Civil Wedding

7.6K 251 8
                                    

       

Kuya made sure that my wedding will push thru.  Inayos niya lahat ang mga papers na kailangan para doon.  Feeling ko, isang bangungot ang nangyayaring ito.  I am like a prisoner in my own home.  Ilang gabi rin na pabalik – balik si Mark sa bahay.  Most of the time ay lasing siya at nagwawala doon.  Gusto niya akong makausap and pagkatapos pagmumurahin niya si Mon.  Si kuya lang ang humaharap dito at nagpatawag pa nga siya ng barangay nung isang gabi dahil ayaw talagang umalis ni Mark.                                            

            "O, ayan.  Maganda na ang make up mo ha?  Huwag mong sirain," sabi ni Milette sa akin habang nilalagyan ako ng blush on.  Pangalawang lagay na niya ito dahil nasira ang nilagay niya kanina dahil iyak ako ng iyak.

            I looked at myself in the mirror.  Wala akong makita kahit na konting kasiyahan sa mukha ko.  Pakiramdam ko ay ililibing ako ngayong araw.  Napalunok ako at nag – uumpisa na namang mamuo ang luha sa mata ko pero pinigil ko ng mapaiyak.  Ayoko ng masira ang pinaghirapan ni Milette.  Napatingin ako kay Janine at nakita kong nakatingin lang siya sa akin.

            "Help me," tanging sabi ko sa kanya.

            Ngumiti siya ng mapakla sa akin.  "Ano naman ang magagawa ko?  Baka ako naman ang katayin ng kuya mo kapag itinakas kita.  Saka andiyan na 'yan.  Suwerte mo nga, ikaw pala ang gusto ni papa Mon," dama ko ang lungkot sa boses niya.

            "Anong suwerte dito? This is a shotgun wedding.  I don't want to get married with that monster," sagot ko.

            "Huwag ka na ngang umarte diyan.  Diyos ko naman Darcy, kung sa akin lang 'yan ginawa ni Mon ako na mismo ang mag – aayang magpakasal sa kanya.  Ako pa ang magre–rape sa kanya.  Kung puwede nga lang, willing akong substitute sa iyo!" sabi pa ni Janine.

            Umiling lang ako at yumuko.  Mabilis kong pinahid ng tissue ang luha ko.

            "He ruined my life.  Hindi ganito ang pinapangarap ko.  Hindi siya ang dapat na kasama ko habambuhay," nanginginig na ang boses ko.

            "Sister, isipin mo nga, good catch na 'yang si Mon 'no.  He can give you a better life.  Sino ang gusto mong makasama?  Si Mark?" at napailing si Millette ng sabihin iyon sa akin.  "Si Mark na saksakan ng babaero?  Alam mo naman iyon."

            "But I love Mark.  Siya ang gusto ko hindi ang hayup na Mon na iyon."

            "Gusto mo ibigay mo na lang sa akin si Mon?  Tatanggapin ko siya ng buong–buo.  Alam mo naman kung gaano ko siya kagusto," at tumawa pa si Janine.  Hindi ko alam kung biro o totoo ang sinasabi niya.  Pero sa tingin ko, totoo iyon.

            "Tumigil ka na nga diyan!  Hindi ikaw ang gusto ni Mon," inis na sabi ni Millette kay Janine.

            "Bakit?  Anong masama?  Eversince, you all know how much I like that guy.  Saka sabi ni Darcy ayaw daw niya naku, willing akong saluhin ang lalaking iyon," sagot niya at bumaling sa akin.  "Sister, mag – isip kang mabuti.  Ang suwerte mo sa lalaking iyon at ikaw ang gusto.  Tama ang sinasabi ni Millette.  Good catch na siya.  Ikaw din, bahala ka.  Baka magsisi ka kapag naagaw na siya ng iba," sabi pa niya.

            Nakita kong inirapan ni Millette si Janine.

            "'Di ba?  Tama naman ako?  Subukan muna niya.  Uso naman na ang annulment ngayon.  Kapag hindi nag – work out.  Ipa – annul mo na ang kasal 'nyo," dugtong pa ni Janine at lumabi pa siya.  "Suwerte mo naman.  Natikman mo na si papa Mon."

            Pare – pareho kaming napalingon sa pinto ng marinig namin na may kumatok doon tapos ay dumungaw ang ulo ni Kuya Dave.

            "We're going to be late, Darcy.  Let's go.  Mon is waiting in the City Hall.  I'll wait for you in the car," sabi ni kuya at umalis na.

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon