Parang lahat ng mga sinabi ni Mark ay nag – e – echo sa tainga ko. Kanina pa siya nakaalis pero hindi pa rin ako makagalaw dahil sa nangyari. I don't know what to believe. Ako nga ba ang may problema? I let my mind played tricks on me. Hindi ko pinaniwalaan si Darcy because I am blinded by my jealousy.
"Shit," at ibinato ko ang nahawakan kong baso.
Napatingin uli ako sa pinto ng may mag – buzzer ulit doon. And who could be this time? Pagalit kong binuksan ang pinto ko at napaatras ako sa nakita kong nakatayo doon.
"M – mom?" Si mommy nga ba ito? 'Tang ina, anong ginagawa ni mommy dito?
Tiningnan lang ako mula ulo hanggang paa ni mommy at dire – derecho siyang pumasok.
"M – mom! When did you arrive?" Bakit nandito si mommy?
"Your place is filthy. I can smell the scent of the dirty whores that you brought here," sinabi niya iyon habang parang ini – scan ang loob ng condo ko. Feeling ko, para akong ibinalik noong nasa Amerika ako at dadalawin niya ako sa apartment namin ni Dave.
Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. Lumapit siya sa kama ko at may dinampot doon. Napangiwi ako ng ipakita niya kung ano iyon. Shit. It's the condom that I used last night.
"At least I know you used protection," sabi niya at itinapon iyon sa basurahan.
"M – mom, h – how did you know that I am here?" kinakabahang tanong ko. My mom has been living in the US for more than twenty years. Hindi na siya umuuwi ng Pilipinas dahil wala na siyang babalikan dito. And then, here she is. Biglang – bigla na nandito siya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang lugar kong ito.
Nakita kong kumuha siya ng bimpo at binasa iyon sa faucet tapos ay lumapit sa akin. Pinunasan niya ang mukha ko sa may bandang kilay dahil may putok ako doon gawa ng pagkakasuntok ni Mark. Gusto kong umiyak. I missed my mom. I missed this. I missed her taking care of me.
Pero parang bigla din akong nagsisi na nandito siya. Maya – maya ay naramdaman kong idinidiin niya ng sobra ang paglalagay ng bimpo sa may kilay ko. Parang talagang sinasadya niyang idiin iyon para masaktan ako.
"A – aray! M – mommy! Masakit!" angal ko at iniiwas ko ang mukha ko sa kanya.
"Bagay lang sa iyo 'yan! Siraulo ka! Uuwi ka dito sa Pilipinas tapos kung ano – anong kagaguhan ang ginagawa mo. Ano ang nabalitaan kong nagpakasal ka daw? Sino naman ang babaeng iyon? Pagkatapos mong magpakasal magpapa – annul ka! Anong akala mo sa kasal, laro lang? Kapag ayaw mo na, ayawan na? Anong katarantaduhan ang ginagawa mo, Ramon Antonio?!" galit na galit na sabi ni mommy at ibinalibag sa mukha ko ang basang tuwalya.
Napangiwi ako. Parang kinikilabutan ako sa tuwing babanggitin ni mommy ang buong pangalan ko. Kasi everytime she does that, talagang galit na galit siya sa akin. Pero paano nalaman ni mommy? Sinabi ba ni Mark?
"M – mom –"
"Huwag mo akong ma – mommy – mommy punyeta kang bata ka! Anong naisipan mo at bigla – bigla kang nagpakasal dito? Hindi mo man lang sinabi sa akin? Kung hindi ko pa pinilit si Mark, hindi niya sasabihin sa akin ang totoo. Anong kagaguhan ang ginawa mo?! Girlfriend ni Mark, sinulot mo!" galit na galit si mommy sa akin. Napayuko lang ako kasi hindi ko makayang tingnan ang mukha niya. She is really disappointed sa mga pinaggagawa ko.
"Magbihis ka. Pupuntahan natin ang asawa mo," matigas na utos niya sa akin.
Napatayo ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
DAMAGED LOVE
عاطفيةSantong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lah...