Chapter 17

7 1 0
                                    





"Kayo na?! Boyfriend mo na iyang si Hendrix? Mag bebe na kayo?!"


Kinikilig na tumango ako kay Kiko na kasing laki ng mata ng tarsier ang mga mata niya ngayon. Napatakip ako ng bibig tapos pasimpleng kinagat ang chessecake ko. Habang ngumunguya ay hindi ko nanaman mapigilang ngumiti na parang tanga sa harap nila. Kiko amusingly looked at me, then laughed hysterically, ngumuso ako roon at inirapan siya.



Si Valien ay napatili sa kilig, si Vanya ay kasama rin namin ngayon, she managed to have time kaya naman sinundo siya ni Kiko at Val sa office nito tapos ay tumuloy sila sa trabaho ko at inaya akong mag lunch. At dahil nakakahawa ang tili at kilig ni Valien, Nasabayan na siya ni Vanya at kinikilig na sa harap ko. Ayan tuloy, napalingon ang ibang customers sa lamesa namin. We're having our lunch, libre ni Vanya. Sinulit na namin ni Kiko. Parang nung dati lang na kami pa ang nanlilibre sakanya pero ngayon ay siya na ang gumagastos saamin.


Balik trabaho na ako muli. Matapos kong sagutin si Hendrix ay talagang sinagad niya ang nahuhuling leave ko from work at araw araw talaga kaming nag date. He brings me to restaurants, minsan sa bahay lang at pinag lulutuan ko siya, tapos dinala ko din siya sa museum kung saan lagi akong pumupunta. He keeps on smiling nung nanonood kami ng paintings, hinayaan ko na lang siya dahil masaya din naman ako.


Nung huling tatlong araw bago ako makabalik sa trabaho ay nag road trip kaming dalawa papuntang Masasa beach. Tinuruan nia akong mag jetski at lumangoy din kami. It was the happiest moment in life, nawala ang pangungulila ko sa buhay at napalitan ng saya kasama si Hendrix. Parehas na sinulit talaga namin ang natitirang oras bago ako bumalik sa trabaho. Though he still attends meetings, hindi naman iyon araw araw kaya nanatili siya sa bahay tuwing may trabaho pa ako. Tapos sinusundo na lang niya ako kapag out ko na at doon naman sa bahay ay pag lulutuan ko siya ng hapunan.


"May bebe na siya... Yie may puso na siya," Kagat ni Kiko ng dessert niya.


"Yie gago na siya ulit. Ayos ha." Sarkastikong ngiti ko sakanya





"I'm happy for you, Jam. Hendrix is a good guy." Saad ni Vanya kaya ngumiti ako sakanya at tumango.

"Oo naman... Alagang alaga nga sakin eh," Tawa ko sakanila.

"Putcha, nag mukhang baby sakanilang dalawa." Halakhak ni Kiko kaya kinuha ko yung tissue sabay tapon sa mukha niya. Ngumuso naman siya at nagsumbong kay Val.



"Bitter!" Sama ko ng titig.


Hindi naman kami nag tagal. I need to get back to work tapos si Vanya ay kailangan na rin sa trabaho niya kaya hinatid na kami ni Kiko isa isa. Una si Vanya tapos ako, tapos sabay na silang umalis ni Val.

I worked hard bilang pambawi sa one month leave ko. Masayang masaya sina Tina nung nakabalik na ako. It has been three weeks and I admit that I have been blooming and smiling all the time. Napansin iyon nina Tina pero hindi na sila nag tatanong at sinasabayan na lang ang mood ko. Though paminsan, nag paparinig sila saakin. Alam kong may ideya na sila, syempre sinusundo ba naman at pinupuntahan ni Hendrix. Tsk.


Nang out ko na ay kasalukuyan akong naglalakad na palabas dahil sabi ni Hendrix ay naroon na isya at naghihintay. Tumawag saakin si Vanya at sinabing gusto raw ako makita ni Lia kasama si Kiko. Nagtatanong kung free ba ako ngayong dinner at bumisita naman sa bahay kung sakali. She already informed Kiko pero 6PM pa raw matatapos ng photoshoot ni Kiks.


"Kasama ko si Hendrix ngayon, ayos lang ba kung dederetso na lang kami dyan? May gusto ka bang ipabili, Van?"


"Ay... Kasama pala si Hendrix," Makahuluguhang tawa niya sa kabilang linya na ikinairap ko.


Surrenders of a DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon