Chapter 18

6 1 0
                                    


Summer has finally ended. Back to school na ng mga nag aaral, muli nanamang nagbabalik ang matindig traffic kahit araw araw parin naman na mayroon non. Workers like me continued to work like usual. Successful na rin ang marketing namin ng Jullie resort. Nung nag opened na kasi ito last month, isang buwan matapos kaming naroon ay agad na dinaluhan ng mga tourists at local. Tumaas at dumami rin kasi ang views ng video content kaya naintriga sa ganda ng resort. We're happy for that, kasi paid off ang efforts namin para roon.


It has been a week since Denzel went back to his school. Kaya naman na less ang oras ng pagkikita namin. Hindi na rin niya ako nasusundo dahil may schedule siyang inaabot ng gabi. Graduating na din kasi siya kaya mas gagalingan na niya this year. Nevertheless, I'm very proud of him.

Bumalik na rin ang mga boarders matapos mag bakasyon. I broke the news about my father's death, gulat at nalungkot sila sa narinig mula sa akin. Though tapos na ganong phase slnina Allen at Paolo dahil narinig na nila mula kay Denzel, nalungkot parin sila sa pagkawala ni papa.


Sa tingin ko ay mag iisang buwan na rin matapos nung nagsama kami ni Denzel sa iisang kwarto. Though it was still fresh on my mind, pinipilig ko na lang iyon sa utak ko. Miss ko lang yata siya, kasi lagi kong hinihintay ang text niya saakin. Kahit alam kong nasa klase siya. I'm getting out of my character again, para akong bata na hinintay makauwi saakin ang magulang ko galing trabaho.


Nasa backroom ako at sandaling nag break muna. Hindi din naman ako kailangan pa ni Ma'am Jaki kaya ayos lang kung tumambay muna ako dito. While sipping my coffee, bigla akong nahilo at nawalan ng balanse. Binaba ko ang kape sa maliit na table na narito saka humawak sa upuan bilang suporta. Napa bugtong hininga ako dahil nangyayari nanaman siya.


Sometimes, I wake up early in the morning and feel dizzy, tapos papasok ako sa trabaho ng walang gana. Tapos nahihilo ako kada oras, nawawalan din ako ng gana kumain kaya puro ako kape. But honestly, I have been drinking milk these past few days. Kaya kahapon ay nag grocery ako at bumili ng gatas. Tapos nadatnan ko na lang ang sarili ko na may biniling mga ice cream at chocolates. Which is very unusual of mine, I never like those kinds of sweets kaya hindi ko alam bakit ako napabili.


"Pa check ka na kaya sa doktor? Ilang weeks ka nang laging ganyan, Alija." Nag aalalang sabi ni Joana saakin. Kasama namin siya ngayon ni Tina, Jake, at Eika sa Lunch Area.


"Stress ka lang. Masyado ka kasing workaholic eh. Learn to rest, ate girl." Si Eika naman

"Yeah. Pagod lang ito siguro." Tipid ko ng ngiti sakanila



I started eating my food. Unang subo at isang nguya ay wala sa sariling niluwa ko iyon pabalik ng plato ko sabay dura pa. Nagulat sila sa ginawa ko, habang ako ay ngumingiwi ng sobra at saka napamura wala sa oras. Napasinghap ang iba dahil sa narinig saakin, uminom ako ng tubig saka kinalma ang sarili.


"Lasang lason, bakit pa iyan binenta?" Inis kong sabi saka tinabi ang pagkain at hindi na ginalaw ulit

"Huh? Hindi naman... Same tayo ng inorder, Alija." Takangtanong ni Eika attinikman ang sariling pagkain. "The beef steak taste good."


Natahimik ako at umiwas na lang ng tingin sakanila. Pero nakita ko pa muna si Tina at Jake na nag katinginan bago bumaling saakin. Huminga ako ng malalim at tubig na lang ang inubuos ko bago kami bumalik muli sa trabaho.

Pabalik na kami sa itaas, naunang nag paalam si Jake saamin bago sumarado muli ang elevetor at lumabas na kaming apat sa third floor. Joana separated her ways as she waved her hr hands. Si Eika naman ay nangunguna sa pag lalakad, enjoy na enjoy dahil busog mula sa kinain habang ako ay walang gana.


Surrenders of a DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon