For better or Worse

5.8K 210 92
                                    

This is the last chapter for this story. Tapusin na napapagod na din ako at marami pa akong work in progress na tinatapos saka Valentines day naman. Watch out for the Rozovsky Heirs. This is a collaboration story with two awesome writers Ceng Crdva and Warranj. Plus the last story from Sweet Series The Chocolate Effect. These stories will be available in Patreon and FB Vip group ☺️ thanks for those who joined. Daily update din naman do'n.

Thanks for following this story.

God bless all and stay inlove...

--------- HM.

------------------------------------------///

I woke up alone in my bed.  Hindi ko na nga alam kung anong oras na ba ako nakatulog kakaiyak magdamag.  Kapag naiisip ko ang ginawa ni Mon, talagang sumasakit ang dibdib ko at napapaiyak pa ako.

            Hindi na niya ako binalikan kahapon ng paalisin ko siya.  Hindi na rin ako lumabas ng kuwarto simula pa kahapon.  Hindi pa nga rin ako kumakain kahit nagugutom na ako.  Sorry na baby.  Ginutom ka ni mommy.  Masama lang kasi ang loob ko kasi sa nalaman kong pinaggagawa ng tatay mong magaling.

            Ayoko ng umiyak.  Pagod na ako. 

            Napatingin ako sa telepono ko kasi nakita kong nagbi – blink iyon.  Tumatawag ang mommy ni Mon.  Ala – sais pa lang ng umaga.  Ang aga naman niya tumawag.

            "Mommy," sabi ko.

            "Good morning iha, nag – breakfast ka na ba?" tanong niya sa akin.

            Kahit galit ako sa anak niya, hindi ko naman makukuhang magalit sa babaeng ito.  She is so sweet and so kind.  Napakabait niya sa akin.  Isa pa, hindi siya kunsintidor sa anak niya. 

            "Good morning din po.  Kakagising ko lang po.  I'll make something for myself in a while," sagot ko.

            "Nag – away ba kayo ni Ramon?"

            Hindi agad ako nakasagot.  Sasabihin ko ba sa kanya kung ano ang pinag – awayan namin?  Pero hindi.  Huwag na lang.

            "H – hindi naman po.  Okay naman po kami," pagsisinungaling ko.

            "Ah, ganoon ba?  Nandito kasi ako sa harap ng gate 'nyo.  Nandito kasi si Ramon natutulog sa garahe," hindi naman siya nagagalit sa akin pero parang napahiya ako sa sinabi niya.

            "Ho?!" siraulo ang lalaking iyon!  Oo nga at galit ako sa kanya at ayoko siyang makita pero bakit naman sa garahe siya natulog?  I expected him to go somewhere else. 

            Mabilis akong bumaba at lumabas.  Nakita ko nga si Mon na natutulog sa wooden chair na naroon.  Suot pa rin niya ang damit na suot niya kahapon.  Ang dami niyang kagat ng lamok and I am sure, kapag nagising siya, siguradong masakit ang katawan niya dahil nakabaluktot siyang natutulog sa maikling wooden chair.

            I am mad at him pero naaawa din ako sa itsura niya doon.  Gigisingin ko sana siya ng makita kong sumenyas ng huwag ang mommy niya. 

            "Come on.  Let's eat breakfast.  Mukhang masarap ang food doon sa Alfredo's," sabi ni Mrs. Legaspi.

            "Paano ho si Mon?"

            "Pabayaan mo siya diyan.  He deserves it kung anuman ang ginawa niya.  Come on.  I am starving," sabi niya.

            Sumunod na lang ako sa sinabi ni Mrs. Legaspi.  I made sure not to make a single sound para hindi magising si Mon.  Alfredo's is just two blocks away from our house.  Pagdating doon ay agad na umorder ang matanda. 

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon