Cheating?

8.1K 278 5
                                    

Nasasanay na rin ako sa set – up namin ni Mon. For almost a month, nasanay na akong sa tuwing gigising ako ay may nakahanda ng pagkain sa kuwarto ko. Nasanay na akong amoy ng mababangong bulaklak ang gigising sa akin. Nasanay na akong mayroong mga notes na naglalaman ng sweet nothings at nagsasabi kung gaano niya ako kamahal. Sanay na akong wala din siya tuwing umaga dahil naka – duty siya sa ospital na pinapasukan niya at uuwi tuwing hapon. Didirecho siya sa shop ko at magbibigay ng kung ano – anong pasalubong sa akin. Chocolates, bulaklak, kahit ano na alam niyang mga paborito ko na madalas si Juliet lang ang kumakain. Pagdating naman ng gabi ay susunduin niya ako kahit pa nga ilang kanto lang ang layo ng shop ko sa bahay namin. Ipaghahain niya ako ng pagkain at kulang na nga lang pati pagsubo ay gawin niya para sa akin. Pagkatapos noon, ihahatid niya ako sa kuwarto ko at siya naman ay pupunta sa kuwarto niya.

Ang obligasyon ko bilang asawa sa kanya sa kama ay hindi niya binabanggit sa akin kahit alam kong karapatan na niyang angkinin ako dahil asawa na niya ako. Nangako siyang hindi niya ako pipilitin na gawin namin ang bagay na iyon kung hindi pa daw ako handa. Handa daw siyang maghintay kahit matagal.

Isa lang ang request niya sa akin. Kung puwede daw bang mag – goodnight kiss siya sa akin sa tuwing ihahatid niya ako sa kuwarto ko. Weird. Halik sa noo lang ang request niya kaya pumayag na rin ako.

Naipagpasalamat ko din na hindi na rin tumatawag sa akin si Mark. After how many attempts to call me na sinasadya kong hindi sagutin ay tumigil na rin siya. Kahit galit ako kay Mon, hindi ko rin naman kayang gumawa ng ikasisira ng pagsasama namin.

"Darcy! Naku, girl! Na – miss ka namin!"

Gulat akong napatingin sa nagsalita na iyon na pumasok sa shop ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko ng makita ang dalawa kong kaibigan na naroon. Mabilis akong lumapit sa kanila at yumakap. Para pa nga akong maiiyak. Almost one month din kaming hindi nagkita after ng kasal ko.

"Na – miss ko din kayo! Paano 'nyo nalaman dito?" gulat na gulat na tanong ko. Si kuya lang ang nakakaalam ng bahay na ito ni Mon. Ayoko naman na magpapunta ng kaibigan ko dahil baka may masabi siyang iba.

"Tinawagan ako ni Mon last week pa. He was asking me kung puwede ka daw namin dalawin. Sigurado daw kasing nami – miss mo na kami," sagot ni Millette sa kanya at naupo sa couch na naroon. Si Janine naman ay naupo din at patingin – tingin sa paligid ng shop niya.

Did Mon really call my friends? He must know that I missed them. Deep inside, naipagpasalamat kong ginawa niya iyon.

"Mas sosyal ang shop mo dito, ha?" puna ni Janine.

Nagkibit lang ako ng balikat at lumapit kay Juliet. Inutusan kong bumili ng merienda para sa bisita ko.

"Si Mon ang nagpagawa nito," sagot ko sa kanila.

"Ang suwerte mo naman, bruha! Mukhang talagang alagang – alaga ka ni papa Mon. Ang ganda – ganda mo ngayon!" sagot ni Millette sa akin.

"Kamusta naman kayo ni Mon?" si Janine ang nagtanong noon.

"Fine," matabang na sagot ko.

"What? Anong klaseng fine 'yan? Bruha ka! Ang suwerte mo nga 'no at mahal na mahal ka ni Mon. Alagang – alaga ka pa," sabad naman ni Janine.

"You all know that I don't want him," mahinang sabi ko.

"Sabi ko naman sa iyo. Kung ayaw mo, ibigay mo sa akin. Willing akong saluhin ang asawa mo," nakakalokong sagot niya sa akin.

"Janine! Hindi magandang biro ang sinasabi mo," saway ni Milette.

"Well, I am just telling the truth. Mahirap ipilit ang isang tao sa ayaw nila. Look at her, she is so miserable. Are you still talking to Mark? The last time I heard he was asking kung nagpalit ka daw ng number. He was trying to call you but hindi ka daw niya makontak. Hindi na rin daw kasi siya makapasok dito sa village 'nyo kasi apparently, black listed siya," pagkukuwento pa ni Janine.

So, alam talaga ni Mark kung saan na ako nakatira ngayon? And black listed? Napalunok ako. Si Mon lang ang puwedeng gumawa noon. Did Mon know that Mark is calling me? Bakit hindi niya ako tinatanong tungkol doon? Hindi ko maipaliwanag ang kaba ko.

Nakita niyang napatirik ang mata ni Millette at inirapan si Janine. Alam kong naiinis na siya sa mga sinasabi ng kasama.

"Kung bakit kasi sumama – sama ka pa sa akin. Bad influence ka talaga," sabi nito kay Janine.

Pinilit kong ngumiti na lang sa kanila.

"Hindi na kami nag – uusap ni Mark after my wedding. Pangit na rin tingnan. May asawa na ako," sagot ko.

"So, tanggap mo na rin na si Mon ang asawa mo?" tanong ni Millette.

"Oo. Siguro. Hindi ko alam," nalilitong sagot ko at napahinga ng malalim. "Mon is really nice. He gives everything that I need. Alam mo iyon? Nakakalunod na nga minsan kasi I am not used to those things," sabi ko pa.

"O? Anong problema? Don't tell me it is still Mark?" Nakita kong napatirik ng mata si Millette. "Please, Darcy. Good catch na 'yang si Mon 'no." sabi pa niya.

Hindi na ako sumagot. Sa nakikita ko kasi, totoo naman ang sinasabi ng kaibigan ko.

"Do you always have sex? How is he in bed? How big is he?" walang gatol na sabat ni Janine.

Nanlaki ang mata ko sa narinig na tanong niya. I have known her to be a liberated woman eversince but parang medyo off naman ang tanong niya sa akin. I think it's too personal.

"Janine! What's with you?" si Milette iyon.

"Why? I am just asking a question. Normal lang siguro iyon sa mag – asawa 'no?" sagot niya.

Umiling ako. "No we don't do that. Hindi naman kami tabi matulog. Magkabukod kami ng kuwarto."

Nakita kong parehong namilog ang mata nila.

"What? Really? Buti pumapayag siya?" si Milette na ang nagtanong noon.

"I don't know. Siya naman mismo ang nag – insist ng ganoon set – up," sagot ko.

Nakita kong napapailing at napapatawa na lang si Janine sa narinig na sagot niya.

"Girl, ibang klase ang tama sa iyo ni Mon. Mukhang true love talaga. Imagine, he would do everything just to have you. He is willing to be put in jail kung iyon ang gusto mo. Dinaan ka lang sa santong paspasan pero I think, his intentions are true for you," sabi ni Milette sa kanya.

Huminga lang ako ng malalim.

"May balita pa kayo kay Mark?" alanganing tanong ko.

"Stop asking about Mark, Darcy. Huwag mo namang lokohin ang asawa mo dahil kay Mark. Kawawa naman si Mon," sabi ni Janine at bahagya pa itong lumabi.

"Hindi ko naman siya niloloko. I just want to know how he is. May pinagsamahan din kami," katwiran ko.

"Darcy, Janine has a point. May asawa ka na. Kahit pagtatanong lang tungkol kay Mark, that is already cheating. Even if Mon did something bad to you, he doesn't deserve to be cheated," seryosong sabi ni Milette.

Hindi na ako sumagot. Cheating na ba ang ginawa ko noon na pagkausap sa kanya?

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon