I didn't know that snorkeling would be this fun. Ang ganda nga mga coral reefs, and even the fishes were all beautiful in different forms. Pinicturan ko ang lahat ng mga iyon gamit ang cellphone ko para maipakita ko kay papa pag uwi. I even took a video under the sea, and when it suddenly moved to Hendrix's direction, nakita sa video na naglalangoy siya at pinagmamasdan din ang mga coral reefs.
Hindi niya napapansin ang pag v'video ko kaya mas tinutok ko sakanya ang camera. Napangiti ako sa sarili habang nakamasid sakanya. When he turned his gaze to me, pasimple kong iniwas ang camera at kunwareng mga coral reefs ang vinivideohan ko.
Nanatili kaming gaanon sa iilan pang minuto. He tried to get my attention by swimming near me and hinawakan ang kamay ko para mapuntahan namin ang ibang coral reefs at mga isda na lumalangoy. Sumabay lang ako sakanya at napapangiti sa ganda ng ilalim ng dagat bago kami tuluyang umahon para makapag pahinga na sa bangka.
Dalawa ang kasama namin sa bangka para alalayaan kami. Isang matandang lalake at ang batid kong asawa nito. I removed my goggles to see the place clearly. Agad akong inabutan ng tuwalya nung matandang babae. Nagpasalamat ako saka pinunasan ang sarili ko. Nilingon ko si Hendrix at ganon din ang ginagawa.
"Feel ko mas mabibilib saakin si papa kung yung coral reef mismo ang inuwi ko bilang pasalubong," Wala sa sariling salita ko dahilan ng pag tawa ni Hendrix saakin.
"Hindi na yung dagat ang iuuwi mo?" He teased
"Tss." Irap ko pero kalaunan ay natawa na lang din.
Kinuha ko ang cellphone ko at nilabas ito mula sa water proof phonecase. Napangiti ako habang pinag mamasdan ang videos. I immediately sent it to papa's messenger kaso loading lang iyon. Napaangat ang tingin ko sa upper right ng cellphone ko at napagtantong walang signal.
"Pagod ka na ba? Malapit na mag Five. Balik na tayo at doon na lang sa buhangin mag pahinga? I think we can watch the sunset from there."
Nilingon ko si Hendrix na walang kahirap hirap na tumayo atsaka lumapit pa lalo saakin. Umupo siya sa tabi ko at nakangiti pa akong tinignan muli. Sinarado ko ang cellphone ko sakanya at saka marahan na tumango.
"Good call. Para makabalik na rin ako kaagad kasi may meeting pa kami eh," Sagot ko
"Sige. Ipapakuha ko lang yung jetski mula roon kina manong." Aniya sabay tayo at umalis muna sa tabi ko.
I took that cue to get ready as well. Binalik ko sa loob ng phone case ang cellphone ko, sinuot ko muna yung life jacket bago ko sinuot naman sa leeg ko ang cellphone ko. The jetski stopped in front of the boat, umahon si manong at nag palitan sila ni Hendrix. Naka suot na rin ng life jacket si Hendrix at umamba na sa jetski bago ako binalingan. Kinuha ko na yung polaroid camera saka lumapit sakanya at kumapit para makaakyat ng tuluyan sa likod niya. When we're good to go, inandar na niya ang jetski at ibinalik na kami sa resort.
When we arrived, he first jumped into the end of the water kung saan hanggang tuhod lang niya atsaka humarap saakin at ako na ang tinulungan na bumaba. A service worker immediately came to us and assisted. Sinabihan lang sila ni Hendrix na yung jetski na lang ang pag tuunan ng pansin at huwag na ang kami. Nanatili lang ako sumunod kay Hendrix na naglakad palapit sa mga beach chairs at umupo roon. Ako naman ay umupo na rin sa tabi niya para magpahinga saglit.
Tinanggal ko ang life jacket ko saka nilapag ito sa gilid. Maging ang cellphone ko ay inalis ko mula sa pag kakasabit sa leeg ko at tinabi iyon sa life jacket bago ko pinatuunan ng pansin ang basa kong buhok. Napupunta kasi ang hibla ng buhok ko sa mukha ko.

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomansaALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam" Oriana is the kind of person who keeps her feet on the ground and her eyes on the goal. Once she sets her mind on something, she gives it her all. As the only child in the family, she's been lovingly spoiled...