Sebastian's POV
"Wag kang mangialam pre, kung ayaw mong madamay" galit na tugon ng lalaking kaharap ko.
"Di ka parin nagbabago tol, napaka bully mo paren sa mga bagong salta." nakangising tugon ng lalaking kakadating.
"Nyenye!" sarcastikong tugon ng binata na lalong hinigpitan ang pagkwelyo sa aking uniporme.
"Mukhang gigil na gigil ka ata sa kanya ah" ani nito. "Siguro, may gusto ka jan eh no?" dugtong niya sabay tawa.
"Gag* kaba" ganti ng binata na agad niya naman akong binitawan. "Bulag kase tong taong to eh! Di tumitingin sa dinadaanan." galit na sabi niya.
"Pasalamat ka ngayon bata, pero sa susunod na makita ko yang mukha mo asahan mong di kana makakaligtas" pagbabanta niya.
"Huwag kang mag-alala nagbibiro lang siya, by the way, What's your name?" tanong ng isang binatilyo.
"Sebastian" maikling tugon ko.
"What a nice name ,hanggang sa susunod , ako na bahala rito sa gunggong nato" paalam nito at sabay akbay sa lalaking kanina ay aking kaharap, at naglakad papalayo.
"Bitiwan mo nga ako!, kaya ko naman maglakad mag-isa" reklamo ng binata, at palayo na sila nang palayo hanggang sa hindi ko na sila masilayan.
"Hays salamat nalang, akala ko talaga magkaka-pasa na ako pag uwi na siyang papagalitan na naman ako ni mama pag uwi kung sakaling nangyari yun" ani ko sa aking sarili.
Kringg! tunog ng bell na simbolo ng umpisa na ang unang klase. Mabuti nalang at alam ko na kung anong section ako nabibilang. Siguro kung hindi ko pa alam yung section room ko is baka panay takbo na ako sa building para hanapin yung silid-aralan ko.
Pagpasok ko sa aking silid-aralan ay agad akong humanap ng mauupuan at umupo sa bandang hulihan.
Sa aking pag-upo ay siya ring pagdating ng aming propesor.
"Good morning class!" maligayang tugon ng aming guro.
"Good morning Sir!" ganti naming mag-aaral.
"Today, we're gon-" di natapos ang kanyang nais sabihin dahil biglang bumukas ang pinto na napakalakas, na siyang dahilan upang ang mga kababaihan ay magsitiliian. Subalit di ko naman ito pinansin dahil hindi naman ako interesado na malaman kung sino ang dumating, wala akong ginawa kundi ang lumingon sa bintana at nagmuni-muni.
"Silence!" ani ng aming guro.
"Oh! Iho, mukhang wala ka ata sa mood sa araw nato ah, you may now take a sit. But wait." ani ng aming guro na panay lingon kung saan-saan kung mayroong pa bang bakanteng upuan.
"Dun ka sa bandang hulihan, katabi niyang lalaking nakatingin sa bintana." saad niya, na agad ko namang ikinalingon sa aking likod. Nag assume ako na ako ang sinabihan, pero para masigurado ko ay siyempre agad naman akong napalingon sa likod.
"Yang lumingon sa likod na estudyante, jan ka Iho. Dahil wala nang bakanteng upuan dito sa harapan." ani ng aming guro na agad ko namang ikinagulat.
Ipagpapatuloy...
Sorry yan muna sa ngayon, medyo lutang ako sa mga araw na'to.
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Roman pour AdolescentsThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...