Mahirap ang naging unang taon ko sa Canada. Aminado akong hindi ako nakapag adjust ng maayos agad agad, I felt new by everything, I see new faces, new places, kahit ang hangin ay ibang iba dito sa ibang bansa. Para akong nabuhay ulit tapos ito ang buhay na iniharap saakin dahil lahat bago at nag mukha ako muwang sa lahat ng mga bagay bagay.
The first three months were tough. Puro mga foreigners, ang hirap sabayan ng mundo nila, ang hirap sabayan ng galaw nila, ultimong si Kiko ay sumuko na dahil hindi na niya kaya at na no-nosebleed na siya kaya si Valien na lang ang naging spokesperson sa aming tatlo. Gago talaga.
I met with my Auntie Juliana. Sinundo niya kami mismo sa airport nung nakarating na kami sa Canada, kasama niya ang anak anakan nito na si Bryan. I never knew that she never had a child of her own. Nor had a husband. Hindi ko kasi talaga siya kilala, kaya naman kahit tyahin ko siya ay parang estranghero parin siya saakin. But despite that, she was very nice to me. And she loved me even more nung nalaman niyang may dinadala akong bata.
Mayroon siyang maliit bahay, sa tabi nito ay ang isang shop niya. Nang makita ko ang shop niya ay doon napunta ang tingin ko imbes na sakanilang lahat na nag papasok ng gamit sa bahay.
Juliana Furniture Shop.
"Nag abroad ako bilang nurse, sampung taon akong nagtrabaho pero sa huli ay hindi ko siya masyadong gusto. Mas gusto ko yung may sarili akong business, kaya ayan... Nagpatayo ako ng sarili kong furniture." Ngiti saakin ni Auntie
"I hate my brother Alvin for not telling you about me! Huhukayin ko iyon sa puntod niya, makikita mo!"
Npaawang ang bibig ko sakanya at natulala saglit. She noticed my sudden reaction kaya bigla siyang tumawa saakin. Si Kiko at Valien naman ay awkward na tumawa pabalik habang ako ay nanatiling tahimik.
"Biro lang, hija. Mahal ko si kuya. At nung huling alis ko almost thirty years ago ay binilin ko sakanya na mamuhay siya nang hindi na ako masyadong iniisip pa. So I understand that you don't know much about me. Lagi talaga akong sinusundan ni kuya, bunso ba naman." Tawa niya saakin
"Also because our parents died at an early age. Nag kanya kanya na kaming magkakapatid, though we still communicate... Rarely nga lang."
The third trimester of pregnancy was the hardest for me. Lagi akong kumakain, lagi kong hinanahanap si Valien at Kiko. They're busy with work, but still visits me dito kay Auntie Juliana. Hindi na ako makatayo ng maayos, hindi ako makahiga ng maayos, laging masakit yung balakang ko, nabibigatan din ako sa sarili ko, my body gained weight as well. Lumaki yung braso ko, tumaba ako ng sobra.
Eights months ko na nung tapos na ang work ni Val at Kiko dito sa Canada pero nanatili parin sila dito. From the hotel, nanirahan muna sila dito sa bahay ni Aunt Juliana, she likes it. The more the merrier daw.
Kasalukuyang nag date pa ang dalawa ngayong araw kaya naman naiwan ako ng magisa. Nasa kabila lang si Auntie Juliana, nasa shop siya at nag t'trabaho. Pwede naman ako pumunta doon pero hindi ko na yata kakayanin pa ang mag lakad ng matagal kaya dito na lang ano nanatili sa bahay.
Bigla akong nauhaw kaya mula sa pagkakaupo sa sofa at nanonood lang ng Asian Movies ay dahan dahan akong tumayo. Humawak ako sa balakang ko habang dahan dahan na nilakad ang kusina. That was just a few steps pero hingal na hingal ako. Maliit lang ang bahay ni Auntie, sakto lang dahil nag iisa lang siya. But there were three vacant rooms. Ang isa ay sakanya, ang isa ay kami muna ni Val ang gumagamit tapos solo ni Kiko ang pangatlo. Isang palapag lang naman ang bahay, kaya lalakrin mo na lang ang bawat sulok nito at hindi na mag hahagdan pa.

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...