Chapter 3

16 1 0
                                    






If we talk about dreams, madami talaga ang ibig sabihin. Dreams about your future, dreams about love, about your goals in life, dreams about passion. Basta pangarap. Isang bagay na gusto natin para sa sarili natin. Isang bagay na gagawin natin ang lahat para makamit natin ito.


But, I now fully understand that not all dreams are meant to happen. Or at least, not meant for you to be.

I have always loved the idea of drawing. Art. Mahilig ako mag draw, marunong din ako mag paint, but I usually go on crayons during my childhood. Then enhanced to pastel colors during my high school. Nakuha ko lang paminsan minsan mag paint kapag bored ako. Matagal na iyon, kasi alam mo na, things happened and I never got the chance to practice my skills again.

Kaya nga Fine Arts ang kinuha kong kurso sa kolehiyo. I want to design something, I want to draw something. Depende nga actually. Kahit ano naman ay kakayanin ko basta yung tipong napapa challenge yung creative and drawing skills ko.

Bakit daw ako hindi nag architecture? bakit daw hindi ako maging fashion designer? or... digital art creator? maging painter? gawin ko daw ito career, mag tayo ng sariling museo at lahat na.


I did dreamt of that. Magpatayo ng sariling museo tapos naroon lahat ang bawat drawings at painting ko. Hell, that would be the biggest dream I have ever had.


Kaso dati iyon. Sa mga nangyari saakin, parang yung mga pangarap ko ay hanggang pangarap na lang talaga. Hindi na yata matutupad.


Sa sobrang hirap na maghanap ng trabaho, wala akong choice kundi sukuan ang mga bagay na mahirap nang makamit. I tried to apply to the fashion industry. Wala akong experience at wala akong sample ng mga sketch ko ng mga damit kaya na denied ako, tapos sinubukan kong mamasukan sa kahit anong posistion sa isang Exhibitions but they need someone who is experienced and have this very good skills. One thing I can have, kung bibigyan lang nila ako ng pag asa na magtrabaho pero ayon, gusto agad may experience na.

In the end, I surrendered my dreams into entering the world of art. It's okay. Sometimes we have to accept that things are not for us, masakit oo, pero kung ako ang tatanungin, wala akong panahon para mag mukmok. Kailangan ko na talaga ng trabaho para makatulong na ako kay papa.

In the end, I worked under a big company that is working in the world of the Hospitality Industry. I know, malayo sa gusto ko. Akala ko nga ay hindi na ako makukuha pa pero laking gulat ko nung nakapasa ako ng job interview at naging isa sa mga secretary assistant under sa department ng Sales and Marketing. Syempre itutuloy ko na ito, malaking kumpanya iyon at sana naman malaki laki ang maiipon ko pera.

Hendrix Company. A property developer company. Sa research ko ay mayaman itong company na ito. Madaming hotels and resorts na siyang pag mamay ari nila. Aba, sana all.

"Hindi ko na nga lang alam kung ano pa ang takbo ng kumpanya na iyon, alam ko lang, pinagpala siguro yung pamilya na iyon." Sabi ko kay Kiko sabay kagat ng hum burger ko

Linggo at wala akong report sa trabaho. Sakto naman nag aya siyang kumain sa labas, may ipapakilala daw siya saakin kaya ayon, pumayag na ako at kuryoso rin kasi seryoso itong si Kiko nung nakipag usap saakin sa telepono.

"Masaya ka naman? I mean, alam mo na..." Kibit balikat niya saakin

"Hmm. Pwede na. Mataas sweldo ko. Eight thousand in just a month. Justified naman siya, Kiks. Alalay lang namana
ako ng sales market manager ng team. Utusan dito doon, pero pwede na." Sagot ko saka bumugtong hininga

"Nag iipon lang naman ako. I have a goal as of the moment. Ipapa renovate ko ang bahay para ipapa boarding house namin ni papa para may income kami galing doon. Parehas kasi kaming araw araw wala sa bahay, sabi ko naman na huwag na siyang magtrabaho kasi meron na ako pero ayun, sabay na lang muna kami mag ipon para madali ang renovation. Tapos baka mag resign na ako at mahanap ng ibang trabaho..." Mahabang paliwanag ko sakanya

Surrenders of a DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon