Hindi ko maipaliwanag ang kaba ng dibdib ko habang papasok kami sa Fairmont Hotel. Kung ako lang ang masusunod, ayoko ng makipag – usap pa. Pero sabi nga ni kuya, hindi na daw puwedeng hindi ako magsalita. Ipagtanggol ko naman daw ang sarili ko.
Meeting Mon's mom is somewhat made myself relieved. Kahit paano alam kong may nag – aasikaso kay Mon at hindi siya pababayaan. At the same time, we will have time to talk about us. Kung ano ba talaga ang magiging plano sa buhay – buhay namin. Okay na nga ako sa annulment, eh. Wala na nga akong tutol doon kasi iyon ang gusto niya but his mom, is so against it. Ang sabi niya, hindi solusyon sa isang pagsasama ang paghihiwalay. Dapat daw ang buhay may – asawa ay pinag – uusapan at inaayos hindi basta maghihiwalay na lang.
Nang dumating kami ni kuya ay naroon na si Mrs. Legaspi kasama si Mon. Gusto kong mangiti kasi kahit marami siyang pasa at sugat sa mukha ay guwapo pa rin siya. He is just making himself busy looking at the menu of the restaurant. He didn't even bother to look at us kahit ng makalapit na kami sa mesa.
"Thank you for coming, Dave and Darcy," bati agad sa amin ni Mrs. Legaspi.
Naupo kami ni kuya. Tingin ko kay Mon ay parang sinisilihan ang puwet at gusto ng umalis doon.
"Do you want anything, Darcy? What food do you like to eat? Any cravings?" narinig kong sabi ni Mrs. Legaspi sa akin.
Diyos ko po. Huwag 'nyo na po munang sabihin sa anak 'nyo na buntis ako. Gustong – gusto kong sabihin iyon sa kanya.
Mabilis akong umiling.
"Okay lang po ako," tanging sagot ko.
"I already ordered food for us. Darating na din in a while," sabi ni Mrs. Legaspi at tumingin kay Mon na nanatiling nakatingin sa menu.
"Do you want to tell them your decision, Ramon?" baling nito kay Mon.
Nakita kong biglang naging uneasy siya at tumingin sa mommy niya.
"Do we really need to do this?" tanong niya sa ina.
"Tell them your decision!" napataas na ang boses ng nanay niya.
Mon took a deep breath and glanced at me.
"I am withdrawing the annulment petition that I filed," halos siya lang ang nakarinig ng sinabi niya.
"And?" sabi pa ni Mrs. Legaspi.
"Mom –" parang nagmamakaawa si Mon sa nanay niya. Parang labag na labag talaga sa loob niya ang sasabihin niya.
"Tell them! Punyeta ka!" sigaw ng mommy niya.
Hindi na ako nakatiis kaya sumagot na ako. "Mrs. Legaspi, whatever it is, please don't make him do things he doesn't want to do. I think your son is old enough to decide for himself. He maybe –"
"I want you to live with me again." putol niya sa sinasabi ko.
Ano daw? Tama ba ang narinig ko? He wants me to live with him again?
He is looking straight into my eyes. He didn't even blink at all.
I was tounge – tied when I heard what he said. Totoo ba iyon?
"L – Live with you? And then what? Pagduduhan mo na naman ako?" parang nanunumbat na sabi ko sa kanya.
"You lied to me over and over. Alin sa mga sinabi mo sa akin ang totoo? You still talk to Mark and worst you still meet him behind my back. I know about the secret phone calls. I know about the text messages. I saw both of you in Sofitel when you told me that you are going to meet your friends. Sasabihin mo sa akin mga kaibigan mo ang imi – meet mo but si Mark lang ang kinita mo. I saw you. He was holding your hand," his voice cracked when he said that.
BINABASA MO ANG
DAMAGED LOVE
RomanceSantong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lah...