Sebastian's POV
Nang matapos ang lahat ng aming leksyon ay agad naman kaming nagsi-uwian.
At habang naglalakad ako pauwi ay pansin kong may mag-aaral na nagsikumpulan, siguro'y mga nasa apat sila at nasa gitna sila ng daan na para bang may nagaganap na gulo.
Nang dahil sa aking pagtataka ay agad ko itong nilapitan, upang masuri kung ano ba talaga ang nangyayari.
Sa aking paglapit ay siya namang pagkatumba ng lalaki sa lupa. Aktong susuntukin na sana ito ng mga lalaki subalit agad ko itong inawat.
Inaamin ko na malalaki ang kanilang pangangatawan kumbaga sakin ay wala lang sa kalahati. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob upang awatin sila.
"Oh mga brad! Huwag niyo namang pagtulungan ang isang to, nakikita niyo namang nag-iisa lang to eh" saad ko sa tatlong lalaki, na upang hindi nila mabugbog si... Timoteo?! Anong ginagawa niya rito? At bakit siya pa?
At pansin ko ang dugo sa kanyang labi, at mga galos sa bandang braso.
Agad ko naman itong inalalayang tumayo mula sa lupa, habang siya naman ay iniinda ang sakit sa bandang tagiliran. Inaamin kong mabigat siya at nahihirapan akong buhatin ang isang ito.
"Bakit sino kaba Ha? Matapang ka?" maangas na sagot ng lalaki na papalit nang papalapit sa aming kinatatayuan.
"Huwag na huwag mo siyang isasali dito Tope!" malumanay na sagot ni Timoteo.
"Tope?" bulong ko.
"Siguro'y bagong jowa mo to Timoteo eh no? Nababading kana ba? Magkano binibigay nito sayo? Hahahha! " saad ni Tope na siyang pagtawa din ng kanyang dalawang kasama. Binigyan ko lamang ito nang masamang titig bilang senyales na hindi ko nagugustuhan ang kanyang ginagawa.
"Kilalanin mo kung sino binabangga mo bata!" saad nito at bigla nalamang akong kinwelyuhan.
"Ako kalabanin mo g*go ka!" sigaw ni Timoteo.
"Ayaw kong lumaban sa mga mahihinang nilalang kagaya mo. Hawakan niyo yan!" utos nito sa dalawang lalaki na kanyang kasama. At ganoon na nga ang ginawa nila kay Timoteo. Hinila nila ito papalayo sa aming pwesto ni Tope. Habang ito namang si Timoteo ay nagpupumiglas na kumawala sa pagkahawak sa kanya.
Walang nagawa si Timoteo dahil hindi pa gaanong bumabalik ang kanyang lakas sa gitna ng pagbugbog sa kanya.
"Bitiwan mo siya, kung ayaw mong may gawin akong masama sayo!" pilit na paglapit ni Timoteo sakin ngunit patuloy lang itong pinipigilan ng dalawang lalaki.
"Sige nga! Hahaha! Ni hindi ka nga makalapit saken. At teka..." saad nito sabay lingon saken.
"Mukhang ambango nitong kaibigan mo Timoteo ah" saad nito na ngayon ay inaamoy ang aking leeg. Nang dahil sa nakadama ako ng pagkabastos ay agad ko itong tinulak na siyang ikinagulat niya.
"Aba lumalaban" agad naman itong tumayo at aktong susuntukin na sana ako, nang biglang may sumuntok sa kanyang mukha at nang sa paglingon ko ay si Timoteo pala.
"P*tang*na mo!" saad nito at agad na tumayo. Nang ito'y makatayo ay agad niyang ginantihan ng suntok si Timoteo. Aawatin ko na sana silang dalawa nang bigla akong pigilan ng dalawa.
"Bakit niyo ba to ginagawa? Ano bang atraso niya sa inyo?" pagpupumiglas kong kumawala sa bisig ng mga lalaki.
"Wala kanang pakialam dun" saad ng isang lalaki. Ilang beses kong sinusubukan na maka-alis subalit hindi sapat ang aking lakas upang pantayan ang kanilang lakas.
"Arghh!" daing ni Timoteo na ngayon ay nakahiga na sa lupa na pinapaulanan ni Tope ng maraming suntok at may kasamang tadjak.
"Prrfttt!" tunog ng pito ni hindi namin alam kung saan nanggagaling.
BINABASA MO ANG
When I secretly fell into you [BXB]
Novela JuvenilThis book was work by fiction. Note: Homosexual warn. Ang librong ito ay nilikha para sa mga taong kayang magbasa ng storya na ang mga karakter ay mayroong pagtingin sa kanilang kapwa kasarian. Pero kung ayaw mo sa mga ganitong teksto ay maaari ka...