||@Sixth||

1 1 0
                                    

Timoteo's POV

Sa paglingon ko ay nakita ko ang matalik kong kaibigan na si Diego.

"Wag kang mangialam pre, kung ayaw mong madamay" pagbabanta ko. Kahit kababata ko to ay hinding-hindi talaga ako magdadalawang isip na gawin ang bagay na iyon.

"Di ka parin nagbabago tol, napaka bully mo paren sa mga bagong salta." nakangising tugon niya.

"Nyenye!" ako.

"Mukhang gigil na gigil ka ata sa kanya ah" ani nito, na agad ko namang ikinalingon sa lalaking hawak ko. "Siguro, may gusto ka jan eh no?" dugtong niya sabay tawa, na para bang nang-aasar.

"Gag* kaba" angal ko at agad binitawan ang kumag. "Bulag kase tong taong to eh! Di tumitingin sa dinadaanan." galit na sabi ko sabay turo sa kanya.

"Pasalamat ka ngayon bata, pero sa susunod na makita ko yang mukha mo asahan mong di kana makakaligtas" pagbabanta ko.

"Huwag kang mag-alala nagbibiro lang siya, by the way, What's your name?" tanong ng isa, ansarap upakan nitong Diego na to eh. Kung di lang to dumating baka may umuwi na namang gusot ang uniporme.

"Sebastian" maikling tugon nito. 'Sebastian?' huh? Pangalan palang napakadugyot na.

"What a nice name ,hanggang sa susunod , ako na bahala rito sa gunggong nato" paalam ni Diego at sabay akbay sa akin na mas lalo kong ikinainis at kinaladkad ako papalayo.

"Bitiwan mo nga ako!, kaya ko naman maglakad mag-isa" reklamo ko. At nang sa ganun ay, di na namin nasilayan ang lalaking kanina ay nakabangga sa akin.

"What if isumbong ko yang katarantaduhan mo kay tito Greg?" pagbabanta niya, sabay akay sa aking balikat.

"Edi isumbong mo!, may sasabihin din naman ako kay tita Yeshue, na nag cu-cutting classes anak niya. Ano kaya ang magiging reaksyon ni tita kapag sasabihin ko yun" ani ko na nagmuni-muning kakatingin sa itaas.

Akala niya ata, di ko alam mga pinag gagawa niya sa school.

"Edi quits na tayo" saad niya. "Btw, may training tayo mamaya para sa Basketball League laban sa Alfeiors University" ani nito na pagtango lang ang aking isinukli.

Kringg! Kring! the bell rung.

Nang tumunog ang bell ay agad ko namang tinunton ang aking magiging silid-aralan. Pero bago ako makarating ay bigla nalamang may tatlong lalaking humarang sa aking dinaraanan.

"Kumusta kana Tim" ani ng isang lalaki.

"Anong kailangan niyo?" I asked full of confusion. Nang makita ko ang kanilang mga ID ay nalaman ko ang kaibahan kaysa saken.

"Mukhang napadayo ata kayo ah?" tugon ko.

"Ah, oo. Let me advance Tim. Gusto lang naman namen sabihin na matatalo na kayo sa League" nakangisibg tugon niya.

"Anlakas naman ng loob mo" ani ko sabay tawa ng marahan.
"Huwag kang manigurado, may apat pa na linggong pagsasanay bago ako liga"

"Hahahaha! Goodluck sa inyo" pang-aasar nito at sabay umalis.

Anlakas naman ata ng loob niyang sabihin yun hahahahah. Siguraduhin niya lang talagang matatalo kami.

Btw, nung oras na nga pala? Hala! 8:23 na pala, 2 minutes left bago first subject namen, kaya agad ko namang tinungi ang aking silid-aralan. Nang una ay maling silid-aralan pa ang aking napasukan.

Nang makita ko ang section name Euclisse ay nasisiguro kong ito na ang aking silid-aralan. Dahil sa pagmamadali ay nabuksan ko ang pinto na kay lakas. At dito ay nakita ko ang aming propesor na nagsasalita sa harap ng aking mga kaklase. At ang iilang kababaihan ay nagsitilian sa aking pagdating. Alam ko namang gwapo ako at hindi na dapat ipagtataka yun.

"Silence!" ani ng aming guro.

"Oh! Iho, mukhang wala ka ata sa mood sa araw nato ah, you may now take a sit. But wait." dugtong nito sabay panay lingon kung saan mayroong pa bang bakanteng mauupuan.

"Dun ka sa bandang hulihan, katabi niyang lalaking nakatingin sa bintana." saad niya, na agad ko namang ikinalingon sa aking likod. At ang estudyanteng kanyang tinutukoy ay biglang lumingon sa likod ket alam niyang siya na yung last part.

Wait? That face was too familiar.

"Yang lumingon sa likod na estudyante, jan ka Iho. Dahil wala nang bakanteng upuan dito sa harapan." ani ng aming guro .

Nang ako'y papalapit nang papalapit ay namumukhaan ko na ang lalaking tinutukoy ng aming guro. At nang sa maka-upo ako ay-

"Ikaw!?" sabay naming tugon.

Ipagpapatuloy...

Thanks for reading.

Alam kong hindi ito ang magandang piece na ginawa ko but still thankful ako for reading my story.

Note: Grammatical errors ahead

Enjoy!

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon