"Birthday ko ah. Dumalaw kayo ni Tito Alvin. Mag day off ka muna,"
Nilapag ang huling plato na naglalaman ng cheesecake bago binaba ang tray saka tumayo saglit sa harap ni Kiko bago bumalik sa trabaho. Napaisip ako saglit habang nagkatitigan kami. Naramdaman naman niya ang awra ko kaya sinamaan niya ako ng tingin sabay turo saakin.
"Hindi kita papansinin ah!" banta niya,
"Wala pa naman akong sinasabi!" Pabulong kong sigaw, baka kasi makita ako ng boss ko na nakikipag usap sa customer
"Parang pinag iisipan mo pa kung dadayo ka ba o hindi. Birthday ko iyon! Konting salo salo na nga lang oh, andun mga kaibigan natin."
"Siya siya. Oo na. Trabaho muna ako," Inis kong sabi sabay alis sa harap niya
Hindi ko na nilingon si Kiko at tinuon na ang buong atensyon sa trabaho ko. Nang matapos ay alam kong nilingon pa niya ako pero wala na siyang magawa kundi umalis na. That Night, I went home bringing some food for me and for my Papa. Nadatnan ko siyang nasa sala lang at nanonood ng TV. Pero parang wala roon ang atensyon niya. Ni hindi nga yata niya napansin ang paguwi ko.
Bumugtong hininga saka lumapit sakanya at ako na mismo ang nag abot ng kamay niya upang makapag-mano. Nabigla siya nung una pero ngumiti na lang saakin kalaunan.
"Pagod ka siguro, anak. Pahinga ka muna, ako na mag hahanda ng pagkain natin." Sambit niya sabay tayo
"Sige po. Mag ha-half bath muna ako, pa." Paalam ko matapos iabot sakanya ang plastik saka dumeretso na sa hagdan.
Ilang buwan na ang nakalipas simula nung namatay si Mama. Hindi ko na matandaan, anim? pito? Hindi ko na kasi tinuon ang atensyon sa araw at sa oras. Nakay papa ang atensyon ko. Nasa bahay, nasa pang araw araw namin ni Papa. I have to do it, I'm the only child. The only person that my father looks up to.
Nagising ako dalawang oras matapos kong mahimatay non sa hospital. Nadatnan ko si Kiko na umiiyak sa tabi ko. When he saw me waking up, niyakap na lang niya ako at humingi ng tawad saakin gayon wala naman siyang kasalanan. At that time, it made me realize that indeed, my loving mother is totally gone. Nasa morgue na raw si Papa, nung nakarating kami doon, iyak ng iyak naman ang tatay ko habang yakap yakap ang walang buhay kong ina.
Wala akong alam sa takbo ng lamay. Wala akong alam sa kung ano ang gagawin kapag may ililibing. Si papa ay nawala sa sarili. Laging tulala, hindi makausap ng maayos, iyak ng iyak habang yakap yakap ang litrato ni mama. He's mourning, and grieving so bad that I have to set aside mine in order to assist and take care of him.
Nakayanan ko naman pagkat lumuwas ang tyahin ko mula sa probinsya upang tulungan kami ni papa. Nakababatang kapatid siya ni Mama pero maging siya ay paminsan minsang naiiyak dahil sa nangyari sa kanyang ate. Both of my grandparents from my father and mother had died, malayo layo rin ang pamilya ni papa kaya wala talagang makakatulong saamin.
Naubos ang pera namin. Huling bilang ko sa wallet ni papa ay limang libo na lang ang meron kami matapos naming tuluyang nailibing si mama. How are we going to live for just the help of five thousand pesos?
Alalang alala ko pa kung paano kami binagsakan ng katihimikan ni papa ng dalawang linggo. Parehas kami hindi nag sasalita, parehas kaming walang gana sa lahat. Pero kinuha kong bumangon at alagaan siya. Tinipid ko yung limang libo sa iilang araw. Hindi rin yata napapansin ni papa kasi tila tuluyan na siyang nawalan ng kaluluwa. He's here with me, yes. But he died with my mother.
BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...