Chapter 11

7 1 0
                                    



"Naguguluhan ako sakanya, at ang random niya. Iniisip ko na baka palakaibigan lang talaga pero para naman yatang bulag ako kung hindi ko isipin na there's more to it?"




Sabay na tinignan ako ng taimtim ni Val at Kiko. Tunaw na yung ice sa juice ni Val, hindi magalaw galaw kasi nakikinig talaga siya saakin. Si Kiko naman, hindi na rin magalaw ng maayos ang miryenda niyang banana cake na binili nilang dalawa ni Val.


Bumisita sila dito linggo ng hapon. Kaninang umaga ay galing ako sa museum para mamasyal, nadatnan ko sila dito sa bahay tanghali nang makauwi ako. Wala daw magawa ang dalawa at miss na raw ako. For all I know, they want a gossip from me. Paniguradong may sinabi itong si Kiko sa girlfriend niya eh! Huling kita namin ng lalakeng ito ay nung sinundo ako ni Hendrix para tumungo sa birthday party ng kaibigan nito.



"There's indeed more to it. That is not just a friendly gesture, Jam. Hendrix is surely onto something." Mahinanong saad ni Val kaya nalipat ang atensyon ko sakanya at napaawang ang bibig ko.



"Alam ko kung ano," Si Kiko naman, ngumisi bigla sabay subo na nang tuluyan sa banana cake niya.



These past few weeks have been very challenging on my part. Denzel Hendrix spends most of his free time with me. Dahil na rin sa lumuwag na ang class schedules niya, the only thing he needs to do is to study for his final exam and attend a few classes. After that, wala na. Or at least that is what he told me.


He has been attending meetings together with the higher ups. Then kung saktong pag lunch ay ako ang pinupuntahan niya, kung maaga naman matapos ang meeting niya ay talagang nagugulat na lang ako na nag hihintay na siya sa lobby. Sasabayan niya ako kumain sa Lunch Area. Kaya naman automatic na umaalis sina Tina, Eika, at Joana kapag nandyan na si Hendrix.


May mga oras din na kapag out ko na sa trabaho ay nadadatnan ko siya sa labas at prenteng nakasandal lang sa BMW niya. Kapag nakita na ang anino ko ay tatayo na ng matuwid sabay ngiti at lapit saakin. Ihahatid ako pauwi.

Nakakasabay ko rin siya paminsan sa elevator every morning. He greets me while smiling ear to ear, then waves his hand at me kapag lalabas na ako para tumuloy sa floor namin.

One time, sinadya kong hindi sumama kina Tina mag lunch at nagpaiwan para mag overtime saglit sa trabaho ko. Sa backroom na lang sana ako kakain kung sakali, pero itong si Hendrix ay dumating sa kalagitnaan ng pag titipa ko sa laptop ko sabay lapag ng coffee na lagi niyang binibili and a pack lunch in front of me.


"Let's eat!" He joyfully said. Always good looking and fresh whenever I see him. Laging abot langit rin ang ngiti niya.



Tatlong linggo ay ganun siya sa halos araw araw. Absent lang siya sa sarili niyang errands saakin ng mga apat na beses. He just sends me a message na hindi daw niya ako mapupuntahan kasi either may klase pa, or may group study sila. I tend to just see his messages kasi wala lang naman saakin. Ano naman ang irereply ko? Hindi naman kaso saakin kung lilitaw siya o hinde. I'm just confused by his actions, I'm trying to learn his intentions pero wala akong makuhang sagot.


Kaya naman, to understand him. Wala na akong nagawa kundi ikwento na iyon kina Kiko at Val. Tutal ay nandito na rin naman sila at wala yatang balak umuwi kung hindi ako magsasalita. Surely this is Kiko's idea, hinahatak niya lang si Val sa kalokohan niya saakin.


I want to understand the actions of Hendrix towards me. Bago din kasi ito saakin, wala akong ideya kung paano ito intindihin kaya naman sa dalawa ko na naitanong ang mga katanungan sa utak ko upang makaintindi. Maganda din naman kasi kausap itong dalawa, kahit paminsan, sinasamahan ng pagka siraulo ni Kiko Jame. Tsk.




Surrenders of a DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon