Malakas na tunog ng cellphone ang gumising sa akin. Inaantok pa ako at naiinis na tumingin sa relo. Damn. It's only six o' clock in the morning. Alas tres na kami nakauwi kagabi at iilang oras pa lang ang tulog ko. Inis kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong si Janine ang tumatawag. May anim na missed calls na rin siya sa akin.
"What? Istorbo ka," sabi ko at muling nahiga.
"Dumating na ba si Mon?" tanong niya sa akin.
"I don't know. Kayo ang magkasama 'di ba?" balik – tanong ko.
"Hinatid 'nya lang ako tapos umalis din agad. May pupuntahan pa daw kasi siya," dama ko ang disappointment sa boses ni Janine. "I took his number pero tinatawagan ko hindi naman sumasagot," sabi pa niya.
"Baka nagkita sila ni kuya. Umalis din kasi si kuya kagabi at may pupuntahan din daw," nakapikit na sagot ko. Inaantok pa talaga ako.
"I – set mo naman ulit ako ng date. 'Yung kaming dalawa lang," sabi niya.
Napatirik ang mata ko. Doesn't she know when to stop? I helped her already.
"Inaya ka na nga niya kagabi 'di ba? 'Di mo pa sinamantala," may halong inis na sabi ko.
"Biglang ngang umalis. Niyayaya ko sa loob ng unit ko pero tumanggi. May lakad pa daw siya. Wala naman siyang girlfriend 'di ba?" tanong pa niya.
"Oh, please. Patulugin mo muna ako. Puyat na puyat pa ako. Magbubukas pa ako ng shop ko mamaya," reklamo ko.
"Eh, sige na. Tanong lang siya ng tanong tungkol kay Mark. Mukhang pinapabantayan ka ng kuya mo," sabi pa ni Janine.
Doon na nawala ang antok ko. "What do you mean tanong ng tanong tungkol kay Mark?"
"Kung loyal daw ba sa iyo si Mark? Ewan ko dun'. Hay nako, ayusin mo na 'yan si Mark 'no. Mukhang magkakaproblema ka at parang hindi talaga boto ang kuya mo sa lalaking iyon," dugtong pa niya.
Hindi ako nakakibo. Kaya pala halatang – halata kay kuya na naiinis siya kagabi. Hindi nga niya kinakausap si Mark at hindi na siya nagtagal. Umalis din siya agad.
"Darcy, tulungan mo na ako kay papa Mon, ha? I'll do anything you will ask from me," pakiusap pa ni Janine.
Napahinga na lang ako ng malalim at inis na napakamot ng ulo.
"Oo na. Sige na. Matutulog muna ako," pagtataboy ko sa kanya.
Narinig kong napa – yehey si Janine at pinatayan ako ng telepono.
"Shit," mahina kong sabi at napahiga sa kama. Pero hindi na rin ako nakatulog. Halata ko naman kay kuya na talagang ayaw niya kay Mark. Pero bakit ba? Mabait naman si Mark. Hindi pa lang siguro niya nakikilala ng husto ang boyfriend ko.
Inis akong bumangon at nagbihis. Pagbaba ko ay tuloy – tuloy ako sa kusina at naabutan ko sa kusina si Mon na nagluluto.
"Good morning, Mon." bati ko sa kanya at naupo ako sa harap ng mesa.
"Morning," tanging sagot niya sa akin at ipinagpatuloy niya ang pagluluto.
"Aga mo gumising. May lakad kayo ni kuya?" tanong ko pa. Kailangan kong malaman sa kanya kung pinapabantayan nga ako ng kuya kong magaling.
BINABASA MO ANG
DAMAGED LOVE
RomanceSantong paspasan. Iyan ang ginawa ni Mon para makuha lang ang pinakamamahal na si Darcy. Alam naman niyang mayroong minamahal na iba ang babae pero pinilit niyang agawin ito kay Mark. Sa sobrang obsesyon niya dito ay talagang gagawin niya ang lah...