ma'am sa aming gagawin. Pero bago iyon ay agad niya munang pinagtitipon ang mga estudyante na nakakuha ng numero uno at ganoon din sa numero dos.

Base sa kanyang inanunsyo ay magkakaroon kami ng debate ukol sa "Ano ang mas dapat pairalin? Ang utak nga ba o ang puso?" At ang salitang kailangan naming depensahan ay ang salitang utak at puso naman sa kabilang panig.

"Remember! Ito ay kasiyahan lamang na aktibidad class, at wag niyo masyadong e-pressure ang mga sarili ninyo" nakangiting sagot ni maam.

"Okay now! Itaas niyo lamang ang inyong mga kamay kung sino ang gustong mag-umpisa ng ating debate. Bawat mag-aaral ay bibigyan ko lamang ng 30 (tatlumpung)segundo upang depensahan ang kanyang panig. But!(nakangiting saad nito)... If kung maganda ang daloy ng debate ninyo ay papanoorin ko nalamang kayo na nagsasagutan. And remember be cautious with your words ha. Is that clear?" tugon nito.

"Yes maam" masaganang responde naming mag-aaral. Maya-maya pa'y pansin kong wala pang nagboboluntaryong magtaas ng kamay kaya'y napag-isipan kong ako nalang ang mauna.

"Yes Mr. Maklaus(turo ni maam sakin)"

"Sa lahat ng bagay ay dapat na 'utak' ang mas unang pairalin kesa ang puso. Sa pamamagitan ng utak, makakapagdesisyon ka ng husto at hindi mo labis na pagsisisihan ang iyong napiling desisyon." sagot ko. At may  nagtaas bigla ng kamay mula sa kabilang panig. Ito ay walang iba kundi si Sebastian.

"Stand still Mr. Maklaus" ani ni maam.

"Spill it Mr. Fuergo"

"Puso ang dapat na mas unang pairalin.  Kung wala ang puso(sabay turo sa kanyang dibdib), walang pagmamahal at walang kapayapaan ang mahahagkan ng ekonomiya. Sa pamamagitan ng puso, kapwa tao ay nagkakaunawaan dahil sa pagkukumbaba sa isa't-isa. At pansin niyo ba na inaabuso ng mga tao ang paggamit ng utak, alam niyo ba kung bakit?  Dahil sa sobrang dami na nilang nalalaman at natututunan, ay isang bagay nalang ang hindi nila alam na gamitin at yun ay ang 'puso'" sagot nito, na agad namang paglingon ni maam sa aking pwesto, na agad ko rin namang nakuha ang kanyang nais iparating yun ay ang depensahan ang aking panig.

"Ngunit mahahagkan mo lamang ang pagmamahal kapag ikaw ay nakapili na at nakapag-isip nang maayos, at mahahagkan mo ang kapayapaan sa pamamagitan ng utak" depensa ko.

"At nahahagkan iyon sa pamamagitan ng tulong ng puso." mabilisang sagot ni Sebastian

"Ang puso ang siyang nagdedeklara sa utak upang sundan niya ito at kung ito nga ba ay makakabuti o makasisira sa sitwasyon ng buhay ng isang tao." dugtong nito.

Naging mainit ang aming pagsasagutan ni Sebastian, dahil nang sa ngayon ay pinagtitinginan na kami ng aming mga kamag-aral.

"The brain stands as a central source of our body. So hindi gumagana ang puso kung wala ang utak. Right?" sagot ko.

"Nandun na tayo sa punto na 'nang dahil sa utak ang lahat ng cells sa ating katawan ay gumagana, at hindi tayo mabubuhay kung wala ito' .  At tama ka dun. Subalit ang puso ang nagpa-pump sa ating dugo upang dumaloy ito sa ating katawan, at kabilang na roon ang utak. So it means na hindi rin gumagana ang utak kung wala ang pag-pump ng dugo ng puso sa ating katawan." sagot niya.

"Walang ibang alam ang puso maliban sa maging mahina. Let just say na ito ang mas unang papairalin ng isang tao. Pero wala silang ibang magagawa kundi ang magmahal, magpakumbaba at iba pa. At nang dahil sa hindi nila ginagamit ang kanilang utak ay nagiging mangmang sila. Sila ay lalaking walang alam sa mundo kung hindi nila mas ito mas papairalin. At ang puso ay laging sawi sa pagpili ng isang bagay dahil sa hindi nila ito labis na pinag-iisipan, na siyang sanhi ng pagkaramdam ng labis na pagkalungkot ng isang tao" sagot ko.

"Oo tama ka, mararamdaman mo ang kirot at sakit pero hindi ibig sabihin nun ay hanggang doon nalang.  May pagkakataon na kailangang bumangon. Ang utak ay hindi nakakaramdam ng sakit maliban sa ang pagdidesisyon at halos lahat ng oras ay napaka seryoso nila." sagot nito.

"Pero utak parin ang gagamitin sa pagdedesisyon para bumangon hindi ba?" I asked.

"Oo, pero ang puso ang nagsasabi nito patungo sa utak at..." aktong may sasabihin pa sana ito nang biglang-

Kring!!! tunog ng kampana na senyales na tapos na ang aming leksyon.

"You did a great job! The both of you was fabulous! Na amazed talaga ako sa sagutan niyong dalawa. Napaka formal ng inyong debate. Na para bang kayo ay nagbibigay ng sarili niyong saloobin upang mapaunlad ang ating ekonomiya! Hahaha! Okay that's all for today, goodbye class!" paalam ng aming guro at  nagpaalam din kami rito. Nang ito'y tuluyan nang makalabas ng aming silid ay agad na kaming nagsibalikan sa aming assigned sit.

Ipagpapatuloy...

Please don't forget to Vote &.& Comment.

Sorry at yan muna sa ngayon ha. Pag pasensyahan niyo na talaga kung umaabot ng days ang pag update ko ng stories.

Note: Grammatical errors ahead.

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon