||@Tenth||

0 1 0
                                    

Sebastian's POV

Nang matapos ang leksiyon namen tungkol sa Chemistry ay sumunod naman ang recess, na kung saan ito ang favorite subject ko.

Habang nagliligpit sa aking kagamitan ay bigla nalamang may lumapit na dalawang babae at isang lalaki.

"Sebastian right?"

"Ah yeah? Anong maitutulong ko?" saad ko.

"Let me introduce ourselves first. I'm Cassy and this is Jona and this is Adrian" pagpapakilala nito sa dalawa niyang kasama.

"Hi" tugon ng dalawa.

"Hello" ganti ko.

"Nais ka sana naming imbitahan kumain ng recess"

(AN: nakakain ba ang recess?)

"Sure, why not" ani ko.

So ganun nga ang set up, niyaya nila akong kumain sa canteen. At sila na ang nag treat saken ng pagkain. Nung una ay ayaw ko pa itong tanggapin dahil nga sila ay baguhan ko palang nakikilala. Pero hindi naman maganda na tanggihan ang grasya hindi ba.

Habang kumakain ay panay daldal itong si Cassy. Marami kaming pinag-usapan katulad ng mga katangahang ginawa namin nung mga junior high school palang kami. At nang dahil sa kwentuhang iyon ay mas nakilala ko ang buo nilang pagkatao.

Itong si Adrian ay lumaking independent. Lumaki siyang walang mga magulang, tanging lolo't lola niya ang tumayong magulang niya. At tungkol naman sa pag-aaral niya ay nakasuporta naman ang kanyang tita na ngayo'y nagtatrabaho sa ibang bansa. Si Adrian ay may tinataglay na kagwapuhan. Di naman ako bakla, sadyang mahilig lang akong magbigay ng katangian na mayroon ang isang tao. Ganun naman talaga ang bawat tao hindi ba? Kung ano ang nakikita nilang attractions ay yun agad ang kanilang napapansin.

So ayun nga, mataas ng kaunti itong si Adrian kaysa sa akin. Siguro mga nasa 2 inch agwat naming dalawa. Maganda ang hugis ng kanyang pangangatawan siguro ay nag eensayo ito sa gym. At ang gusto ko sa kanya ay madali siyang makisama at may sense of humor.

At dito naman tayo kay Jona. Itong babaeng ito ay kung tignan mo ay isang mahinhin na dalaga pero kapag nakilala mo ito ng lubos ay parang katulad ni Cassy na sobrang ingay, pero mas malala si Cassy. Itong si Jona ay pangalawa sa tatlong magkakapatid. Ang kuya naman nito ay isang tambay lang sa kanilang baryo, na minsan pa ay hinihingi ang sweldo na natatanggap ni Jona mula sa kanyang trabaho. Nakalimutan kong sabihin na si Jona ay isang working student na kung saan napakahirap talaga sa kanya pagkasiyahin ang oras niya sa pag-aaral at pagtatrabaho. At siya na mismo ang tumayong guro sa kanyang nakababatang kapatid.

At tungkol sa katangian na mayroon si Jona ay siya ay, maganda mga nasa 5 flat ang taas niya katulad ni Cassy. Ang nagpupukaw sa aking atensyon ay ang kanyang pagngiti.

Ito namang si Cassy kung sa inaakala mo kung gaano kaingay at kasaya niya in actual, opposite pala in real life. Napaka ruin pala ng buhay niya base sa story na ibinigay niya. Ang mama niya ay may sakit na kung tawagin ay heart disease. At ang papa niya naman ay tanging hanap buhay ay ang paglalako ng tsinelas na tulak-tulak ang isang kariton.

Nang dahil sa kani-kanilang talambuhay ay doon ko nasabi ang katagang "Don't judge a book by its cover."

Kagaya nila, nag share din ako ng story tungkol sa aking buhay. Ako ay nag-iisang anak ni Georgina na tumayong ama't ina sa buhay ko. Lumaki akong walang tatay, na kung saan naiinggit ako sa mga batang ngumingiti at tumatawa sa tuwing kasama ang kanilang mga ama. Sa tuwing tinatanong ko ang aking ina tungkol sa aking ama ay ang salitang madalas naririnig ko sa kanya ay "nalunod na yun sa sabaw anak" at kalaunan ay nalaman ko rin ang katotohanan na wala pala akong ama.

Ipagpapatuloy...

Hoping na nagustuhan niyo ang nilikha kong storya para sa inyo.

Paalala: Asahan mo ang pagkakamaling nagamit ko sa pag likha ng pangungusap.

Please don't forget to Vote &.& Comment

Enjoy!

When I secretly fell into you [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon