Decisions

7.3K 238 13
                                    


Pakiramdam ko ay ang dumi – dumi ko kahit hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagsabon ng katawan. Hindi ko mapigil ang sa sarili kong umiyak sa tuwing maiisip ko ang ginawa ni Mon sa akin.  I felt betrayed.  I trusted him so much at hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa akin.  Ano na ang mangyayari sa akin?  Sa amin ni Mark?  Matatanggap pa ba niya ako dahil sa nangyaring ito?

            I just sit on my bed after I took a bath.  I just stared on my cellphone thinking if I will call Mark and tell about what happened to me.  Napaiyak na naman ako.  Hindi ko yata kaya.

            That son of a bitch Mon will rot in jail.  Sinisiguro ko na ipapakulong siya ni kuya.  Hinding – hindi ko mapapatawad ang ginawa niya sa akin.

            Nagulat pa ako ng marinig kong tumunog ang telepono ko at nakita kong si Mark ang tumatawag.  Alanganin man, sinagot ko na iyon.

            "Hon, sorry.  Ngayon lang ako nakatawag kasi medyo busy sa gym kanina," sabi niya sa akin.

            Hindi ako nakasagot.  Napapaiyak lang ako at pinilit kong pigilin iyon.

            "Darcy?  Are you okay?  Umiiyak ka ba?" dama kong nag – aalala siya.

            Umiling lang ako kahit alam kong hindi naman niya ako nakikita.  Hindi ko na napigil ang sarili ko at napahagulgol na ako.

            "Hey, what is wrong?"

            "S – something happened, Mark." Tanging nasabi ko.

            "What?  What happened?" nag – aalala pa rin siya.                            

            "I tried so hard to fight," tanging nasabi ko sa kabila ng pag – iyak.  "But wala akong nagawa.  He was so strong."

            "What?  What are you talking about?" alam kong naguguluhan si Mon sa sinasabi ko.

            Huminga ako ng malalim.  Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nangyari sa akin.

            "It was Mon.  He did something to me," sabi ko

            Wala na akong narinig na sagot mula kay Mark after kong sabihin sa kanya ang nangyari.  All I can hear is his rapid breath sounds.  Para siyang hinihingal. 

            "M – mark?"

            "Shut up.  Don't talk.  All I want to do right now is to kill that son of a bitch," mariin na sabi niya.

            "M – Mark.  I – I don't know what to -"

            "I fucking said shut up!" bulyaw niya sa akin tapos ay pinatayan lang niya ako ng telepono. 

            Lalo akong napaiyak.  I know Mark is so mad at me.  But God knows hindi ko ginusto ang nangyari sa akin.  I don't know what will happen to us after this.

            I heard a car stopped in front of our house.  Sumilip ako at nakita kong kotse ni kuya.  Mabilis akong nagbihis at bumaba.  I want to know kung anong ginawa niya sa demonyong Mon na iyon.  I will make sure he will rot in jail.  Kulang pa iyon sa ginawa niya sa akin.

            "What happened?  Did the police catch him?  Nakakulong na ba ang hayup na iyon?" sunod – sunod kong tanong sa kanya ng makapasok siya sa loob ng bahay.

            Hindi sumagot si kuya at tumingin lang sa akin.  I can't explain the fear and anger when I saw the man walking into our house.  Bakit kasama ni kuya ang hayup na ito?                  

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon