Proposal

7.4K 301 14
                                    

Do I need to tell him na nagkita kami ni Mark?

Paulit – ulit iyon na tanong sa isip ko magmula ng sunduin ako ni Mon sa mall hanggang sa makarating kami dito sa bahay. Gusto kong sabihin sa kanya pero ayoko naman na mag – isip pa siya. I know how sensitive he is pagdating kay Mark. Hindi ko naman siya masisisi kung makaramdam man siya ng ganoon. Kaya nga lagi kong pinaparamdam sa kanya na siya ang mahal ko wala ng iba.

"What do you want me to cook for dinner?" tanong ko sa kanya ng makarating kami sa bahay.

"Gusto mo pa bang magluto? You want take out?" balik – tanong niya sa akin.

Saglit akong nag – isip.

"Do you want to go out? I – date mo naman ako," nakangiting sabi ko.

I saw Mon smiled at me and rested his head on his driver seat.

"Where do you want me to date you?"

Bahagya akong napakagat – labi at tumingin sa kanya.

"You know, puwede naman na sa kuwarto na lang tayo mag – date," nakangiting sabi ko.

Nakita kong parang kumislap ang mata ni Mon sa narinig na sinabi ko. I need to make it up to him. Kahit wala akong ginawang masama, I know deep inside masasaktan siya kapag nalaman niya na aksidente kaming nagkita ni Mark.

He took my hand and kissed it. Tapos ay muli niyang pinaandar ang kotse paalis sa bahay.

"Saan tayo pupunta?"

"Idi – date kita," sagot niya.

"Saan?"

"Surprise," sabi niya at itinuon ang pansin sa kalsada.

Kahit nagtataka ay pinabayaan ko na lang siya kung saan man niya ako dadalhin.

Napakunot ang noo ko ng mapansin kong nasa tapat kami ng dati kong eskuwelahan noong highschool ako.

"Anong ginagawa natin dito?" taka ko.

He parked the car on the side of the road at pinatay ang makina.

"This is where I first saw you," sabi niya sa akin. "You were standing there and waiting for Dave," at itinuro niya ang main gate ng school.

Napakunot ang noo ko. "Do you still remember that?" hindi ko na kasi maalala iyon. That was ten years ago.

"I remember everything about you, Darcy. I can't forget how you looked that day. You were crying because someone broke your heart. Your ultimate crush didn't like you," sabi pa niya.

Natawa ako ng maalala iyon. Iyon ang araw na tinawagan ko si kuya at nagpasundo ako kasi ang sama – sama ng loob ko. Dumating nga si kuya at kasama nga niya si Mon. 'Yun din ang first time na nakilala ko siya. Akala nila ay may nambastos sa akin kasi iyak ako ng iyak ng tawagan ko si kuya. Pero ang totoo, nalaman ko lang na may girlfriend na pala ang crush ko. What's his name again? Lance? Lester? Lester nga 'ata.

"Binasted niya ako kasi may girlfriend na daw siya," hindi ko mapigil ang sarili kong hindi humalakhak. "I was crazy then."

"I love you that instant. I said to myself, this is the woman I am going to spend the rest of my life with. I don't know what came into me. And I promised myself that I will protect you and I will love you," he said that so seriously.

"Bakit ang seryoso mo naman? Nakakatakot ka naman." Pinilit kong tumawa kasi parang naiilang ako sa itsura niya.

Ngumiti siya sa akin.

"Do you know that everytime I will know that you have a new boyfriend, I am dying inside? I can't tell your brother how much I love you because I don't want to ruin our friendship. He is my bestfriend. He is like a brother to me," patuloy pa niya.

Hindi ako nakasagot at napalunok lang. Ano ba ito?

"But I told myself, I will make you mine no matter what," tapos ay tumingin siya sa akin at ngumiti. "And you are here."

I reached for his hand.

"I love you so much, Darcy."sabi niya at niyakap ako ng mahigpit at ganoon din ang ginawa ko.

"So this is our date?" natatawang sabi ko. I want to lighten things up. Kasi parang ang seryoso niya talaga. O ako lang ang nag – iisip noon kasi meron akong itinatago sa kanya?

Humiwalay siya sa akin at may dinukot sa bulsa niya. Napalunok ako ng mapansin kong singsing iyon. Wala kasi kaming wedding ring ni Mon kahit noong ikinasal kami sa huwes.

I saw a white gold ring with a big blue sapphire diamond na napapalibutan ng maliliit na diamonds din. Kinuha niya ang kamay ko at isinuot iyon.

"I want to marry you again. Kahit saan mo gusto," sabi niya.

Ganito pala ang feeling kapag nagpo – propose ang isang lalaki. Hindi ito katulad ng mga napapanood ko sa mga videos sa social media na todo effort ang mga lalaki para sa mga girlfriends nila. Pero sa lahat ng effort na ginawa ni Mon para ma – inlove ako sa kanya, sa lahat ng mga sakripisyo niya, sa ten years niyang paghihintay, tinalo niya lahat ang mga bonggang marriage proposals na napanood ko.

"Will you marry me, Darcy?" tanong niya.

Ngumiti ako sa kanya at yumakap. "Yes." Bulong ko.

Naramdaman kong mas mahigpit siyang yumakap sa akin.

---------------------------------------------////

Mon's POV

I love her that much that even if she lies to me over and over again, I will still love her and I will marry her hundreds of times. Even if it pains me everyday that she doesn't love me completely, I will still love her.

Because loving her is life...

...and leaving her would be like suicide.

We just bought take outs and headed home. She said, she wanted to make love to me and I obliged.

I didn't feel any resistance at all. Darcy is giving her own self to me. Every time she kisses me, every time she is embracing me, I can feel that she loves me wholeheartedly.

Damn those lies.

Pikit-mata ko pa ring siyang mamahalin kahit anong mangyari.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon