There was a big difference on how Darcy treated me after the incident with Mark. Ayoko lang umasa pero she is somehow showing some affection towards me. Parang kahit paano ay bumabalik na ang dating samahan namin. Nawawala na ang asiwa niya sa akin. She is talking to me now. She is starting to ask how my day was, how is my work, kung okay ang mga kasama ko sa trabaho. Small conversations that I know will lead to a better communication between us. I also saw her eating the siopao that I gave her when I picked her up from her shop one time. Kadalasan kasi nakikita kong tinatapon lang niya ang mga pasalubong ko or minsan, si Juliet lang ang kumakain.
Pagkalabas ko sa ospital ay deretso ako sa shop niya para sunduin ko siya. Pero napakunot ang noo ko ng makita kong si Juliet lang ang naroon at busy sa pagce – cellphone.
"Saan si Darcy?" tanong ko. Napaaga nga ako ng uwi dahil madalas around five in the afternoon ko na siya nasusundo.
"Maaga umalis, kuya. May aasikasuhin lang daw," sagot sa akin ni Juliet.
Umalis? Saan naman siya pupunta? Bigla ang bundol ng kaba sa dibdib ko. Hindi kaya umalis siya at nakipagkita kay Mark?
"Sinabi ba kung saan pupunta?"
Umiling lang si Juliet. "Hindi. Nagmamadali nga kanina kasi baka hindi daw siya umabot. 'Yun lang ang sabi," sagot pa nito.
Sinubukan ko siyang tawagan sa cellphone pero panay lang ang ring nito. Walang sagot akong naririnig.
Ang dami – daming pumapasok sa isip ko habang pauwi ako sa bahay. Padaskol ang ginawa kong pagparada ng sasakyan sa garahe at pabalibag ang paglagay ko ng bag sa sofa ng makapasok ako sa sala.
Shit. Akala ko naman okay na kami. Ano na naman ito?
I took my phone ang tried calling her phone again. Just like before, panay lang ang ring noon. Pero napakunot ang noo ko. Bakit parang ang lapit lang ng ring? Parang tumutunog dito sa bahay?
Is she here?
I followed the sound of the ring and I found her cellphone on the countertop near the kitchen. I continued to walk and I felt the huge lump was lifted from my chest.
Darcy is here.
'Tang ina. Ang gago ko. Masyado kasi akong paranoid kaya mawala lang sa paningin ko si Darcy naiisip ko na nakipagkita na agad siya kay Mark.
I can't help myself not to smile while I am watching her mixing something. She is also humming something. She can't hear the ring of her phone because earphones are plugged in her ears. She is listening from the ipod that I gave her.
She opened the oven and took out a tray of cupcakes. I saw her smile while sniffing the scent of the freshly baked cupcakes.
She almost lost her balance when she saw me standing and looking at her.
"Tinakot mo naman ako!" bulalas niya sa akin.
I just smiled at her.
"Kanina ka pa diyan?" tanong niya sa akin at hinubad ang suot na pot gloves at earphones.
Umiling lang ako at naupo sa stool na nandoon.
"Kakadating ko lang. Sunduin sana kita sa shop pero maaga ka daw umalis sabi ni Juliet," sagot ko sa kanya.
"Ah. Oo. May nakita kasi akong recipe ng cupcakes sa net kaya nag – try ako," sagot niya sa akin. "Want to try?" sabi niya at iniabot ang isang frosted cupcake sa akin.
BINABASA MO ANG
DAMAGED LOVE
RomanceSantong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lah...