Chapter 6

14 1 0
                                        




Sunday. Bukas pa ang balik ko muli sa trabaho kaya naman huling araw ng pahinga ko na ito. Maaga ako nagising pagkat paglulutuan ko ng umagahan si Papa. Nadatnan ko sa kusina si Hally, at si Paul na nag uusap. Nang makita ako ay binati nila ako.




"Tanong mo kay ate Jam. Bet ko sayo." Ngumisi si Hally kay Paul

Kumunot ang noo ko doon. Nang napunta ang tingin ko sa inosenteng si Paul na nakaupo sa bakanteng upuan at may gatas pa sa harap niya ay ngumuso ito saglit saakin.


"Ate Jam, sabi ni ate Hally ay kilala mo raw si Vanya Dalliero?" Mahinang tanong nito


Napataas ang kilay ko roon aabay sulyap kay Hally na ngumingiti habang iniinom ang kape niya. Nakasandal siya sa harap ng lababo.


"Oo. Kaibigan ko mula gradeschool. Bakit mo naitanong? Kilala mo ba siya?" Baling ko kay Paul


Ah. Sikat naman na ngayon si Vanya kaya hindi na nakakapagtataka. Ang kaso nga lang ay hindi ko alam kung paano nalaman nila na mag kakilala kami.

Mas nag taas ang kilay ko nang mapansin ang pamumula sa pisngi ni Paul. Namula rin ang kanyang mga tainga. Dahil nakatingin rin sakanya si Hally ay natawa ito sa binata.


"Kase naman ate Jam. Idol niya yata yung Makeup owner na iyon. More like a crush, I guess. Can't blame him. Vanya Dalliero is indeed, gorgeous." Si Hally

"H-Hindi! Ano lang... I-Idol lang... Ang ganda din kasi nung life story niya." Tanggi agad ni Paul saka tumingin saakin

"Nakita niyo po ba yung viral video niya? Kahapon lang po na release! Sikat sa YouTube yung kaibigan niyo ate Jam. Ininterview kasi siya ng isang.... Ano iyon?" Napatingala siya sa ere at nag isip


"KTB Magazine yata... Basta tinitingalaan siya ng mga tao ngayon. Trending nga din siya sa social media eh." Sagot ni Hally


Tinikom ko ang bibig ko. Yes it's a KTB Magazine. I know that. Nakita ko na rin yung video at na overwhelmed ako habang pinapanood ito. Hindi naman sa stalker, but I somehow update myself about Vanya's life right now. In that way, nalalaman ko ang takbo ng buhay niya though nag uusap usap naman kami pag may oras through text messages or social medias.


"Ah ganun ba... But how did you think that I'm connected with her?" Titig ko kay Hally


"Ay hehe... Nakita ko po kasi yung social media account niyo ate Jam. Ni-stalk ko saglit at nakita ko yung highschool picture niyo ni Vanya at si... Kuya Kiko? Though, halata naman na hindi niyo na ginagamit masyado yung account niyo ngayon." She smiled cutely



"Ah..." Pilit na tumawa na lang ako



Nag biruan pa ang dalawa habang ako ay nag handa na ng umagahan. May mga ibang kaboarders pa ang tumuloy dito sa kusina at nakisama sa kung ano anong pinaguusapan ng dalawa. Nanatili akong tahimik at napapasulyap sakanila, paminsan minsan ay napapasali sa usapan.


Nang matapos naming mag umagahan ni papa ay naligo na ako atsaka nag bihis pambahay. Lumabas ako ng kwarto at tumuloy ng sala kung saan naroon si papa at nanonood lang ng telebisyon. Umupo ako sa tabing sofa saka nakinood.


"Oh? Hindi ka pupunta ng museum?" Biglang tanong ni papa


"Next week na lang... O baka hindi na muna. Babantayan kita noh! Deretso agad sayo mga free time ko papa." Sagot ko na ikinahingas niya saglit


"Hindi na ako bata eh no! Tsaka, linggo na lang yung pahinga mo... Ilalaan mo pa saakin." Kunot noo siyang saad

"Dito na lang ako mag papahinga sa bahay. At nang mabantayan ko rin po kayo," Nguso ko


Surrenders of a DamselTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon