Welcome home

32.3K 513 11
                                    

       

Tahimik kong minasdan ang mga kapwa ko pasahero na nasa loob ng eroplanong sinasakyan ko.  Karamihan sa mga ito ay mga tulog, ang iba naman ay nanonood ng pelikula sa monitor na nasa harapan nila.  'Yung iba ay nakapikit at nakikinig sa earphones na nakasaksak sa ipod at mayroong ibang nagbabasa.  Huminga ako ng malalim at tinapunan ko ng tingin ang kaibigan kong si Dave at napangiti ako kasi hanggang ngayon ay tulog pa rin siya.

            Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kami sa himpapawid na bumibiyahe.  Ang alam ko lang, sandali na lang at lalapag na kami sa NAIA.  Tumingin ako sa relo ko at nakita kong pasado alas – diyes na ng gabi.  Itinama ko na ang oras nito sa oras dito sa Pilipinas bago pa man kami umalis sa apartment namin sa California. 

            It's been ten years since me and my bestfriend Dave worked as a nurse in America.  After we graduated and passed the Nursing Licensure exams in the Philippines, nagpasa na agad kami ng mga documents na kailangan para makapasok kami sa ospital na pinapasukan ng kapatid kong doctor sa Cali.  We took the local examinations, NCLEX and other exams, and good thing we passed.  My mom wanted me to stay since she and my only sistee are living abroad. Ako na lang mag – isa dito sa Pilipinas kung uuwi ako.  But I can't stay there.  Pinagbigyan ko lang ang gusto nilang makasama ako but this time,  it's about time I think about myself and my future.  And my future is here in the Philippines with her.

            I needed to go back here.

            I needed to see her face.

            I think this is the perfect time to tell her how I really feel about her.  My feelings that I wasn't able to tell her ten years ago, ngayon ko na iyon ipagtatapat sa kanya.

            I took out my wallet from my back pocket and took out a picture of a girl.  Matagal ko ng itinago iyon doon.  Nakaipit sa mga lumang credit cards para hindi malukot.

            Napapangiti at marahan ko pang hinaplos ang picture.  Araw – araw hindi ako nagsasawang tingnan ang napakagandang mukhang iyon.

            Saglit kong tiningnan ang kaibigan ko upang masiguro kong natutulog pa siya.  Mahirap ng makita ni Dave ang hawak kong litrato.  Wala kasi siyang kaalaam – alam na ang talagang babaeng gusto ko ay ang nag – iisa niyang kapatid na si Darcy.

            I met Dave when I was in second year college and when I met his sister, she really shook my life in an instant.  She changed my world.  Darcy was only sixteen and fourth year high school pero talagang kapag nakita siya, hindi siya iisipin na high school lang.  Her body features are matured among her peers.  She was tall and she already has curvy body.  Dalagang – dalaga na tingnan.  Alam kong marami na siyang manliligaw noon dahil naikukuwento sa akin ni Dave pero mas madalas, marami ang nagugulat na sixteen lang ito.  Akala nga ng ibang tao ay girlfriend ito ni Dave o minsan ay napagkakamalang girlfriend ko.  Kung puwede ko lang gawin iyon.

            Doon na ako tumira sa bahay nila Dave buong fourth year college namin.  Si Dave na mismo ang nag – offer na doon na ako tumuloy dahil malayo ang bahay ko sa Makati kung sa Sta. Mesa kami pumapasok.  Mas gusto ko naman iyon.  Mas napapalapit kasi ako kay Darcy.

            Mas matanda ako ng limang taon sa kanya.  If I'll count it, she is already twenty – six dahil kaka – thirty one ko lang last month.  I know she already has her own business.  Retail shop of RTW clothes na malapit sa bahay nila.

            Kampante pa rin naman ako na maipagtatapat ko na ngayon ang talagang nararamdaman ko kay Darcy.  Waiting for ten years is already too much.  I tried to suprresed my feelings for her.  Ang dami kong naging babae sa Amerika.  Iba – ibang lahi.  Pinoy at foreigner.  Pero still, si Darcy pa rin ang hinahanap ko.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon