Fight night

7.9K 305 15
                                    

       

Hindi na muna ako umuwi pagkatapos kong kumain.  Pumunta ako sa mall malapit sa village at nag – ikot – ikot.  I don't want to go home yet.  Alam ko naman na wala pa doon si Darcy.  Sabi ni Janine, baka magkita si Mark at Darcy.  But how?  Pero tama nga naman ang sinasabi niya.  Kapag gusto, maraming paraan.

I was not expecting Darcy to be home kaya nagulat ako nang maabutan ko siyang nasa bahay at kakatapos lang magluto sa kusina.  Naghahain siya ng pagkain sa mesa para sa aming dalawa.  Tinapunan lang niya ako ng tingin at ipinapatuloy ang ginagawa.

"I cooked beef caldereta for dinner.  Paborito mo daw iyan sabi ni Manang Nora," sabi niya habang naglalagay ng plato sa mesa.

Hindi ako kumibo at naupo lang sa harap ng mesa.  Kahit paano masaya ako dahil nandito siya.  Kahit ano pa ang sabihin ni Janine sa akin na nakikipagkita si Darcy kay Mark, what matters most is that she is here with me.

She sat infront of me and started to eat.  I just breathe heavily and shook my head.  Wala akong masabi.  I was hoping that she would ask me what happened last night.  Kung bakit ako naglasing.  I was hoping that she would be mad at me dahil sa ginawa kong paglalasing.  Just like other wives do to their husbands when they are drunk.  Pero ako na rin ang sumaway sa sarili ko.  Aasa pa ba ako ng ganoon?  Wala nga siyang pakielam sa akin kahit na anong gawin ko.

"Did Janine go to Alfredo's earlier?  Pinuntahan ka ba niya?" narinig kong basag niya sa katahimikan naming dalawa.

I looked at her and she is just looking at her food.  But I know she is waiting for my answer.

"No.  Bakit naman siya pupunta doon?" Nagsinungaling na lang ako.  Ayaw ko din naman na magkasira silang magkaibigan dahil lang sa akin.

Nakita kong tumingin siya sa akin at parang inaalam kung nagsasabi ako ng totoo.

"Naitanong ko lang naman.  I think, Janine really likes you," sagot niya sa akin at nagpatuloy sa pagkain.

Saglit akong napatitig kay Darcy.  Wala ba talaga siyang kahit kaunting nararamdamdaman para sa akin?  Kahit kapiranggot na pag – asa kasi ay wala akong makita.  Bakit pakiramdam ko ay ipinatutulakan pa niya ako sa kaibigan niya?

"And Janine liking me is okay with you?" seryosong tanong ko.

Napailing lang si Darcy at napayuko.

-------------------------------------------------////

Wala akong masagot sa sinabing iyon ni Mon.  Okay lang ba sa akin?  Siyempre hindi.  Hindi okay dahil naiinis na ako sa tahasang pagpapakita ni Janine na gusto niya ang asawa ko.  Noon okay lang sa akin.  Pero ibang usapan na ngayon.  Mon is my husband now at kahit ano pa ang nangyari sa amin, he is still my husband at hindi ko naman siya puwedeng ipamigay.

Nagseselos lang ba ako? 

Selos?  Teka, saan nanggaling iyon?  I don't like Janine flirting with Mon pero hindi ako nagseselos.

"I don't know," iyon lang ang tanging naisagot ko kay Mon.

"You don't know or you just don't care," dama kong punong – puno ng hinanakit ang pagkakasabi na iyon ni Mon.

"Mon -" hindi ko malaman ang sasabihin ko.

"Alam ko naman na sa papel lang kita asawa and I think you are too proud to let your friends know about our situation," sabi niya at napapailing.  "Siyempe nga naman, your friends will know about our set up.  Then malalaman din ni Mark na may pag – asa pa siyang makuha ka ulit," sabi pa nito.

"Bakit naman nasama si Mark sa usapan natin?" hindi ko napigil ang sarili ko na hindi mainis.

"Doon din naman pupunta ang usapan natin 'di ba, Darcy?  Still, Mark is all you want," sagot niya.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon