It's hard to think that sometimes, you have to surrender the things you can't find a way to fight for anymore. Oo, sinubukan mo, pero sa huli, napapasuko ka na lang. Ano pa ba ang saysay kung napangunahan ka na ang pagkatalo una palang.
Madami ang magbabago sayo kapag nandyan na ang pagmamahal. Tama nga si papa, masarap ang mag mahal. Kaya kung nandyan na sayo, huwag mo nang tanggihan. I did what he advised me to do. And I became the happiest woman in the world because I loved and was loved with my man. Ang sakit na nararamdaman ko mula sa pangungulila sa mga magulang ko ay natatakpan naman iyon ng ginahawa at saya pagkat nandyan si Denzel para pasayahin ako. At mahal na mahal ko siya kaya naging madali ang pag harap ko buhay.
But I guess my world won't really let my mind be at peace. Sasaktan at sasaktan ako nito, sa oras na may tyansa siya.
Kung kailan ka masaya, sasaktan ka nito. Aagawin sayo ang mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan sayo. Una si Mama, tapos ang mga pangarap ko sa buhay, tapos si papa. Tapos ngayon na sumasaya na ako ulit dahil may Denzel na ako, siya namang pag taboy saakin ng ama niya.
Ang sakit non. Ang hindi ka magustuhan ng magulang ng taong pinakamamahal mo.
"Huwag ka na dito. Sumama ka saamin ni Val sa Canada. May tinanggap kaming offer roon, siya, invitation sa isang modeling company. Ako naman ay nabigyan ng oportunidad na mag document ng fashion show roon."
Binagsak ko ang baso ko sa lamesa. My milk got spilled but my rage eyes chose to look at Kiko Jame Madizel who remained calm as he sip his own coffee. Wala si Val, may catwalk siya ngayon. Kaya si Kiko ay naiwan dito sa bahay.
Two days had passed since what happened. Pumasok parin ako ng trabaho kinabukasan but only to pass my resignation letter which made Ma'am Jaki and all my other workmates shocked. Alam kong sesesantahin na ako sa oras na may report kay Ma'am Jaki, pero inunahan ko na iyon bilang pampalubag looban na rin sa sarili ko.
"Bakit? why so sudden? Aalis ka na?" Malungkot na tanong ni Eika habang kinuha ko ang mga gamit ko sa desk ko
Binigyan ko lang siya ng tipid na ngiti. Bumagsak ang balikat niya at lumapit saakin upang yakapin ako. Tumulo ang luha niya ngunit agad niyang pinunasan ito at ngumiti saakin.
Binalingan ko naman si Tina na nanonood lang saamin. Nang umalis na si Eika ay siya naman ang lumapit saakin. Ngumiti ako ng tipid sakanya, hindi niya ito nasuklian pagkat tumingin lang saakin at nalungkot saglit
"Pasabi na lang kay Jake at Joana na mauuna na ako ah," I tried to laugh but my voice broke along with it
"Y-Yeah... Joana will get sad pero sige..." Pilit niyang ngiti.
Sa huli ay niyakap niya ako, napangiti na lang ako at yumakap pabalik bago ako nagsimulang umalis nang hindi na lumilingon pa sa kumapanyang iyon.
"Three months kami roon ni Valien. Depende pa, baka kukuha na iyon ng kontrata sa Canada at sasama na rin ako. At sasama ka na rin." Madiin na saad ni Kiko
"Dito lang ako. Hahanapin ako ni De—"
"May tyahin ka sa Canada diba? kapatid ni Tito Alvin? Try contacting her and ask if you can stay with her for a while. Mag iipon muna ako ng pera tapos mag rerenta na ako ng condo. Sa hotel muna kasi kami ni Valien dahil sponsor iyon ng agency," Hindi niya ako pinatapos sa pag sasalita
"Anong gagawin ko roon Kiko? hindi ko ka-close ang tyahin ko roon! Nakakahiya rin na bigla akong lilitaw doon," Inis kong sambit sakanya
"Matutulungan ka niya! Makinig ka saakin Jam. Ginagawa ko ito para na rin sayo."

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
Любовные романыALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam" Oriana is the kind of person who keeps her feet on the ground and her eyes on the goal. Once she sets her mind on something, she gives it her all. As the only child in the family, she's been lovingly spoiled...