||@Nineth||

0 1 0
                                    

Timoteo's POV

Nang matapos magpakilala ang gunggong ay ako naman ang sumunod. Siyempre, katulad ng nakasanayang gawi ay mauunang ipapakilala ang pangalan hindi ba?

At sumunod naman ang katangian na unang nakita ko sa kanya. Nung kanina palang na habang ginuguhit ko siya ay wala talaga akong makita kahit ano sa kanya kahit anong gawin ko. Pero kung pipilitin ko siguro ay yun ay ang kanyang labi at tangkad. At nang sa ganun ay ginawa ko nalang siyang 'stickman'. Di naman siya gaanong katangkad katulad ko pero bumagay naman sa kanya ito.

Nang sasabihin ko na ang katangiang aking nakita ay, huminto muna ako saglit sabay lingon sa kanya, baka kase kapag sa huling tingin ko sa kanya ay mayroon na akong makikitang first asset niya. Subalit

"Wala" maikling tugon ko.

"As what you can see, di maayos pagkakaguhit ko kase unang kita ko sa kanya ay mukha na agad ng unggoy ang aking nakita at tungkol naman sa katawan niya (turo ko sa aking iginuhit) is para siyang walis tingting, so yun lamang." rinig na rinig ang tawanan ng iilang estudyante.

"I'd never expected that Mr. Maklaus, uhm you may now take a sit. Okay next!" saad ni sir at agad naman sumunod ang nagboluntaryong studyante.

Nang kami ay makaupo, ay pansin ko sa kanyang mukha ang kunot noo dahil ba sa aking ginawa o sa kahihiyan. Napangisi nalang ako sa kanyang inasal at pansin kong nagsasalita itong mag-isa.

Maya-maya pa ay tumunog na ang bell na senyales na tapos na ang aming unang asignatura at may susunod na namang panibago. Habang naghahanda sa aking kagamitan, ay pansin kong biglang nagkumpulan ang iilang estudyante at agad nag chismisan.

"Ang hot niya teh!" ani ng isa, na ako ang tinutukoy. Sa hindi ako assuming pero sa akin kase sila nakaharap eh.

"At ang igop(pogi) pa" ani pa ng isa sabay hiyawan

"Hoyy! Korak na korak ka jan!" ani ng bakla.

Akala siguro nila na hindi ko sila naririnig. Alam ko namang gwapo ako at hindi naman maitatanggi sa mukha ko yun.

"Good morning class!" bungad ng aming Chemistry teacher na siyang dahilan upang magsibalikan sa kanya-kanyang upuan ang mga estudyante.

Kagaya ng kanina, nagpakilala kami sa isa't-isa subalit hindi kabilang ang pagguhit o pag imahe sa iyong katabi. Maya-maya pa ay nag-umpisa na itong magturo.

Habang nagtuturo ito ay ganadong-ganado akong pakinggan ang kanyang pinagsasabi dahil disididong-disidido akong matuto ng kimika.

Sa gitna ng aking pakikinig ay pansin kong huminto bigla sa pagsasalita si maam na agad kong ipinagtataka. At malala pa dun ay agad itong lumingon sa aming pwesto ni Sebastian.

"Are you listening Mr. Fuergo?" ani ni maam.Akala ko talaga is may nagawa akong mali kaya huminto si maam. Nang lingunin ko ito (si Sebastian)ay nakatingin pala ito sa akin na nangimbaba.

"Hoyy!! Nababakla kana ba sa kagwapuhan ko?" tanong ko.

"Ayieeee!" hiyawan nila.

"Silence everyone!" at agad namang nagsitahimik ang mga estudyante.

"Mr. Fuergo, ituon mo ang atensyon mo sa aralin natin. Mamaya na yang pantasya-pantasya mo" dugtong ni ma'am.

"Ah-ah yes ma'am" utal-utal na sagot niya. At ang iba ko namang kaklase ay panay lingon sa aming pwesto na pinipigil ang kilig. At nang magtagpo ang mata naming dalawa ay sinuklian ko ito ng isang kindat.

"Bakla siguro to" salitang nagmumula sa aking isipan.

Maya-maya pa ay natapos na ang aming leksyon tungkol sa kimika at ngayon ay ang lesson break or mas madalas tawagin na recess. Agad ko namang tinunton ang canteen dahil nakaramdam ako ng paghilab sa aking sikmura.

"One burger please, and lemon juice" ani ko sa nag se-served at agad niya naman itong inihanda at ibinigay.

Nang makuha ko ang pagkain ay naghanap ako ng mauupuan, at nang sa gayon ay umupo ako at nag-umpisang kumain. Habang kumakain ay biglang nakuha ang aking atensyon sa babaeng kanina ay nakita ko sa principals office. Na may kasamang dalawang babae. At nang sa gayon ay agad ko silang nilapitan.

"Hi!" maikling tugon ko na nakangiti.

"Oww hello Mr. ?" ganti niya.

"Timoteo" ani ko sabay abot ng aking kamay.

"I'm Eya" tanggap nito sa aking kamay.

"Btw? Ikaw yung nasa principals office lately diba?" pag-uusisa niya.

"Ah yeah it's me" kamot batok na saad ko.

"Anong ginagawa mo dun?" tanong niya.

"Sinamahan ko lang si Dad" ani ko na pagtango lang ang kanyang ibinigay. I felt a little bit awkward so~

"Free kaba this weekend? Let's hang out then." nahihiyang sagot ko pero di ko pinahalata.

"Hmmm" pag-uusisa niya, habang ako naman ay naghihintay sa kanyang sagot."Yeah, free ako this weekend. Why?" saad niya.

"Well that's good. Yayayain sana kitang gumala. You know, just to know each other." tugon ko.

"Ow sure. See you maybe around at 8 AM, is that okay for you?" tanong nito na pagtango lang ang aking iginanti. At agad naman itong kumuha ng papel at agad nagsulat pero di ko alam kung ano ito.

"Ahm? What'cha doin'?" I asked.

"Here's my cellphone number. Tawagan mo nalang ako if late ako makakarating." abot niya sa isang papel na naglalaman ng labing-isang numero.

"Eya! Let's go" tawag ng kanyang mga kaibigan.

"I have to go, may group activity pa kase kami" siya.

"Take your time" saad ko.

Napangiti nalang ako bigla nang dahil sa ganun ay nakayaya ako ng isang magandang babae sa kampus, at higit pa doon ay ang babaeng kinagigiliwan ng iilang lalaki ang aking naimbita.

-------

Hi! Hope you like it.
Please don't forget to Vote &.& Comment na ren para malaman ko mga opinion niyo about sa daloy ng storya.

Paalala: Asahan mo ang mga pagkakamali sa gramatikong nagamit ko sa pagsusulat.

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon