"Umuwi na tayo... Uwi na tayo, Jam."
He has gotten taller. His shoulders have become broader, he has gained weight but in a better and more mature way. The way he walked was full of confidence and power, and he looked perfect wearing that simple black polo and black pants with his formal Oxford shoes. Gumanda din ang ayos ng buhok niya ngayon. He looked like those hot Korean male leads in dramas. Katulad noon, at hanggang ngayon, he's still as gorgeous as ever.
Muli akong tinawag ni Kiko dahilan nang pag tigil ko sa pagnonood sakanya na unti unti na talagang lumalayo at nakakaalis ng tingin ko. I did not look back to Kiko, what I did was I tried to take a step and follow him ngunit pinigilan ako ni Kiks. Tuluyan ko nang nilingon ang kaibigan ko kasabay ng pag bilis ng tibok ng puso ko.
"Umuwi na muna tayo, Iuwi muna natin ang anak mo, Alija." Salita siya sa seryoso ngunit marahan na paraan.
Nilingon ko ang gawi ni Denzel bago ko ibinalik ang tingin kay Kiko, I know that he saw a hint of pain and desperation from my eyes dahil nanlumo siya saakin ngunit umiling lang muli. Sunod ko naman binalingan ang anak kong tumahan na sa kakaiyak.
Huminga ako ng malalim at walang nagawa na tumango kay Kiko. Nakahinga na siya ng maluwag at saka inalalayan na akong bumalik na sa kinaroroonan namin habang buhat buhat niya parin si Maddy.
"Denzel Hendrix?" Gulat na saad ni Val. "Are you sure about that, love? baka namamalik mata lang kayong dalawa ni Jam."
"Oo nga po, Val. Parehas kaming gulat na gulat ni Jam. SI Hendrix talaga iyon, nandito siya sa Canada." Sagot naman ni Kiko
Kiko drove us back to the condo. Iniwan ko si Bryan at Dakota sa trabaho at sinabing mauuna na ako. Hindi naman din talaga ako kailangan doon, nag deliver lang kami at pwede nang umalis agad, sadyang hindi lang talaga gusto ni Bry ang mag tagal sa pag entertain sa mga clients, but He's with Dakota, so they can handle it already. Nag update na lang saakin si Bry na nakabalik na sila sa shop at hinarap na nanaman ang panibagong clients roon. I told him I might take the day off, nag reklamo siya nung una pero sa huli ay ako ang masusunod.
Kinulong ko lang ang sarili ko sa kwarto buong araw, ni hindi ako lumabas kahit sinubukan akong katukin ni Kiko. Hindi ko rin alam ano na ang ginawa nila habang nasa kwarto lang ako. Nakuha ko lang lumabas nung mag gabi na, at saktong kakauwi lang ni Val galing sa fashion show niya.
Napahinga ako ng malalim sabay hilamos ng mukha ko gamit ang mga kamay ko bago ipinatong ang isa sa lamesa, at ang isa naman ay nasa ulo ko na. Naka upo si Val sa tabi ko, si Kiko naman ay nasa harap namin at sinasabi kay Val kung ano ang nangyari kaninang umaga habang si Maddy ay nasa sala at nanonood ng cartoon movies.
"What is he doing here anyway? Oh no, do you think he knows that you're here beforehand? kaya ba siya nandito?" Baling saakin ni Val
"Parang hindi, beb. Nakita ko rin kung paano siya nagulat nung makita niya ako eh. At nung nakita niya na rin si Jam. Talagang nagkataon lang talaga na nagtapo na ang landas niya kay Jam." Sagot nanaman ni Kiko
"Mommy, I'm hungry already." Maddy came out from the sala and walked towards me.
Agad kong nakalimutan ang ibang bagay at buong atensyon na tinuon siya. Ngumiti ako sa anak ko sabay tayo matapos halikan ang noo niya.
"Okay, sweetheart. Can you give Mommy at least fifteen minutes to prepare for our dinner?" Malambing kong saad sakanya
"As long as you cook the food!" Masayang saad niya na ikinangiti

BINABASA MO ANG
Surrenders of a Damsel
RomanceALTRUISTIC SERIES #3 Alija Maureen "Jam " Oriana is a practical minded person who sets her goals right and will try her best to achieve it once she starts to act. As the only child of the Family, her parents spoils her despite being not rich and tha...