Chapter 10

8 1 0
                                    





"Thanks kasi sinipot mo ako! Mabuti na lang talaga ay gabi ang shift ni Yaz, hindi niya tayo mahuhuli dito sa Chef's Hiraya. She works here kasi eh. Hehe."


Ngumiti ng sobra si Shan dahilan kung bakit nasilayan ko saglit ang maliit niyang dimple. He's in a good mood for whatever the reason is, hinayaan ko na siya saka nilabas ang sketchpad ko to show him the doodles and cute drawings I did for his birthday gift sa kaibigan niya.

Nilibot ko ang paningin ko sa katamtamang laki na restaurant na ito bago binalik ang tingin kay Shan na namamangha sa drawings ko. Like I told him, I drew three options for him to choose. It was just a simple art, ang OA lang mag react ni Shan kung maka mangha sa drawings ko.



It has been four days since the birthday party of Hendrix's friend, si Ian. Hindi ko na rin nakita si Hendrix after he dropped me off that night. Not that I need to see him or what, nag aaral siya syempre kaya busy siya sa buhay niya.

Ako naman ay nilaan ang free time sa pag guguhit para kay Shan, hindi naman siya sagabal sa oras ko. I actually like it because I get to practice my skills again. Nang matapos ko ang mga suggestions niya saakin ay finollow ko siya sa social media niya para makontak ko siya kasi wala pala akong number niya. It was easy to find his account, though, unlike Hendrix, naka private at konting followers lang ang sakanya.

I messaged him to inform na tapos na ang drawings ko. He followed me back and immediately replied with a happy emoji. Tinanong ko kung kailan siya free kaya naman heto, ako na ang pumunta sakanya dahil alam kong may klase din naman siya.

"Ang cute naman ng mga drawings at doodles mo, Jam! Just like I imagined," maligayang saad ni Shan kaya tipid akong ngumiti sakanya

"You're good at describing kaya madali lang sabayan ang imagination mo. Anyway, ikaw na bahala sa mga dyan. You can tear up the pages. Ingat lang," Sabi ko. Tumango naman siya at masayang sinunod ako.


"Balik ka na ba sa work mo? Malapit na palang mag lunch. Let's have lunch, Jam." Aya niya. Tumayo na nga lang ako at umiling sakanya.

"I have to get back to work. Nilaan ko lang ang free time ko dito. Babalik na ako sa office," Sabi ko kaya wala siyang nagawa kundi tumango at sinamahan na akong palabas ng restaurant na iyon.

"Salamat dito ah! Sobrang cute at astig ng mga drawings mo dito. Yung mga words din, ang cute ng doodles." Hindi maitago ang tuwa sa boses ni Shan habang sabay kaming naglalakad palabas,

"How am I going to pay you for this? nag a-accept ka ba ng cheque? Or ideretso ko na lang sa account mo?" Ngiti niya saakin

Napatigil ako sa pag lalakad at kunot noong nilingon siya. He innocently looked back at me. Now that I think of it, ang layo ng itsura nilang dalawa ni Hendrix. Shan has this soft baby aura with him, maliban sa pang bunso talaga ang atake niya ay napaka palakaibigan and he's kind of approachable at all pero hindi siya yung tipong mahilig talaga makihalubilo, alam ko iyon kasi iyon ang napansin ko nung gabing kasama ko siya nung birthday party. Hindi niya hilig ang atensyon at talagang umupo lang doon sa lamesa at kami lang ni Hendrix ang kinausap.



But if I look at Hendrix, he has a playful aura. Ibig kong sabihin ay may pagka extrovert kasi nakukuha niya parin umentertain ng ibang tao kahit kasama niya kami ni Shan. Hendrix is a straightforward person as well. Cool, and high class vibe. Si Shan ay paminsan, katulad ni Kiko kung mag biro. Pang kanto ang humor.


They have differences but one thing was sure when I observed them, they both understood each other very well. Best friends indeed.


"Commission na ito, Jam. Babayaran kita para sa mga efforts mo!" Shan joyfully spoke

Surrenders of a DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon