Hindi na kami nakasabay sa party kasi may sariling mundo ang lamesa namin. After knowing about each other, palipat lipat ang tingin ni Hendrix saamin ni Shan. He's amused, and then gets confused, tapos ay hindi makapaniwalang tinignan na lang kami.
May ideya lang ako sa background ni Shan, pagkat sikat din naman ang Ramigo. But in his case, kilala lang niya ako bilang kaibigan ni Vanya and that's it. Kaya parehas din naman kaming nabigla rin katulad ni Hendrix. But Hendrix got the most over acting reaction among the three of us.
May mga naglapag naman ng maiinom sa harap namin. Kaming tatlo lang ang nasa lamesa pero dahil kay Shan ay hindi kami nabisita ng katahimikan. After having some fun conversation between the two of us with the side comments of Hendrix, napunta na sakanya ang buong topic. He started ranting about this girl na hindi ko alam kung nilalait ba niya o ano, kasi maya maya ay ngumingiti siya at kinikilig habang kinukwento ang babae, tapos magiging busangot ang mukha kapag may naaalala.
"Then I suddenly found out na birthday pala niya! Kung hindi pa nasambit ni Jebs nung isang araw ay hindi ko pa malalaman. Paano ba naman, Walang kahit anong ma-stalk sa social media accounts niya!" He ranted
"And it's a big deal because...?" I raised an eyebrow
Hendrix shifted on his seat at sandaling lumapit saakin at kaya napunta ang atensyon ko sakanya,
"Remember our conversation at the beach? Where I told you that my best friend is with his crush? Skate competition thingy?" He whispered, trying to make me remember something
Napa 'ah' ako sakanya kaya tumango siya saakin at umupo na muli ng maayos. Nilingon ko si Shan na nakanguso ang bibig habang masama ang tingin sa kalawakan. Hindi niya nakita ang pag bubulong saakin ni Hendrix kanina dahil busy siya sa sarili niya.
"Wala akong gift!" Mangiyak ngiyak sabi, halos isubsob na sa lamesa ang mukha
"Surely, there's something that can make Yaz happy with your gift? Any ideas in mind, Shan?" Tanong sakanya ni Hendrix
Napaisip roon si Shan. Maya maya ay ngumiti siya at nag iba agad ang mood. From grumpy, to a jolly one.
"She's a skater! And remember our first ever interaction dude? I accidentally broke her skateboard. So... I want to buy her a new one," He smiled proudly
"Then the problem is solved." Tawa ni Hendrix sakanya
"Pero siya kasi yung tipong... Astig lahat ng galaw at gamit niya eh," Kumalma na si Sgan, umamo ang mukha at marahan na napangiti sa sarili.
Tinagilid ko ang ulo ko at inobserbahan siya. His eyes somehow sparkled and smiled very genuinely when he thought of something. Huminga pa siya ng malalim at ngumiti nanaman ulit, dahilan kung bakit napansin ko ang maliit niyang dimple.
"I want to give her a customized gift. Yung skateboard na nasira ko ay iyon ang papalitan ko bilang gift sakanya but I want to give more than that... Kaso wala akong maisip... Gusto ko yung maging masaya siya at magustuhan niya." Saad niya
"Ano ba yung itsura ng skateboard na nasira mo?" Tuluyan na akong nag tanong sakanya
Napatingin siya saakin at sandaling napaisip. Bahagya pa siyang tumingala sa ere bago umayos ng upo at tinuon ang atensyon saakin. Seryoso na siya at handang makipag usap saakin.
"She opened the package in front of me that day. Transparent yung board tapos kailangan pang iset-up. Parang sadya yata para siya ang mag ayos? Kasi meron naman na deretso nang mabibili eh." Sagot niya saakin

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...