Timoteo's POV
Nang matapos kaming maghapunan ay agad na naming niligpit ang aming pinagkainan. Inaamin kong nanibago ako sa niluto ng mama ni Sebastian na kung saan mas tawagin itong "pinakbet", Yun yung unang beses na kumain ako ng halo-halong gulay na may kulay pula na sabaw. Hindi ko alam kung anong tawag sa kulay pula na iyon. At yun yung unang beses na kumain ako ng gulay na hindi ko kinakain.
Sa unang tingin ko palamang sa pinakbet ay parang ayaw ko nang kumain nang dahil nga sa kung anong kulay nito. Subalit sumagi sa isipan ko na kung hindi naman ako kakain ay magugutom ako. Kaya mas pinilit ko ang aking sarili na kumain kahit na labag sa aking panlasa para lamang mapunan ng pagkain ang aking sikmura.
At tungkol naman sa aming hapunan, ay naging masaya naman ito dahil sa kwentuhan namin ng mama ni Sebastian. Marami siyang kinuwento tungkol sa pagkapasaway na bata ng kanyang anak. Puro tawanan lang ang aming ginawang dalawa ni tita habang itong si Sebastian ay napipikon nang dahil sa kinekwento ng kanyang ina.
Ang saya siguro ng pamilya kung magkakasama kayo kumain no? Ngunit ang aking pinagtataka kung bakit wala ang ama ni Sebastian. Nais ko sana itong tanungin sa kanyang ina subalit baka makatanggap ako ng di magandang sagot. Binigyan ko nalamang ng respeto at pribado ang kanilang sikreto.
It's 6:58 pm na kung saan natapos agad ang aming hapunan. Ang aga eh no? Kumpara kung nasa bahay ako mga around of 8 kami kumakain, minsan pa nga ay hindi ako kumakain dahil nga sa healthy diet.
"Anak ako nang bahala rito. Ihanda mo nalang ang higaan niyo sa kwarto para matulog." saad ng mama ni Sebastian habang naghuhugas ng pinggan.
"Sige po" maikling tugon nito at agad nang tinungo ang kanyang silid. Habang ako naman ay nanatili sa hapag kainan na may iniisip na kung ano nga ba ang aking susunod na gagawin.
Paano kaya ako makakapasok bukas sa school kung wala akong dalang uniporme?
"Oh iho, ang lalim naman ata ng iniisip mo" ani ni tita, habang patuloy sa paghugas ng pinggan.
"Ah iniisip ko lang po kung anong maaaring suotin bukas sa school. Wala po kase akong dalang extra uniform" sagot ko.
"Sigurado kaba talagang papasok ka sa school bukas eh hindi kapa tuluyang magaling." saad nito.
"Ayos lang po, malayo naman po ito sa bituka" pagbibiro ko.
"Iho(malumanay na sagot nito) hayaan mo munang paghilumin ang mga sugat sa katawan mo. Ang edukasyon ay kayang maghintay. Kailangan mo munang ipunin ang iyong lakas bago sumabak sa aralin sa paaralan." sabagay may punto naman siya.
"Salamat po sa pag-aalala" sagot ko.
"Walang anuman."
"Answerte naman ng anak niyong si Sebastian tita"
"Hahah! Pano mo naman nasabi aber?" natatawang sagot nito habang nagpupunas ng lamesa.
"Dahil nagkaroon siya ng ina na katulad niyo na maalaga, maasikaso, at higit sa lahat may mabuting loob" pagbibigay ko ng papuri sa kanya.
"Aysus nambola kapa. Pumunta kana sa silid ni Sebastian at manghiram ng damit, at para makatulog pagkatapos" tawanan naming dalawa ni tita.
"Ang saya po siguro magkaroon ng ina eh no?" ang kaninang nakangiting mukha niya'y ngayon ay naging seryoso.
"Anong ibig mong sabihin? W-wala ka na bang ina?" utal-utal na tanong nito.
"Wala po sana akong balak na sabihin subalit nakakahiya naman po sa inyo,(kamot batok ko) ahmm iniwan na po ako ng aking ina nung ako'y nasa limang taong gulang palamang. Hindi ko po alam kung ano ang kanyang dahilan upang kami'y kanyang iwanan. At nang sa ganoon po ay ang aking ama ang tumayong aking ina o tawagin nalang nating single dad" nakangiting kwento ko.
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Teen FictionThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...