"We just landed at NAIA, Vanya. Wala pa kami sa bahay. Masyado kang atat yata,"
Pinasa ko kay Kiko yung bag ni Maddy bago ko nilingon yung mga maleta namin na siyang nilalagay naman ni Val sa laggage cart. Inipit ko ang cellphone ko between my ears and my shoulders para magamit ang dalawang kamay ko sa pag tutulong kay Val. Si Maddy naman ay nakahawak sa dulo ng damit ko at tahimik na pinagmamasdan ang mga tao na magulo ang sariling mundo dito sa airport.
"Really? I thought kahapon pa kayo nakarating? Ayan kasi, sabi ko naman na isundo namin kayo ni Triton," I heard her disappointed voice on the other line
"Na delay lang kasi kailangan kong tapusin yung trabaho ko sa shop. And Kiko's parents are going to pick us up kaya hindi na kailangan, Van." Ngiti ko kahit hindi naman niya iyon makikita
Tinulak na ni Val ang laggage cart sabay suot ng shades niya. Ako naman ay inabot na ang kamay ni Maddy habang ang isa kong kamay ay hinawakan na ulit ang cellphone ko.
"Okay okay, tell me when you get home. Ingat kayo, and welcome home!"
Natatawang binaba ko ang telepono ko bago binalingan si Maddy. I smiled to her as she walks beside me, looking so amazed by the Filipino people she rarely see.
Pag labas ng airport ay agad na nakita namin ang mag asawa Madizel. Tita Yani smiled widely when she saw Maddy beside me. Hindi na napigilan pagkat sinimulan na niyang lakarin ang gawi namin.
"Go and say hi to Dada's Mommy, Maddy." Ngiti ko sa anak ko sabay bitaw ng kamay ko sakanya at marahan na inilapit siya kay Tita Yani
"Ang ganda mong bata!" Tita Yani squatted in order to carry Maddy before standing up again. Napangiti doon ang anak ko sabay pasalamat kay Tita Yani.
Lumapit naman ako kina Kiko para malagay sa trunk ang mga gamit namin. Tito Kal was all happy and got distracted by Maddy kaya naroon sila ngayon sa anak ko at pinanggigilan.
"Grabe, huling alam ko ay ako yung anak ah," Saad ni Kiko sabay sarado ng pinto ng trunk
"It's their first time meeting your niece, Kiks. Hayaan mo na," Tawa ko sakanya
The whole ride on the car was all good noise and catching up. Nasa driver's seat si Tito Kal, sa tabi naman niya si Tita Yani, habang nasa likod kaming apat nina Kiko.
Tita Yani couldn't help but talked about Val and Kiko's engagement the whole ride back to my house. Maging si Tito Kal ay napapasama sa usapan kahit ang mga mata at atensyon ay nasa kalsada.
Bigla namang humilig saakin si Maddy habang kandong ko siya. Sinulyapan ko siya at nakitang pagod ang maamong mukha nito. Halata na nakakaramdam na kaagad ng jet-lagged.
Nang matigil na ang sasakyan ay naunang lumabas sila habang ako ay dinahan dahan ang pag galaw. Mabuti na lang ay bumalik muli si Kiko bago siya tumulong kina Val para kunin saakin ang natutulog kong anak. Nang mag wagi ay ako naman ang lumabas atsaka tuluyan nang nasilayan ang bahay.
"It's been a while huh?" Ngiti saakin ni Val bago pumasok sa loob ng bahay
"Yeah," I whispered while admiring the house, still the same as how I left it five years ago.
Pag pasok sa loob ng bahay ay naroon sila sa sala maliban kay Kiko at Maddy. Kaya naman sumunod ako papunta sa kwarto ko at nakita kakalapag niya lang ng anak ko sa kama. Pinalibot ko naman ang tingin ko at napangiti pagkat laging sinasabi saakin ni Tita Yani na pinapalinis nila ang kwarto ko at kwarto ni papa.

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...