Someone's POV
Ako'y papunta ngayon sa principals office kasama ang aking kamag-aral upang ihatid ang mga dokumento na ipinag-utos ng aming guro. Ngunit sa di inaasahang mangyari ay may nakita akong isang estudyante na bigla nalamang nawalan ng malay sa gitna ng pathway.
Hindi naman gaanong karaming estudyante ang naririto kaya't madali lang makita ang kanyang postura.
May iilang estudyante na tinignan lang ang kanyang kalagayan, ngunit walang nagtangkang tumulong sa kanya. Nang dahil sa pangyayaring iyon ay nailapag ko sa sahig ang aking dala at agad nang tinungo ang kanyang pwesto.
"Ayos ka lang!?" tapik ko sa kanyang mukha.
Nang maiharap ko na ang kanyang mukha ay agad ko naman itong namumukhaan.
"Sebastian?" bulong ko, at agad siyang inalalayang tumayo. Subalit wala siyang lakas upang makatayo. Wala akong ibang nagawa kundi ang iakay siya sa aking likuran.
Nagmadali akong dalhin siya papuntang clinic upang mabigyan ng treatment ang kanyang kalagayan.
At nang madatnan namin ito ay agad naman siyang inihiga ng nurse.
Ayon sa nurse, nagkaroon ng paghina ng pagdaloy ng kanyang dugo sa kanyang katawan ng dahil sa siya ay dehydrated. At tagubilin niya ay painumin lamang ito ng tubig mga 2- glass per hour. At sa paggising niya raw ay painumin siya ng gamot nang dahil sa kanyang paghihina ay maaari itong maging sanhi ng lagnat.
(AN: Di ako expert sa pagbibigay ng mga payo sa mga maysakit ha, gawa-gawa lang iyan)
"Thank you nurse" saad ko. At agad ko nang binalikan ang pwesto ni Sebastian na patuloy paring natutulog. Maya-maya pa'y~
Kringg! Kringg!
Hala! Nakalimutan ko na may
klase pa pala kami. Agad akong nagpaalam sa nurse na siya na muna ang magmamasid-masid kay Sebastian nang dahil sa mayroon pa kaming klase.Sebastian POV
Pagdilat ng aking mga mata, tanging kulay puti at berde ang siyang nakikita.
"Nasaan ako?"
"Nasa clinic ka po Sir" sagot ng isang babae na may suot na kulay puti na damit, na siyang ikinagulat ko. May tao pala? Di ko napansin.
"Paano ho ako nakarating dito?" tanong ko.
"May naghatid po sa inyo papunta rito" mahinahong tugon nito.
"Sino?"
"Hindi po siya nagpakilala" sagot niya.
Sino kaya? Ah basta! Di na mahalaga yun. Kung sino man yun, nagpapasamalat ako sa kanya.
Pero teka, parang may kutob ako kung sino. Baka si ano... Ahh oo baka siya nga.
"Inumin niyo na po muna yung gamot niyo at matapos ay maaari napo kayong makabalik sa silid aralan. At paalala po, nawa'y e-maintain niyo ang pag-inom ng mahigit dalawang(2) baso ng tubig ever hour. Basta lamang aabot ng walong(8) baso sa isang araw ang iyong maiinom." paliwanag nito.
"Salamat po"
At nang sa gayon ay ininom ko ang gamot at tinandaan ang kanyang bilin. Nang unti-unti nang gumaan ang aking pakiramdam ay bumalik ako sa aming silid. At sa aking pagbalik ay siya namang pagtingin ng aking mga kaklase sakin at kabilang na ang aming guro.
"Take a sit Mr. Fuergo" mahinahong saad nito. At agad naman akong umupo sa aking upuan.
Sa gitna ng aming diskusyon ay napalingon ako kay Timoteo na ngayon ay seryosong nakikinig sa aming guro. Maaari kayang siya ang naghatid sakin sa clinic?
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Roman pour AdolescentsThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...