Surprise

7.1K 269 6
                                    

I went to the sala and slouched on the sofa. Para akong nalulula talaga sa bahay na ito. Ang laki tapos kaming dalawa lang ni Mon ang nandito. Nakita ko ang remote ng tv at binuksan ko ang 60 inches tv na naroon. Napangiwi lang ako kasi paulit – ulit lang din naman ang palabas sa cable tv kaya pinatay ko na lang din tapos ay pahagis na ibinato ko ang remote sa sofa.

Anong gagawin ko dito? Anong magiging buhay ko? Hindi ako sanay ng ganito na walang ginagawa. Nanghihinayang naman ako dun sa maliit kong negosyo na naipundar ko. Kahit hindi naman gaanong kalakihan ang kita ko doon, at least alam kong may income na pumapasok sa akin at nagpa – function ako.

Narinig kong nag – ring ang telepono ko kaya kinuha ko. Hindi ko maipaliwanag ang kaba ng dibdib ko ng makita ko ang pangalan na nag – register doon.

Hunny Mark.

Shit. Tumatawag si Mark sa akin? Sasagutin ko ba? Pero natatakot ako. Sabi nga ng mga kaibigan ko kahit ayaw ko kay Mon, mag – asawa na kami kaya kalimutan ko na si Mark. I am playing with fire kung iisipin ko pa rin si Mark. But I miss his voice.

"H – hello?" kinakabahang sagot ko.

"Love? I missed you," bungad niya sa akin.

Hindi agad ako nakasagot at pinigil kong mapaiyak. Ang lungkot ng boses niya. I know he is hurting dahil sa nangyari sa amin. Kung nasasaktan siya ay mas doble noon ang nararamdaman ko.

"M – mark, please stop calling me," bago pa ako maiyak ay nasabi ko na iyon.

"Dito na nga lang ako sumasaya dahil naririnig ko ang boses mo, pipigilan mo pa ba ako? I missed you so badly. I wanted to see you," nakikiusap ang tono niya.

Pinigil ko ang sarili kong mapahagulgol.

"Stop this, Mark. May asawa na ako," sabi ko.

"But you don't love him. Miserable ka lang sa kanya. We can be with each other kahit kasal na kayo. I still want you, Darcy."

Napatingin ako sa pinto dahil parang may tao doon. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko dahil sigurado akong si Mon iyon.

"Please stop calling me," mabilis na sabi ko kay Mark at pinatayan ko na siya ng telepono.

Nakita kong pumasok sa bahay si Mon. Nakangiti siya agad ng makita ako. Hindi ko maintindihan kung bakit parang naasiwa na naman ako. Nawala na ang pagiging at ease ko sa kanya tulad dati. Siguro kasi mag – asawa na kami?

Pero hindi naman nakaligtas sa akin ang guwapong hitsura niya. Ngayong asawa ko na siya, parang ngayon ko lang siya natitigan ng maige. Kahit simpleng polo shirt at maong lang ang suot niya, para talaga siyang modelo na papalapit sa akin.

Muntik pa akong mapatalon ng muling mag – ring ang telepono ko. Shit. Si Mark pa rin. Ayaw niyang tumigil. Nakita kong nakatingin si Mon at parang hinihintay na sagutin ko iyon pero nilagay ko lang sa silent para wala ng maingay.

"Aren't you going to answer that?" tanong niya sa akin. "Baka importante 'yan."

Umiling lang ako.

"Wrong call lang. Nanghihingi ng load," pagsisinungaling ko.

Nakita kong napa – ah lang si Mon at naupo malapit sa tabi ko. "Did you sleep well?" tanong pa niya.

Tumango lang ako. Ano ba ito? Walang tigil ng vibrate ang cellphone ko. Ayaw tumigil ni Mark! Then when it stopped ringing, isang text ang na – receive ko.

Mark: Nandito ako sa tapat ng bahay ni Mon.

Shit! Ano daw? Anong ginagawa niya dito? Wala sa loob na sumilip ako sa labas ng bintana.

"Darcy, is something wrong? Bakit parang kinabakabahan ka?" nagtatakang tanong ni Mon sa akin.

"H – ha?" iyon lang ang nasabi ko.

"May problema ba?" he sounded so worried.

Sunod – sunod ang iling ako.

"Are you sure you're okay?"

"Y – yeah. Yes. Okay lang ako."

"You know, I talked to the president of the homeowners and asked for a permit na makapag – open ka ng shop mo inside the village. There is a small bazaar near the church. I already acquired a slot para mai – display mo ang mga paninda mo," nakangiti na ngayon si Mon ng sabihin iyon sa akin.

Saglit kong nakalimutan ang problema ko kay Mark ng marinig ko ang sinabi ni Mon.

"Tinawagan ko na rin si Juliet. Wala pa naman daw siyang ibang trabaho at okay na siya na maging assistant mo ulit. Ipinakuha ko na sa kanya ang mga stocks 'nyo and naroon na siya to do the inventory. You can start anytime. Linggo bukas at siguradong maraming tao," nakangiti pang sabi niya.

"I – iyan ba ang inasikaso mo ngayon?"

Tumango siya at bahagyang umusog sa akin.

"Sinundo ko kasi ng maaga si Juliet para makuha ang mga stocks 'nyo." Sagot niya sa akin.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at bahagya niyang pinisil. Hindi ko maipaliwanag ang kuryenteng parang naramdaman ko kaya mabilis ko iyong binawi.

Kitang – kita ko ang pagkapahiya sa mukha ni Mon dahil sa ginawa ko.

"S – salamat. Maraming salamat. Doon na muna ako sa kuwarto. Tatawagan ko lang si Juliet para makapag – ayos kami," iyon lang at para akong sinisilihang umalis doon.

---------------------------------------------------/////

I know there is something wrong. Darcy looked worried and afraid. At parang alam ko na kung ano ang dahilan noon.

I looked at her phone that accidentally she left on the sofa. Sa pagmamadali niya, nakalimutan na niya iyon.

I took it and opened it.

10 missed calls from Hunny Mark.

Napalunok ako. Wow. Para akong sinasaksak. Ang sakit. So, that is her term of endearment for my cousin. Hunny.

Alam kong hindi lang niya masagot ang tawag ni Mark dahil nandito ako kanina. I saw another message.

Mark: Nandito ako sa bahay ni Mon.

That asshole. Talagang hindi siya titigil? Ayaw niya talagang tigilan si Darcy?

Pero saglit din akong nag – isip. Kung ako ang nasa kalagayan ni Mark, baka hindi rin ako tumigil. Ako ang kontrabida sa buhay nila. Ako ang nang – agaw. Ako ang nanggulo.

Napailing ako at napahinga ng malalim.

I have to face this. Alam kong hindi pa dito nagtatapos ang pasakit sa akin.

Kinuha ko ang telepono ko at idinayal ang number ng security sa guard house.

"I'll be giving a photo of a person na black listed sa akin. Huwag 'nyo siyang papasukin dito sa village. Nanggugulo kasi siya sa asawa ko," sabi ko sa guard na nakausap ko.

Kung kailangan kong itago si Darcy para hindi na sila magkita ni Mark ay iyon ang gagawin ko.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon