Someone's POV
"Sisiguraduhin kong mapapahiya ka Tim" saad ko habang tinitignan silang nag-eensayo sa paglalaro.
Timoteo's POV
Hindi ako makapag pokus sa paglalaro dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa amin habang naglalaro.
Hawak ko ngayon ang bola subalit nang makita ko ang taong nasa bandang pinto ay agad itong umalis, hindi ko ito namukhaan dahil ito ay nasa malayo. At nang dahil dun ay naagaw na pala ng kalaban ang bola at tinira ito ng tres.
"Hey! Nu problema tol?" saad ni Adrian.
"Ah nothing, may bumabagabag lang sa isipan ko. " ani ko at agad nagpatuloy sa aming pag-eensayo.
Sa gitna ng pag-eensayo, ay di ko parin mapigilang isipin kung ano ang pakay ng lalaki na kanina ay aking nakita.
Alas 4:50 nang hapon, na kung saan agad natapos ang aming pag-eensayo at agad na kaming nagsiuwian. Bago ako umuwi ay bumalik muna ako sa aming silid upang kunin ang aking bag. At sa pagpasok ko ay may iilan pang bag ng studyante ang naririto, subalit di pa nila ito kinukuha siguro, at nandito si Sebastian na para bang napaka problemado ukol sa kanyang bag.
"Sino ba kase nagtali nito! Kainis naman!" reklamo nito sabay kamot ulo at biglang lumingin sa aking pwesto.
"Siguro ikaw eh no!?" ngayon ay nagliliyab na ang kanyang mga mata na para bang gustong-gusto nang manakit.
"Ako? Ano namang kinalaman ko jan. Kakarating ko nga lang tas ako pagbibintangan mo?" taas kilay na saad ko. At agad na lumapit sa kanyang pwesto at kinuha ang aking bag. Aktong aalis na sana ako nang-
"Patulong naman oh, ang higpit kase ng pagkakatali" hawak nito sa aking braso upang ako'y mapahinto sa paglalakad.
"Ayieeee!" tilian ng mga kababaihan. Di ko napansin na may mga estudyante na palang nagsidatingan.
"Ah, mga students. E la lock ko na itong room at pwede pakibilisan!" ani ni guard.
"Sige na" lalo nitong hinigpitan ang paghawak sa aking braso na agad ko ikina- daing.
"Argh! Ito na! ito na!" agad ko naman itong tinulungan. Nakakainis kase! Namimilit. At tama nga siya napakahigpit ng pagkakatali nito pero natanggal ko naman ito.
"S-salamat" nahihiyang pasasalamat nito.
Subalit di ko ito ginantihan ng sagot dahil sa nababagot parin ako. Agad naman na akong lumabas ng silid upang ako'y makauwi na, sa aking paglalakad ay siya ring pagsunod nito."What about now?!" taas kilay na tanong ko.
"Wala lang" sagot nito. "Ililibre lang sana kita ng street food, gusto mo?" pagyayaya nito subalit tinanggihan ko ito dahil di ako kumakain ng ganun, pero siya parin tong mapilit.
"No thanks, I have to get my car... Sh*t (hampas ko sa aking noo) di ko pala dala sasakyan ko"
"Bakit? Nu problema?" tanong nito.
"It's none of your business!" galit na saad ko.
"Okay, ayaw mo bang sumabay maglakad? Kaysa naman sa nakatunganga kalang jan at mag gagabi na" ani nito sabay tingin sa kalangitan pero di ko ito pinansin.
"Sige, mauuna na akong umuwi" paalam nito na sapilitang pagtango lang ang aking ibinigay at naglakad na ito palayo.
Hays, tinatamad akong maglakad. And sorry siya di niya makakasabay ang gwapong katulad ko sa paglalakad.
Maybe si Diego! Siguro ay di pa siya nakakauwi makiki hits nalang ako. Agad ko naman itong tinawagan at agad niya naman itong sinagot.
"Bud? Nasan ka?" tanong ko.
"Nasa bahay" ani nito na may nginunguya na parang may kinakain.
"Ano!? Ambilis mo namang makauwi." saad ko.
"Siyempre ako pa" sagot nito mula sa telepono at agad tumawa.
