"I can't believe it. Three months. In just an amazing three months, napaka success na ng business! Ilang furniture ang nabenta? One hundred and eighty-seven!"
Hindi na napigilan ni Bryan, hawak hawak pa niya ang ang portfolio niya nang lumapit siya saakin at niyakap ako ng mahigpit. Napangiwi ako pagkat mahigpt pa iyon, kulang nalang ay halikan na niya ako sa pisngi sa sobrang tuwa, kung hindi ko lang hinarangan ang mukha niya gamit ang kamay ko saka inilayo na saakin. Malakas na tumawa naman si Kiko dahil sa nakita,
"Distance, Bryan! May uuwian pa iyan sa Pilipinas." Ngisi ni Kiko kay Bryan na agad na nandiri ang mukha.
"Come on, man! Jam's just a friend and my boss. I don't romantically like her. No offense, Jam." Baling saakin ni Bryan
"None taken. Bry. That's good, you only like me as a friend." Ngiti ko sakanya.
"Yeah yeah. I'm just so happy na bawing bawi talaga ang shop!" Maliwagayang saad niya
"Tsaka ikaw Kiko, nandito ka naman sa shop at iniwan mo nanaman ang anak ko at si Val. Balik ka na nga doon!" Baling ko kay Kiko na ngumiti lang saakin pero maya maya ay ngumuso saka walang nagawa kundi tumayo at umuwi na sa bahay.
"Sandaling tambay lang naman eh!" Saad niya, deretso lang din ang paglalakad palabas ng shop.
It has been four months. Buong tapang kong hinarap ang iniwan saakin ni Auntie Juliana. I became the owner of her shop, the boss of her employees, the one who took her step after she left. Nung una ay hindi ko talaga alam paano gawin eh, bagong bago ako sa lahat at natatakot ako na baka hindi ako magustuhan ng mga trabahador. But at the same time, I'm confident and competitive. Gutso kong ipakita na kaya ko at may alam ako, kung wala mang alam ay kaya kong matuto pa.
Bryan was with me along the journey of handling the business. Nag propose ako ng mga ideas ko sakanya, nag drawing ako ng mga panibagong theme ng gusto ko, at yung nakasanayan nung nabubuhay pa si Auntie. Nagustuhan naman iyon ni Bryan, at may tiwala rin naman ako sa mga carpenters namin.
Gumawa kami ng sampung designs at minarket sa mga tao. With my marketing skills, may nainggayo kaming mga customers. Ako na rin nag handle ng website namin, at talagang marami ang bumisita roon at nag o-order online. Locals lang naman, hindi pa namin kaya yung international. Kaya naman talaga, ang kaso, wala pa akong balak.
Ginawa ko si Kiko bilang photographer namin. Side job lang naman, dahil wala pa siyang balak na kumuha muli ng project dito sa Canada at si Val lang talaga ang hindi kayang manatili lang sa isang lugar. Pinapapicture ko sakanya ang mga furniture na gawa namin tapos iyon ang ini-upload ko sa website namin. Sa ganda ba naman ng quality at angles, talagang ginagalingan ni Kiko kahit mga upuan, lamesa, kabinet, at iba pa lang ang pinipicturan.
Hindi ko din alam ano ang balak nilang dalawa ni Val. Kaya naman nilang bumalik na muna sa Pilipinas at bumalik na sa kumpanya nila pero nanatili parin sila dito. Val has been accepting offers and has been attending face screening kasama ang agent niya. Dahil doon, naging representative na siya ng Ferish Photography and Fashion Company na pinagt'trabuhan nila ni Kiko dito sa Canada. If there's an event or anything that regards the Fashion and Modelling Industry dito sa Canada at all over the world iyon, si Val ang dumadalo bilang representative ng Ferish sa Pilipinas. Syempre, bilang documentation and flex, si Kiko ang photographer niya. Kaya naman, they work together at nakukuhang mag karoon ng oras sa isa't isa.
Sa buong isang buwan ay nag accept ako ng mga request sa client. Ako ang humaharap sakanila at nakikipag meeting, taimtim na nakikinig sa gusto nilang ipagawa na furniture, tapos guguhitin ko iyon at ipapakit sakanila sa susunod na araw, minsan ay sa harap nila, and if they like it, sisimulan na iyon gagawin nina Bryan at ang ibang mga carpenters. Kaya naman sa mga sumunod na tatlong buwan ay lagi kaming busy, dahil marami ang bumibili at bumibisita ng shop, at meron rin ang nag papa gawa base sa gusto nilang style ng kagamitan.

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...