It's about time

7.8K 280 30
                                    

       

I have never been happy in my life until I realized that I love Mon.  Our marriage is perfect.  He is so sweet to me, he loves me unconditionally.  Kaya nga nalungkot ako ng malaman kong he will be gone for two weeks.  Kailangan daw kasi ng mga nurses sa Dagupan at kasama siya sa list na kailangang mag – duty doon.  Magkakaroon daw ng Medical Mission ang hospital na pinapasukan niya and wala siyang magagawa kundi sumama.

            It's been two weeks already and I am missing him terribly.  I can't call him kasi parang sobrang liblib na area daw ang pupuntahan nila at walang signal kaya kailangan pa niyang pumunta sa bayan para makatawag sa akin.  Every night naman siyang tumatawag kapag tapos na daw ang duty nila pero ewan ko ba.  Hindi na kasi ako sanay na wala siya sa tabi ko.

            And today, hindi ako nagbukas ng shop.  Alam ko kasi ngayon siya uuwi dahil sabi niya noong nakaraang gabi, tapos na daw ang Medical Mission nila.  Well, it's about time!  Miss na miss ko na kaya siya. 

            Hindi ko na pinapasok si Aling Nora ngayon.  Ako lahat ang gagawa dito sa bahay para ipagmamalaki ko sa kanya na hands – on ako sa pag – aasikaso ng bahay niya just like any other housewife.  Naglinis ako ng bahay.  Nagpalit ako ng mga kurtina and sinindihan ko ang mga scented candles na nabili ko para mas bumango ang bahay niya.  Nagluto din ako ng masarap na pagkain na alam kong mga paborito niya.

            Napangiti ako ng marinig kong mayroong nag – doorbell.  Mabilis kong iniwan ang ginagawa ko para puntahan agad iyon.  I know si Mon na iyon and I can't wait to kiss him and make love to him.

            Pero nawala din ang ngiti sa labi ko ng pagbukas ko ng gate ay ibang tao ang naroon.  Hindi ko kilala ang lalaking nakatayo na naka – uniform.  Tingin ko mukhang messenger.

            "Kay Miss Darcy Legaspi po," sabi ng messenger sa akin.

            "Ako 'yon. Ano yan?" Wala akong inaasahang sulat o package na matatanggap ko.

            "Paki – receive na lang po, Mam.  Paki – pirma na lang po dito.  Sulat po yata ito," sagot ng messenger sa akin.

            Naguguluhan man, kinuha ko iyon at ni – receive.  From Regional Trial Court?  Ano ito?  Bakit magkakaroon ako ng sulat galing sa regional trial court?

            Mabilis kong binuksan ang sulat na na – receive ko.  Hindi ko maintindihan kung ano iyon.  Ang daming papel at kung ano – ano ang nakasulat.  Pero ang tumatak sa akin ay ang pinaka – heading ng sulat.

            PETITION FOR DECLARATION OF NULLITY OF MARRIAGE.

            Ano daw?  Ilang beses kong tiningnan ang mga papel.  Para akong nawawala sa sarili ko.  These are petition for annulment papers.  Mon filed for annulment two weeks ago.

Two weeks ago?  Pero wala naman kaming problema?  After namin mag – usap ni Mark okay na okay kami ni Mon.  Wala ng nanggugulo sa akin.  Hindi ko napigil ang sarili kong mapaiyak.  We are okay.  Everything is fine.  Bakit merong ganito? 

Agad kong kinuha ang telepono ko at tinawagan ko si Mon.  Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.  Panay lang ang tunog ng telepono niya.

"Answer the god damn phone!" umiiyak na sigaw ko at inis na ibinato ko ang hawak kong telepono. 

Para akong nanghihinang napaupo at muli kong tiningnan ang mga papel sa harap ko.  Pilit kong iniisip kong mayroon akong nagawang mali.  Pilit kong iniisip kung may pagkukulang ba ako.  He loves me and I love him kaya bakit niya naisip na magpa – annul kami?  On what grounds?

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon