||@Twenty-second||

3 2 0
                                    

Timoteo's POV

Nagising ako nang dahil sa bigat na aking nadarama mula sa aking tiyan. Agad ko namang minulat ang aking mga mata upang masuri kung ano ito.

Nang matuluyan ko nang maaninag ang aking paningin ay nasilayan ko ang braso ni Sebastian na nakapatong sa aking tiyan, at habang ang kanyang isang paa ay nakapatong sa aking tuhod.

Ganto ba talaga siya matulog?

Nang lingunin ko ito ay nakangiti pa ang unggoy.

Anong oras na nga ba? Agad naman akong bumangon sa higaan at dahan-dahang inaalis ang nakadagan sa aking katawan.

Alas singko sarado (5:00 am) pa naman pala nang umaga, di ko alam kung bakit mas napili kong bumangon. Nang dahil sa hindi ko alam anong gagawin ay agad akong lumabas sa kwarto at sinarado ang pinto upang hayaan na matulog ang damulag.

"Oh iho ang aga mo naman atang nagising?" bungad ni tita sabay higop ng kape.

"Heheh, mukha naman palang orasan matulog si Sebastian" kamot batok na sagot ko.

"Naku sinabi mo pa, kaya nga mas pinili kong lumipat ng kwarto kase ayaw kong masampal at masipa nang batang iyan" kwento nito.

"Oh halika at magkape na tayo, at matapos ay maligo kana para makapasok ka sa school nang maaga." tugon niya.

Agad naman akong nagpaalam kay tita na maliligo na muna ako bago magkape at kumain. At binilinan ko siya na mauuna akong pumasok sa paaralan dahil may dadaanan pa ako. Nung una ay nagtanong pa siya kung hindi ko ba raw hihintatin at isasabay si Sebastian, pero ang sinagot ko lang ay "Sa susunod nalang po siguro"

A few moments later

Agad namang ibinigay ni tita ang uniporme na aking susuotin. Mabuti nalang talaga at tuluyan na itong natuyo, naku kung hindi pa, baka wala talaga akong maisusuot.

Nang matapos ko itong maisuot ay agad na akong pinagtimpla ng kape ni tita.

At tungkol naman sa damit na hiniram ko kay Sebastian, ay binilinan ko si tita na ako na ang maglalaba kung maaari ngunit tumanggi ito.

"Maraming salamat po. Nag-abala pa tuloy kayo" nahihiyang sagot ko.

"Aysuss wala yan! Maliit na bagay lang naman" saad nito sabay bitiw ng matamis na ngiti.

Napakabait naman nitong mama ni Sebastian. Napakalaking deperensya nilang mag-ina. Ibang-iba mama niya sa kanya.

Nang matapos kong mag-take ng coffee ay agad kong kinuha ang aking bag upang makapasok na sa paaralan.

"Handa naba lahat ng gamit mo?" tanong nito. Nang dahil sa katagang iyon ay nakaramdam ako ng pagmamahal ng isang tunay na ina.

"Ouhm" nakangiting pagtango ko.

"Bymalik ka lang kung kailan mo gusto iho. Ang aming tahanan ay laging bukas para sayo." saad nito mula sa pinto.

"Paalam po at maraming salamat. " pasasalamat ko at unti-unting naglakad papalayo.

"Nga pala! Yang sugat mo huwag na huwag ming kakalimutang gamutin iho" tugon nito.

"Opo" sagot ko at tuluyan nang umalis. Hays, mabuti pa rito puro matatamis na salita ang aking natatanggap. Kaysa naman sa bahay puro sermon ni Dad.

Ang tinitirhan nila ay hindi naman gaanong kalayo mula sa aming paaralan, kaya hindi ito masyadong nakakapagod bago makarating sa school.

Sebastian's POV

"Hayss, salamat at may bagong umaga na naman akong haharapin" hikab ko.

Oh? Ang aga naman palang nagising ni kumag.

"Good morning ma!" pagbati ko sa aking ina nang ako'y makalabas mula sa aking kwarto.

"Ganda ng gising mo ah" saad ni mama habang hinahanda ang hapag kainan.

"Palagi naman" nakangiting sagot ko habang nagsasalin ng tubig sa baso.

"Ganyan ka ba kasaya kapag nakakayakap ka?" tugon ni mama na siyang dahilan upang maduwal ko ang tubig na aking iniinom.

"Ang tindi mo kapag masaya anak" nakailing na sagot ni mama.

"Bakit ano po bang nangyari?" pagtataka ko.

"Hindi mo ba pansin kung bakit wala yung bisita naten?"

"Bakit? Nasan ba?"

"Hay naku ewan ko sayo,maligo ka na nga lang dun at mahuhuli kana sa klase" saad ni mama at sabay hagis ng tuwalya.

At nang sa gayon ay tinungo ko ang banyo na puno ng katanungan ang bumabagabag sa aking isipan.

"Ano ba kaseng nangyayari?" bulong ko mula sa loob. Hayss, never mind.

Naging maganda ang aking gising nang dahil sa napaka ganda ng aking panaginip. Nanaginip lang naman ako na may kasamang magandang babae at namamasyal kaming dalawa na magkasama, subalit hindi ko alintana ang kanyang pagmumukha sapagkat ito'y liwanag lang ang siyang nakikita.

Hindi ko alam kung bakit minsan sa panaginip ng isang tao ay may hindi nagpapakita ng kanilang mga mukha. At may iilan namang panaginip na kung saan ang kanilang mga pagmumukha ay pamilyar para sayo subalit hindi mo naman sila kilala.

"Hmmm" pagkanta ko habang nagsasabon ng aking katawan.

Sa susunod na panaginip ko'y inaasahan ko na sana makita ko na ang kanyang pagmumukha.

A few moments later...

"Paalam ma, aalis na po ako" maligayang tugon ko sa aking ina.

At nang sa gayon ay agad na akong naglakad papuntang paaralan. Maaga pa naman nang ako'y matapos sa paghahanda.

It's already 6:48 A.M  na kung saan nadatnan ko kaagad ang aming paaralan na walang kapawis-pawis at mukha paring presko tignan.

Kaysarap damhin nang simoy ng hangin.
Sana maging masaya ang araw na ito. Agad ko namang tinungo ang aming silid-aralan upang maka engkwentro muli ng panibagong aralin.

At sa aking pag upo ay siya namang pagdating nang aming guro at ang mga iilang estudyante ay nagsidatingan narin.

Ang asignatura namin sa ngayon ay ang 21st Century na kung saan nakabatay at nakapokus ito sa kasaysayan sa iba't-ibang panig ng mundo, kabilang ang ating bansang Pilipinas.

May pagkakataon na paiba-iba ang aking nakakatabi ng mauupuan, nang dahil sa nag assigned ang bawat guro kung saan uupo ang isang mag-aaral.  Ang ibig kong sabihin ay, may iilang subject teacher na lumilipat kami ng mauupuan. Gets? Kung gets mo tol congratss sayo.

Hindi ko alam kung bakit madalas ang nakakatabi ko ay si Timoteo. Di ko rin alam kung bakit minsan ay piling ko tumataas ang dugo ko sa kanya, natural pa ba sa lalaki to?

Ang dami naming pinagka abalahan sa school ngayong araw, andaming mga activities sa silid-aralan. Sa aming mga activities ay napapaloob doon ang pagsasagawa na kasama ang grupo at minsan ay indibiduwal. At may mga long &.& short quizzes matapos magturo ng isang guro.

Fast forward

"Hays" hinga ko ng malalim nang matapos  ang aming leksyon tungkol sa Matematiko. Hindi naman ako gaanong katalino sa asignaturang ito subalit may naiintindihan naman ako.

Ako ngayon ay patungo sa Library, upang talakayin ang nais ipagawa ng aming propesor. Sa gitna ng aking paglalakad ay tila nagiging dalawa ang aking paningin.  At ang buong paligid ay umiikot na parang bola.

Habang naglalakad ay lalong bumibigat ang aking pakiramdam na tila babagsak ang aking buong katawan.  At hanggang sa bigla nalamang nandilim ang aking paningin ay tuluyang natumba ang aking katawan sa sahig nang dahil sa nawalan ako ng balanse.

"Arghh" huling daing ko.

To be continued...

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon