His motive

7.9K 261 5
                                    

       

"Tagal naman ni Libby," narinig kong inip na sabi ni Darcy sabay tingin sa relo niya.  Magkakalahating oras na rin kaming nandito sa Ramen Nagi sa Greenbelt at hinihintay ang supplier niya. 

            "Tawagan mo na lang," sabi ko.

            "Hindi nga sumasagot.  Anong petsa na," at sumimangot pa ito.

            Lihim akong napangiti dahil ang cute – cute niya.

            Maya – maya ay nakita kong may kinawayan si Darcy kaya napatingin din ako doon.  Babae iyon na papalapit sa lugar namin.  Ito na siguro ang supplier na sinasabi niya.

            "Sorry girl.  Super traffic diyan sa Ayala.  Hindi ko naman masagot ang calls mo at baka mahuli ako ng mga enforcers," sabi ng babae at naupo sa mesa namin.

            "Oo nga.  Ang tagal – tagal mo," sagot ni Darcy at kinuha ang planner sa bag niya.

            "Boyfriend mo?" sabi ng babae at inginuso ako.  "Pogi, ah.  Good catch," walang anuman na sabi pa at uminom ng iced tea.

            Napangiti ako at napakagat labi.  Kung puwedeng totoo na lang sana.

            "Sira.  Bestfriend ni kuya Dave.  Si Mon.  Saka pinsan siya ng boyfriend ko," sagot ni Darcy.

            'Yun lang.  Biglang nabasag ang ilusyon ko.  Napahinga ako ng malalim at tumayo.

            "I'll leave you two alone para makapag – usap kayo ng maayos.  I'll just stay in Friday's," paalam ko.  Malapit lang naman iyon sa lugar nila.

            "Sure.  Sige.  Tawagan kita 'pag tapos na kami dito," at hindi na ako pinansin ni Darcy.  Mukhang seryosong negosyo ang usapan nila.

            I stayed in the bar area ng makarating ako sa Friday's.  I ordered a scotch rock at nanoood na lang sa monitor na naroon sa harap ko.  Inilapag ko rin sa harap ko ang cellphone ko para makita ko agad kung tatawag na si Darcy.

            "Ramon?"

            Napalingon ako sa nagsalita mula sa likuran at isang lalaki ang naroon na parang kaedad ko rin. 

            "Ramon Antonio Legaspi 'di ba?" sabi pa ulit niya.

            Alam pa niya ang buong pangalan ko. Kilala ko ba ito?  Yes, he looks familiar pero hindi ko maalala kung saan kami nagkita.

            "Rico, pare.  Team mates tayo sa rowing team 'nung college," parang paalala niya sa akin.

            Muli kong tiningnan ang lalaki at doon ko na siya naalala.

            "Rico Nicanor?" paniniguro ko.

            "My man!  Long time no see!" bati niya sa akin sabay yakap.  "It's been what?  Ten years?  Kailan ka pa umuwi?  'Di ba magkasama kayo ni Dave sa US?" tanong pa niya sa akin at umupo sa tabi ko.

            Three years din kaming magka – team mate sa rowing team noong college ako.  Medyo close din kami noon at mabait din naman na tao.

            "Almost two weeks na rin kaming nandito.  We might stay here for a while," sagot ko sa kanya.  "Ikaw.  Anong balita sa 'yo?"

            Umorder muna siya sa bartender bago sumagot sa akin.

            "I am in a jewelry business.  May unit ako sa Glorietta and sa Binondo.  I just met an old schoolmate kaya ako napadaan dito.  Siguro kilala mo iyon.  Mark Meneses," sabi niya sa akin.

            Napalunok ako at napatingin sa kanya.  So?  Nandito rin si Mark?

            "Kilala mo?  College of Engineering siya," sabi pa niya.

            Umiling lang ako at nagkunwang hindi ko kilala si Mark.  Hindi naman kasi kalat sa lahat na magpinsan kaming dalawa. 

            "Nag – order ng engagement ring sa akin.  Gago rin, eh.  Mag – propose daw siya sa girlfriend niya at baka daw sakaling bumigay na sa kanya ang kanyang virgin girlfriend," at napatawa pa ito.

            Hindi ako nakakibo sa narinig ko.  Mark is going to propose to Darcy?

            "Mukha namang hindi sigurado si ulol sa pagpo – propose.  Kahit na anong singsing lang ang inorder niya.  Ewan ko 'dun.  Naguguluhan din ako.  Sabi ko nga kung 'di ka naman sigurado, bakit ka magpropose?  Papaasahin mo lang 'yung babae."

            Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.  Pakiramdam ko ay para akong nahihilo dahil sa nalaman ko.  Parang hindi ako makahinga. Ang sakit – sakit ng dibdib ko.

            "Ikaw?  Married ka na?  Ako, grabe.  Tatlo na ang chikiting ko," pagkukuwento pa nito.

            "H – ha?" parang wala ako sa sarili ko.  Ang tanging laman lang noon ay ang nalaman ko na magpo – propose si Mark sa pinakamamahal kong babae.

            "Kung may – asawa ka na?  Mukhang wala pa, ah.  Wala ka pang wedding ring, eh." Sabi pa.

            Pinilit kong tumawa.

            "Hindi pa ako sinasagot 'nung gusto kong pakasalan."

            "'Tang ina.  Sa guwapo mo?  Malabong hindi ka pakasalan 'non.  Ikaw nga ang chickboy sa team natin noon."

            Sasagot na lang ako ng makita kong nag – blink ang telepono ko.  Nagtext na si Darcy at tapos na daw ang meeting niya.

            "I have to go.  Kita na lang tayo ulit," paalam ko kay Rico.

            "Sure, pare.  Call me soon," sabi niya at iniabot sa akin ang isang piraso ng calling card.

            Naabutan kong mag – isa na lang doon si Darcy at wala na ang ka – meeting niya at ngumiti agad siya sa akin ng makita akong papalapit.

            "Ang seryoso naman," puna niya sa akin.

            Shit.  Ang obvious ko pala kaya pinilit kong tumawa.

            "Hindi naman.  Tapos ka na?"

            Tumango lang ito at uminom ng juice.  "Uwi na tayo.  Maaga pa kasi ako bukas.  Mamimili pa ako sa Baclaran," sagot niya sa akin.

            "Sige.  Tara."

            Wala kaming kibuan ni Darcy habang pauwi kami.  Kahit na ng makarating kami sa bahay.  Naipagpasalamat kong hindi naman siya nagtatanong.  Tahimik lang din siya at panay lang ang check ng cellphone niya.  Sigurado akong hindi niya makontak ang boyfriend niya.  Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko.  Para talagang naninikip ang dibdib ko kasi ang sakit noon. 

            "Good night, Mon.  Thanks for accompanying me," narinig kong sabi ni Darcy ng makarating kami sa bahay.

            Ngumiti lang ako at tinanguan siya.  "Sige na.  Magpahinga ka na."

            Tuloy – tuloy lang siyang pumasok sa kuwarto niya.

            Matagal ng wala si Darcy sa paningin ko pero nanatili akong nakatayo lang doon.  Siguro gagawin ko na ang naiisip kong plano.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon