This story is pure Fiction.
Expect typos, wrong grammar, and not understandable delivery of the story! Please don't judge and I would be glad if you guys correct my mistakes! Thank you! And may your time won't be wasted on reading my work!
All rights reserved
。◕‿◕。
Altruistic Series #3: Surrenders of a Damsel
__________________________________________________________________
I'm not the kind of person who thinks. I mean, we all think. That's normal. We think because we need to. We have to decide, we have to make a choice, we have to... just have to.
In my case, lagi akong pinapangunahan ng emosyon. Yung bibig ko rin ay walang preno—lalo na kapag nagagalit na. I am very aware of that, I have this personality that somehow other people don't like about me. I have this perspective view that other people don't agree with me. And I'm not a people pleaser para lang umagree ako sa mga opinion ng iba. Para saan pa at may sarili tayong pag iisip at desisyon kung susundin lang pala natin ang gusto ng iba para saatin?
Ni kailanman ay hindi ko inisip na ayusin ang bawat kilos, desisyon, at pag iisip ko. Ni kailanman ay hindi ko inisip na maging... Alam mo na, praktikal.
Dati, kung may hindi ako gusto, tinatanggihan ko. Kung may isang bagay ako na hindi maayos, inis akong hindi na ito pag tutuunan ng pansin. Pinapangunahan ako lagi ng emosyon ko, kung ano yung unang sumasagip sa isip ko—ibubunganga ko agad at hinahayaan ko ang sarili ko na pangunahan ng emosyon. I don't set my goals right, I don't control my emotions, I complain a lot, nor do I face or fix my problems.
May oras na close minded ako, may oras na naapektuhan ako sa mga sinasabi ng mga tao, may mga oras naman na lagi akong nega. Malalayong malayo sa sarili ko ngayon.
Things changed. Things happen. With that, I have to change as well. For the better of myself, for the sake of my family. Tapos ayon, nadagdagan nanaman ng panibagong responsibilidad.
At sa lahat ng responsibilidad na nagkaroon ako, ito yung paborito ko.
"Now this is a beautiful chaise lounge! Gold and white, suits the theme of my new house!" She exclaimed, pinaypayan pa ang sarili kasabay ng pag ingay ng dami dami niyang alahas sa pulso.
Ngumiti ako roon at saka pinasahan ng tingin ang upuan sa harap niya. It's comfortable to sit in, malambot pa sa malambot ang kutchon gaya ng ni-request ng client. Mahilig daw siya sa sofa mag trabaho at minsan nakakatulog na siya. Pero maiba naman ngayon, gusto niya ng Chaise lounge type of chair that can be a substitute to a bed. Her wish is my command, and I hope I granted it well.
"How about the corner chair?" Baling muli saakin ng client kaya ngumiti ako sa propesyunal na paraan.
"This way Ma'am," Gaya ko, "As requested, We designed the chair like how you wanted it to be. Simple. But screams good quality."
Sinuri naman niya ang bagong gawa na upuan. Nanatiling tahimik ang kasama kong si Bryan. Ang Furniture Designer na siyang kasama ko sa pag gawa ng bawat furniture dito.
Naabutan ko siyang humikab kaya siniko ko siya at sinamaan ng tingin. Napakamot naman siya sa ulo niya sabay tayo ng matuwid.
"Umayos ka, isesesanti kita." Banta kong bulong sakanya,
"Wala ka na bang panibagong panakot?" Taas kilay niya kaya hindi ko na siya pinansin.
Bryan is a Filipino-Canadian Furniture Maker and designer. Magaling siya sa propesyon niya, pero nga lang sa tuwing may minimeet up kaming mga kliyente ay madali siyang mangawit at tamarin. Pero kailangan ang presyensa niya kung sakaling mag tanong tanong ang mga kliyente namin tungkol sa mga pinapagawa nilang furniture saamin.
BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...