Timoteo's POV
Habang nagtuturo si ma'am ay pansin kong seryoso nang nakikinig ang mga mag-aaral at kabilang na rito si Sebastian.
Nang matapos magturo si maam ay agad kami nagkaroon ng pasulit. Mabuti na lamang at ako'y nakinig sa bawat diskasyon nito.
"Wala munang lalabas ha, manatiling nasa loob maliban nalang kung tapos na ang klase! Maliwanag?" saad ni maam.
"Yes maam!" ganti naming mag-aaral.
"Okay No. 1!" pag-umpisa ni maam sa aming pasulit.
Ang aming quiz ay nakabatay sa mga kultura ng Pilipinas. Napaka gandang madiskobre ang mga bagay-bagay lalo na't kung ito'y nakabatay sa kasaysayan ng ating bansa.
Sa gitna ng aming pasulit ay may naamoy nalamang ako na kakaiba, na para bang amoy patay?
"Hmm ambantot naman! Sino umutot? Siguro ikaw no?(pagsiko ko kay Sebastian)" reklamo ko.
"Ha?! Anong pinagsasabi mo! Nananahimik nga lang ako rito. Tas ako pa pagbibintangan mo?" pagtanggi nito.
"Baka ikaw! Kase ikaw ang unang naka-amoy" dugtong nito.
"Are you stup*d?" taas tono na sagot ko.
"Hmmpp! Ambaho naman, sino ba kase yung umutot. Kung sino kaman sana di kana makatae!" reklamo ng aming kamag-aral.
"What's happening out there! Ba't napaka ingay!?" sigaw ng aming guro mula sa harapan.
"Umutot po kase si Sebastian maam!" mabilisang sagot ko na siya ring paglingon ni Sebastian saken.
"Ano!" sigaw ni Sebastian.
"Hindi po totoo yun maam!" sagot nito at agad bumaling sakin.
"Bakit ba ako pinagbibintangan mo ha? Inaano ba kita?" reklamo nito. Pansin ko na sa kanyang pagmumukha ang pagkapikon Hahahah!
Tawang-tawa na ako sa reaksyon niya ngunit hindi ko ito pinapahalata.
Sebastian's POV
At bakit ako pa pinagbibintangan ng kumag nato eh nananahimik lang akong nakikinig kay maam. At isa pa, may magandang asal naman ako at alam ko kung saan ako uutot g*go.
"Hhmmpp! Ambaho nga!" reklamo ni maam sabay takip sa kanyang ilong.
"At bakit dito niyo pa naisipang ipalabas ang baho niyo!" dugtong nito.
"Ikaw ba umutot Sebastian?" tanong ni maam na siyang ikinagulat ko.
"Hindi po talaga ma'am" sagot ko habang ito namang si Timoteo ay walang tigil sa pagtawa. Alam na alam niya na talaga kung paano ako inisin. Kung wala lang talaga tong si ma'am baka naupakan ko na to.
"Okay fine! Kung hindi kayo aamin kung sinong umutot ay magkita-kita nalang tayo sa principals office. All of you! Para naman sumikat itong section niyo." saad nito na agad namang nag react ang iilan naming kamag-aral.
"Hoy! Umamin na kase kayo para hindi na kami madamay sa baho niyo este sa principals office." sagot ni Cassy na siyang tawanan naming lahat.
"Magbibilang ako hanggang sampu, kung sino ang hindi aamin magkita nalang tayo sa principals office".
"1!"
...."2!"
....."3!"
....
"Hoyy sino ba kase yun, takte naman. Nangdadamay pa kayo eh" chismisan ng mga babae sa bandang harapan."4!"
..."5!"
Habang nagbibilang si maam ay ito namang si Timoteo ay panay siko saking tagiliran.
"Ano ba?" reklamo ko.
"Umamin kana kase" nakangising saad nito.
"Huwag mo akong ginag*go Timoteo! Alam mo unti nalang talaga mauubos na pasensya ko sayo" sagot ko.