"Ano ba naman yan Diego! Napaka-kalat ng kwarto mo!..." boses na mula sa telepono.
"Sige bud, sorry at di kita naisabay. Bye na muna, nag ra-rap na naman si mama eh" paalam nito.
Tot! end of call.
May meeting si Dad whole day kaya paniguradong di niya ako masusundo.
Hayss, no choice ako nito kundi ang maglakad. Sa aking paglalakad ay nakita ko parin ang presensya ni Sebastian kaya agad ko itong tinakbo.
"Hey! Wait!" sigaw ko.
"Oh hingal na hingal ka ata ah?"
"Did you know where's the Taxi Station here?" I asked.
"Ah, walang taxi dito banda, pero tricycle meron. Kaso nandun pa yun sa unahan" sagot nito.
"I need a favor"
"Sige ano ba yun."
"Ah..(kamot batok ko)" di ako natapos nang dahil sa-
"Siguraduhin mo lang na makakaya kong gawin yang pabor mo" saad nito.
"Oo naman. Ahh(kamot batok ko) nais ko sanang magpasama. I really need to go home, di kase ako pinayagan ni dad na gamitin kotse ko." paliwanag ko at agad niya naman itong naintindihan. At agad na kaming naglakad ng sabay.
Bago kami makarating sa terminal ay dumaan muna kami sa mga pasikot-sikot, at dito ay bumili ng pagkain ang isang ito. Hindi ko alam kung anong tawag sa kanyang dala na may dalang dalawang plastic cup na naglalaman ng kulay kahel na hugis bilog at may pahaba na naka tuhog sa stick.
"Oh ito" abot nito sa akin.
"Ano yan?"
"Kwek-kwek at tiyaka isaw" maikling sagot nito.
"Di ako kumakain niyan. Tskk!"
"Sige na! Promise masarap yan" pagpupumilit nito.
"No!"
"Ikaw bahala...hmm(nguya nito) Alam ko pa naman san banda yung terminal" sagot nito sabay naglakad pa abante. Nakalimutan kong may pabor pala ako sa kanya. Napa- buntong hininga nalang ako at tinanggap ang kanyang nais.
Nung tignan ko ang laman ng plastic cup ay nagdadalawang isip akong kainin ito, ni kahit kailan di ako kumakain ng ganto sa buong buhay ko. Di ko alam kung bakit nandidiri ako sa gantong pagkain. Sa gitna ng aming paglalakad ay-
"Kainin mo na kase, masarap yan. Alam mo bang yan ang halos binibili ng karamihan sa tuwing weekends. Kaya nga nae-engganyo ang mga manininda na magtinda kase andaming mga mamimili." kwento nito at habang nagkukuwento ito ay agad kong sinubukan ang pagkain na aking bitbit.
Nung unang tikim ko ay hindi ko malasahan ang sarap nito. Pero nang kalaunan ay nalasahan ko na ito. Ansarap naman pala ng wek-wek? Ano nga uli tawag nun? Tas yung kisaw naman ay ansarap kapag sinasawsaw sa maanghang na suka.
"Hmmm(takam ko) ansarap naman pala ng Wek-Wek at nang kisaw" sagot ko habang nginunguya ko ang pagkain at ito namang isa ay bigla nalang humalakhak sa pagtawa.
"Hahaha! Kwek-kwek yan hindi Wek-wek. At yang isa ay isaw hindi kisaw" sagot nito sabay tawanan naming dalawa. Ngayon ko lang napagtanto na ang ganda niya palang ngumiti. Maya-maya pa'y nadatnan na namin ang terminal ng tricycle.
Agad naman kaming nagpaalam sa isa't-isa at nagpasalamat sa paglibre niya ng Wek-wek este kwek-kwek at isaw.Yun siguro ang unang subok kong kumain ng mga kalyeng pagkain. At agad namang umandar ang motorsiklo at sinabi ko kaagad kung saang lugar ako nakatira.
Ipagpapatuloy...
Please don't forget to Vote &.& Comment
Paalala: Asahan mo ang mga pagkakamali ko pagdating sa mga gramatikong aking nagamit.
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Teen FictionThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...