Dalawang oras pa kaming nag trabaho. Matapos mag break kanina ay nilulong na namin ang mga sumunod sa oras sa pag gagawa ng advertisement. Ma'am Jaki was already pleased with the draft, kaya maman nag bigay lang siya ng kaunting suggestions tapos pina finalize na niya sa editing team. Because of that, we were glad that we don't have to reshoot some videos again kasi ayos na kay Ma'am Jaki iyon. Nasa mood rin siya kaya mas naging maayos ang flow ng meeting namin.
Lunch came, at sabay sabay kaming kumain sa restaurant. We were truly the first ones to try everything here in Jullie Resort. Advantages iyon para naman alam na alam namin kung paano imarket ang resort. At least in that way, based on experience ang mangyayari.
We have mostly seafood. Sa mahabang lamesa ay makikita mo ang iba't ibang putahe ng pagkaing dagat. Lobsters, fish, crabs... Sobrang dami, mabubusong talaga ang lahat panigurado.
Syempre hindi iyon galing saamin, o sa bulsa namin. Before we could even order our food, pag dating namin dito ay nahanda ang lahat ng ito. Galing kay Hendrix.
"Hay, grabe talaga ang special na binibigay ni DKH!" Pagpaparinig ni Tina sabay upo sa tabi ko.
"DKH shouldn't have, napakadami naman nito!" Natatawang saad ni Ma'am Jaki
Nilibot ko ko pa ang paningin ko sa mahabang lamesa, nagbabasakaling may mahanap ako na hindi seafood pero hindi ako nag wagi. Kanin lang yung pwede kong kainin. Pwede sana isda lang kaso ibang klase pagkain iyon, may halong hipon at kung ano pa.
Nagsimula na silang kumain habang ako ay luminga sa mga service workers. Nagtama ang paningin namin sa isa sakanila kaya tipid akong ngumiti sakanya. Naging attentive naman siya saakin at nilapitan ako pero ako mismo ay tumayo at sinalubong siya.
"Hi, pwede pahingi ako ng menu? Mag o-order lang sana ako," Sabi ko sa oras na nagkalapit kami sa isa't isa
"Po? A-Ah sige po," She nodded and then walked back to her direction at may kinuha saglit.
"Uy si Sir nandya na,"
Nanatili akong nakatayo roon at hindi bumalik sa lamesa ko. It would be awkward to go back there and just watch them eat, alam kong magtatanong lang din sina Tina soon enough. Wala naman iyon kaso saakin, gusto ko lang na kumain na lang sila doon nang hindi ako inaalala. I want them to enjoy their food.
Bumalik ang waiter na may dalang menu. Agad na lumapit ito saakin at inabot saakin ng menu. Ngumiti ako at nagpasalamat sakanya saka binuksan ito at nagtingin ng mga available na pagkain roon. Nag hintay naman siya sa harap ko habang may hawak na maliit na note pad.
"You don't like the food I ordered for you guys?"
Nilingon ko ang taong nagsalita sa likod ko. Sandali akong natigilan nang masilayan ang mukha ni Hendrix na maamong tumitig saakin. Sinulyapan niya ang menu na hawak ko bago ibinalik ang tingin saakin. Tumikhim ako saka tuluyan na siyang hinarap.
"Hindi naman uh... Order lang ako ng iba," Tipid kong salita
"Why? Ang daming pagkain. Join your team," He smiled purely
Nilingon ko ang mga coworkers ko na kumakain at nag tatawanan. Naabutan kong napatingin saakin si Eika, nanlaki ang mata niya at biglang ngumiti ng nakakaloko. Kaharap niya si Tina kaya naman sinensyahan niya ito dahilan kung bakit lumingon si Tina at agad kaming nakita. Ngumisi siya sabay agresibong kagat ng hipon niya habang umiling iling saakin. Sunod ay tumatawa siyang humarap na muli sa pagkain niya. Napaismid ako wala sa oras saka nilingon na muli si Hendrix.

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...