Bakit niya ba ako iniinis? Ito ba yung bilang ganti niya sa kabutihang pinakita ko sa kanya? Haysss p*ta siya
"6!"
"7!"
"Mukhang walang balak na umamin ah" tugon ni maam.
"8!" sa gitna ng pagbibilang ni maam ay may bigla na lamang nagtaas ng kamay na agad naman naming ikinalingon sa kanya. Alam niyo yung all for one? Ganun ang nangyari samin. Halos kaming lahat ay nakalingon sa kanya.
"Ikaw ang umutot?"
"Hindi po ma'am, magpapalaam lang po sana ako pupuntang cr" sagot nito.
"Hayss!(sighed) okay sige you may go" saad ni maam at agad namang umalis ang estudyante.
Continued...
"9!"
"Hala dzai, mukhang sisikat na rin yung section natin" tugon ng beklush.
"At gugustuhin mo rin naman?" sagot ng kanyang katabi.
"Siyempre hindi no. Pero okay narin yun para mapansin narin ako ni crush" saad nito.
"Gaga! Sisikat ka nga pero di naman maganda background nun. Mapapansin ka nang crush mo kase nasa section mabantot ka" sagot ng kanyang katabi na agad naman kaming nagtawanan.
"10!"
"Okay, let's go to the principal's office! Now!" sigaw ni maam. Agad namang nagsitayuan ang mga iilang estudyante na tila gustong-gusto ring sumikat section namin.
Ang iilan samin ay nakatayo na, subalit karamihan ay nanatiling nakaupo at kabilang na ako doon.
"Maam!"
"Oh bakit?" taas kilay na tanong ni maam.
"Ako po ang umutot" nakayukong sagot ng lalaki.
"Ano!?!" sabay-sabay na reaksyon naming lahat.
"Ah Iho, at bakit mo namang naisipang gawin iyon?" pakumbabang tanong ni maam.
"Sabi niyo po kase, walang lalabas hanggang sa hindi pa tapos ang ating aralin, kaya mas napili ko na lamang pong ipalabas kahit alam kong mali." nahihiyang sagot nito, habang ang iilan kong kaklase ay panay tawa at kasama na dun si Timoteo.
"Shhh! Silence!" sigaw ni maam.
Pansin ko sa kanyang mga mata ang hiya at lungkot. Nang dahil sa nakaramdam ako ng awa tungo sa kanya ay agad ko itong nilapitan at pinapalakas ang kanyang loob sa pamamagitan ng pagtapik ng kanyang balikat.
"Ayos lang yan tol, hindi mo naman sinasadya eh" pag-comfort ko sa kanya.
"S-salamat" naiiyak na sagot nito.
"Huy wag kang umiyak (ngiti ko) ngumiti ka lang. At huwag mo nalang isipin yung mga nanlalait sa ginawa mo" saad ko sabay bitiw ng matamis na ngiti.
"Okay class! Let's continue our quiz! Take a sit." tugon ni maam.
Agad naman naming ipinagpatuloy ang aming pasulit. At matapos iyon ay sumunod naman ang panibagong asignatura. Sa isang araw ay nagkakaroon kami ng mga nasa dalawa hanggang tatlong aktibidad sa silid-aralan.
At sa loob ng aming mga aktibidad ay madalas itong binubuo ng dalawang mag-aaral o mas tawagin na by pairs. Sa lahat-lahat na nakakapares ko ay si Timoteo lang ang kinakasakit ng aking ulo, hindi ko alam kung bakit pero sadyang napaka-engot niyang kasama. Yung tipong nag di-discuss ako ng maayos sa kanya tas hindi siya nakikinig ng maayos.
Ewan ko ba sa kumag na to at hindi ko alam kung pinalaki batong siraulo at lumaki sa mental or ano. Sa tuwing tinuturuan ko ito ng maayos ay tinatawanan lang ako na parang tanga.
To be continued...
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Teen FictionThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...