||@Eighteenth||

1 2 1
                                    

Timoteo' s POV

Nang matapos ang aming leksyon ay agad na kaming nagsitungo sa canteen upang punan ng pagkain ang aming sikmura.

Hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagkagutom, kaya nanatili muna ako sa aming silid. Subalit hindi ako mapakali na para bang may gusto akong gawin.
Siguro'y yun ay ang mang-asar. Nang maisip ko ang salitang 'mang-asar' ay may pumasok agad sa kukote ko.

Agad naman akong kumuha ng papel at may isinulat dito.

"Hmmm(pagmuni-muni ko) Aha alam ko na!" hindi ko alam kung bakit ito ang naisip kong gawin Hahah! At nang matapos ko itong isulat ay agad akong naghanap ng mauutusan.

"Brad!" pagtawag ko sa dugyot na lalaki na may kinakausap na kapwa mag-aaral.

"Ako ba?" tanong niya.

"Ay hindi! Siya ang tinatawag ko" pagpipilosopo ko.

"Malamang ikaw g*go. Ali ka" dugtong ko at agad naman itong lumapit.

"Heheh(kamot batok nito) Ano ba maitutulong ko?" tanong niya.

"Idikit mo nga to sa likod ng lalaking iyon(turo ko sa palakad-lakad na gunggong)" utos ko.

"Ah yun lang ba? Sige" saad nito at agad na tinanggap ang aking papel na ginawa at nagpaalam muna siya sa kanyang kausap.

Agad niya namang pinuntahan ang aking tinutukoy. Napakagaling ng kanyang diskarte dahil tinapik niya lamang ang likod nito at sabay akbay. Nung una ay akala ko ay mahahalata ito ni Sebastian pero hindi pala. Oo tama ang pagkakabasa niyo si Sebastian ang pinagt-tripan ko Hahaha!

Nang napagtagumpayan niya itong idinikit sa likod ni Sebastian, ay agad naman itong umalis na parang walang nangyari. Siguro'y ngayon punong-puno ng pagtataka ang utak ni Sebastian Hahaha!

Sinusundan ko lamang ang direksyon ni Sebastian, at mga nasa tatlong metro siguro ang pagitan naming dalawa. Habang sinusundan ko ito ay dinig na dinig ang bawat pagtawa ng mga mag-aaral na kanyang nadaraanan.

Agad naman akong nagulat nang may humila sa kanya at dinala na kung saan. Hindi ko ito masyadong namukhaan dahil sa ambilis ng pangyayari. At sino naman kaya iyon?

Dahil sa pagtataka ay agad ko itong tinungo. Ngunit sa aking paglapit ay siya ring pagtagpo naming tatlo.

"Oh Brad! San punta?"

"Oh Diego ikaw pala" kamot batok na saad ko.

"Mukhang nagmamadali ka ata" tanong nito.

"Ah oo, nagugutom na kase ako. Pupunta na sana ako ng canteen" pagsisinungaling ko.

"Canteen? Eh dun yung daan nun hindi rito" sagot nito. Naku! nakapa-engot ko naman.

"Ahh ano kase ah- sinusundan ko si" nauutal na tugon ko

"Si?" tanong nito na tinititigan ang aking pagmumukha. Hayss mahahalata na talaga ako nito.

"Siguro'y sinusundan mo si Eya no" tapik nito sakin.

"Eya? Ahh oo si Eya brad!" nauutal na sagot ko. Akala ko mahahalata niya pagsisinungaling ko.

"Tara sabay kana samin, dun din naman kami papunta ni Sebastian diba?" saad nito na pagtango lang ang isinukli ni Sebastian.

"Gutom lang yan pre" tawanan namin.

At nang kami ay nakarating sa canteen ay agad na kaming humanap ng mauupuan.

"Hintayin niyo ako rito, ako nalang bibili ng pagkain natin. Ano bang gusto mong pagkain Sebastian?" suhestiyon ni Diego.

"Ahh ako nalang bibili nang sarili kong pagkain, nakakahiya naman" saad ni Sebastian.

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon