Ngayon ko lang nalaman na kapag buntis pala, dapat bestfriend ko ang banyo. Kasi mas madalas, pabalik – balik ako doon dahil lagi akong naiihi. Sabi ng OB ko, mas magiging madalas pa daw iyon kapag malapit na akong manganak. Kasi daw nagkakaroon ng pressure sa bladder ko dahil sa lumalaking baby ko.Kaya ito ako, siguro pang – limang beses ko ng umihi ngayon dito sa cr. Tawa na nga nang tawa sila Millette kasi hindi matapos – tapos ang kuwentuhan namin kasi lagi akong nagpapaalam na magbabanyo.
Nasa loob ako ng cubicle at umiihi nang maramdaman kong may pumasok sa loob ng banyo. Parang grupo ng mga babae kasi medyo maingay sila.
"Have you seen Mon?"
Malakas ang boses ng mga babae kaya naririnig ko ang pinag – uusapan nila. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Mon? Are they referring to my husband? Pero naisip kong baka ibang Mon naman ang pinag – uusapan nila. Tamang – hinala lang ako.
"Mon? Sino don?" tanong naman ng isa.
"Ano ka ba? You don't remember him? The famous hunky and delicious Mon of Bistro Real? Nandito kaya siya. I talked to him kanina," sagot ng babae.
"Is he the one wearing checkered polo and black pants? 'Yung kausap mo kanina?" tonong naniniguro ang kausap.
Napakunot ang noo ko. Mon is wearing those clothes. He is wearing checkered polo and black pants and boots. Umayos ako ng pagkakaupo sa toilet bowl at bahagya ko pang idikit ang tainga ko sa wall ng cubicle.
"Yes! Oh my god! I wanted to rip his polo and touch his muscles again. He is really good in bed," tumili pa ang babae pagkasabi noon.
Napalunok ako. Good in bed? Sino ba ang mga babaeng ito? Ex ba ito ni Mon? Mabilis akong nag – ayos at nag – flush tapos ay lumabas. Nakita ko ang dalawang babae sa harap ng sink na nagmi-make-up. Sumingit ako sa gitna nilang dalawa para maghugas ng kamay. Kunwari ay hindi ako interesado sa pinag-uusapan nila. Hindi rin naman nila ako pansin kasi nga busy sila sa paglalagay ng kolorete sa mukha nila at pagkukuwentuhan tungkol sa asawa ko.
"Nag – sex kayo?" namimilog pa ang mata ng isang babae.
Bumagal ang paghuhugas ko ng kamay at hinihintay ko ang sagot ng babaeng tinanong.
Lumapad ang ngiti ng babae at tumango. "Yes! Grabe! He is so gifted! Biggie size na and really, really good in bed. Ang laki talaga. Nakaka-choke sa laki talaga 'yong 'ano' niya." kumagat labi pa ito at hitsurang inaalala kung ano ang nangyari.
Napahinto na ako sa ginagawa kong paghuhugas ng kamay at napahawak sa sink. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa naririnig ko.
Napatili pa ang kausap nito. "Ang landi mo! Kailan 'yan?"
"I think last month. Can't remember na. Lagi siyang nasa Bistro Real. As in every night. And alam mo ba na kapag dumating na siya, hinihintay na lang ng mga babae na malasing siya kasi for sure hindi siya uuwing nag – iisa. Do you know Bridgette and Maggie? They also slept with him. And madami pang iba. Kaya lang, hindi yata type ni papa Mon ang nag – uulit ng babae. Every night kasi iba – iba ang kasama niya," tonong disappointed pa ang babaeng nagsalita.
"Ganoon siya ka-wild?" Namimilog pa ang mata ng babaeng nagtatanong.
"Ganoon siya ka-wasak. I've heard sa chika ng mga bartender doon parang may problema si Papa Mon. Something personal that he didn't want to share. Pero okay. Kung ano man ang problema niya, good thing iyon kasi marami siyang babaeng napasaya no'ng mga time na wasak siya." Inayos pa ng babae ang nag-smudge na mascara sa mata nito. "Sana lagi siyang wasak para matikman ko siya ulit."
Last month? Last month na para na akong mababaliw sa kakaisip ng kasalanan ko kay Mon. Pakiramdam ko ay hihimatayin na ako. Parang nagsisikip ang dibdib ko. Sino ba ang mga babaeng ito? Tiningnan ko sila and hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng insecurity. Ang gaganda nila. Tall girls, pretty, sexy. Samantalang ako, para na akong butete sa laki ng tiyan ko. Namamaga ang ilong. Nangingitim ang mukha. Namamaga ang buong katawan.
BINABASA MO ANG
DAMAGED LOVE
RomanceSantong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lah...