Night out

8.7K 290 7
                                    

"Darating ba talaga siya?"

Gustong – gusto ko ng batukan 'tong si Janine. Pang – sampung beses na yata niya akong tinanong kung darating si Mon ngayong gabi. Sa sobrang excitement kasi nitong Janine na ito, nauna na kaming pumunta dito sa Boiler Room. Bar ito na lagi naming pinupuntahan na magkakaibigan.

"Alam mo naman head over heels 'yang si Janine kay papa Mon. Kumbaga, first love never dies," at natawa pa si Milette ng sabihin iyon.

"Alam 'nyo naman mga girls kung gaano ko talaga ka – type 'yang si papa Mon. Ini – stalk ko nga ang fb at Instagram niya pero mukhang walang social life. Hindi active sa social media," sagot ni Janine at uminom sa hawak na cocktail drink.

"Hindi talaga mahilig iyon sa ganoon. Suplado nga," sagot ko. Kinuha ko ang telepono ko at idinayal ang number ni Mark. Bakit ba wala pa siya? Sabi niya papunta na siya?

"Wala pa si Mark?" tanong ni Milette.

Umiling ako at huminga ng malalim. As always, late na naman siya.

"Anong sabi ng kuya mo about him?"

"Alam mo naman si kuya maka – kontra lang. Alam ko naman magugustuhan din niya si Mark," sagot ko.

"Naaamoy lang siguro ng kuya mo na likas na babaero ang boyfriend mo," sabat ni Janine habang nagre – retouch na naman ng foundation.

Sasagot na lang ako ng makita kong papasok sa loob ng bar si Mon kasama si kuya. Agad ko silang kinawayan.

"Oh my god! Ang guwapo talaga niya! Love na love ko na siya ngayon!" mahinang tili ni Janine.

Napangiti din ako at tiningnan ko nga ang tinitilian ni Janine. Totoo naman ang sinasabi niya. Guwapong – guwapo nga si Mon kahit simpleng maong at t-shirt lang suot nito. Talagang nangingibabaw siya sa mga taong nandito sa bar.

"Sorry we're late. Medyo traffic kasi papunta dito," narinig kong hingi ng paumanhin ni Mon sa amin.

"Sabihin mo, ayaw mo lang talagang umalis. Pinilit ko lang iyan. Tinatamad daw siya at masama ang pakiramdam niya," sabad ni kuya at kumaway sa isang waiter na dumaan.

Nakita kong umiling lang si Mon at muling tumingin sa akin. Narinig kong napa – ehem si Janine at ngumiti ng bahagya sa akin sabay nguso kay Mon.

"Mon, I want you to meet Janine," pakilala ko sa dalawa. Naglahad naman ng kamay si Mon kahit alam kong wala naman talaga siyang gusto kay Janine. Gentleman always. Alam kong hindi niya type ang friend ko. Ano nga kaya ang lalaking ito? Hindi nga kaya bakla siya? Wala pa talaga kasi akong nakikitang babaeng sineryoso niya.

"And I am Milette," sabad naman ng isang kaibigan ko at nakipag – kamay din kay Mon.

"Bruha ka, kinalimutan mo ko. Talaga nga palang nakakasabog ng ovaries ang kaguwapuhan ni papa Mon," mahinang sabi niya sa akin.

"So? Order na tayo? Gutom na ako," narinig kong sabi ni kuya at binuklat ang menu.

Umirap lang ako sa kanya. Nakita kong nakaupo na si Janine katabi ni Mon and she is really trying to start a conversation with him. Nakikita kong pangiti – ngiti lang si Mon. Hindi ba talaga niya type si Janine? Maganda ang kaibigan ko. Sexy pa. Alam kong maraming nagkakandarapang lalaki sa dito pero talagang si Mon ang type nito, eh.

Wala namang pakielam si kuya Dave sa amin. Nag – order lang ito ng nag – order ng pagkain at beers. Sumasabat ito sa pinag – uusapan naming magkakaibigan. Si Mon ay tumatango – tango lang at tumatawa ng konti sa mga jokes ni Janine. Gusto ko ng pagalitan ang kaibigan ko. She is really trying too hard para mapansin lang ni Mon.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon