Nung first year college ko, doon yata nagsimula ang mga kawatak-watakan ng buhay ko. Hindi naman sa talagang binagsakan ako ng mundo, pero yung tipong... Nung taon iyon nagsimulang sinubukan talaga ako ng mundo.
I don't easily regret things. Magaan kasi ang buhay ko. Hindi naman kami mayaman talaga, sakto lang. I'm an only child as well kaya nakakayanan ng mga magulang ko ang tustusan ang mga kagustuhan ko. I witnessed them work hard for me to live a good life. Nakikita at nararamdaman ko ang pagmamahal nila saakin, kasi magulang ko sila at anak nila ako.
That is why I'm kind of sensitive whenever I witness my dearest friend Vanya Rousseau Dalliero work hard for her and her little sister gayon may nanay naman siya na siyang pwedeng kumayod para sa pamilya niya. Maliban sa nag aalala ako at mahal na mahal ko ang kaibigan ko, hindi ko lang kasi maintindihan talaga kung bakit kailangan siya pa ang mag hirap. We're kids, we are still learning and growing, we can help our parents in other ways, we can study harder and be a good influence to the environment and to ourselves. Iyon na muna hanggang sa kaya na namin ang sarili namin at suklian ang mga paghihirap ng mga magulang namin.
But Vanya may be the same age as ours but then again, her mind grew three times more from our usual mindset. And I don't get it. I tried to, But at that time, hindi ko talaga maintindihan bakit siya ganon. Nag trabaho siya habang nag aaral, dala dala si Lia sa school, araw araw ay pumapayat siya, baka nga matutuluyan na kung hindi pa namin siya nililibre ni Kiko sa canteen. Laging siya yung nagtataguyod gayon may nanay naman siya na pwedeng buhayin sila pero bakit siya yung gumagawa?
Laking pag sisisi ko nang hindi ko sinagot ang tawag niya saakin nung gabing iyon. Malalim at mahimbing ang tulog ko, dahil doon ay hindi ko nasagot ang tawag niya sa hating gabing oras na iyon. And for the first time in my life, I felt regret. So much regret, that I started to go crazy, then somehow felt grief, at dahil hindi ko kinaya, ginawa kong galit.
"Putangina naman Kiko! Wala na nga diba?! Wala na si Vanya! Limang buwan na! Tumigil ka na kakahanap sakanya, maging ang nanay niya ay walang pakialam!"
I pushed Kiko Jame Madizel so hard that it made him fall on the floor while crying like a lost kid, longing for the presence of his mother. If other people saw this scene, maawa sila kay Kiko. At kung hindi ako binabalutan ng galit at poot, baka pag sisisihan ko iyon at tutulungan siyang makatayo sabay hingi ng tawad.
But I stood up there. Looking at him with rage, showing that it's his fault kahit hindi naman talaga. My selfish self just gaslighted my mind to blame someone. Nasaktuhan kay Kiko ko iyon tinapon.
"Jam naman eh... Si Vanya iyon. Kaibigan natin iyon..." Kiko, sat down on the floor and cried.
Metaphorically, a sharp dagger struck into my chest kasi sobrang sakit ang naramdaman ko sa dibdib ko habang walang kahit anong mababasa na emosyon sa mukha kong nakatingin kay Kiko.
His testpapers and projects were pitiful lying on the dirty road of our street. Ang bag niya na siyang hinagis ko kanina ay limang hakbang ang layo nito saamin. Gusot na ang uniform ni Kiko, mukha siyang basahan, kawawang kawawa siya ngayon sa harap ko.
Habang ako naman, naka loosen ang necktie at nagusot na rin ng kaunti ang blouse ng uniform ko dahil sa pag yugyog niya kanina saakin. Naka tali parin naman yung buhok ko sa ponytail na paraan pero yung mga hibla ng nito ay nag sihulugan na at nagmukha na siguro akong hagard. Yung backpack ko rin ay nahuhulog na yung strap mula sa balikat ko ngunit hindi ko na iyon pinansin.
"Huwag mo nang hanapin ang ayaw mag pahanap, Kiko. Tigilan mo na iyan." Malamig kong sabi.
Inangat niya ang tingin saakin ng puno ng sakit at pag ttraydor. His face showed that he couldn't believe what he just heard from my selfish harsh mouth. I did not bother.
BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...