Meet up

7.1K 242 9
                                    

Kahit alam kong ayaw ni Dave na umalis ako sa bahay ay tumakas pa rin ako. Sinadya kong tulog pa sila ni Darcy ng umalis ako. Kanina pa ako nakaparada sa tapat ng isang bahay pero hindi ako bumababa. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Mark tungkol sa ginawa ko kay Darcy. I know it was my fault at handa akong harapin ang galit niya. Hinanda ko na ang sarili ko kung anuman ang kahahantungan ng pakikipag – usap ko sa kanya ngayon. Ilang beses pa siyang tumawag sa akin kagabi. Pumunta pa siya doon sa bahay pero si Dave na ang humarap sa kanya at hindi na siya pinapasok. Ayaw ni Dave na magkaharap pa daw kaming dalawa dahil siguradong may isang tutumba sa amin.

Huminga ako ng malalim ng patayin ko ang makina ng kotse ko. Ilang sandali pa bago ko pinindot ang doorbell ng bahay.

Maya – maya pa ay may nagbukas ng pinto. Nakita ko si Mark na naka – sandong pambahay at basketball shorts. Mukhang kagigising lang at mukhang aburido. Lalo lang dumilim ang mukha ng makita niya ako.

"Can I come in?" sabi ko.

"No. Kung anuman ang sasabihin mo, sabihin mo na dito. Marami akong ginagawa," ramdam na ramdam ko ang galit sa boses niya. Alam kong pinipigil lang niya ang galit na maaaring sumabog anumang oras.

"I'm sorry. I know it was wrong but I don't know what else to do. I've been in love with Darcy eversince. Even before the two of you met. She was the one I want to spend the rest of my life with," kahit alam kong masakit ang mga salitang iyon ay pinilit kong sabihin sa harap ng pinsan ko.

"Kahit alam mong girlfriend ko na siya? Nasaan naman ang utak mo? Para kang nakakagago," galit na sagot niya.

Napailing lang ako.

"Darcy is my life. I love her. I want her so much. I want her to be my wife. I want her to be the mother of my kids," parang wala sa sariling sabi ko.

"Napaka – selfish mo naman. Hindi mo man lang inisip na may boyfriend 'yung tao," sagot niya.

"Masisira ang ulo ko kung hindi magiging akin si Darcy," parang wala sa sariling sabi ko.

"Gago ka!" at naramdaman kong isang malakas na suntok ang ibinigay niya sa akin. Hindi ako handa sa suntok na iyon kaya tumba ako sa sahig. Gumasgas ang braso ko sa semento. Ramdam ko rin na pumutok ang labi ko dahil nalasahan ko ang dugo mula doon.

Sinamantala iyon ni Mark at dumaluhong sa akin para suntukin niya ako uli. Pero this time ay handa na ako kaya naiwasan ko ang suntok niya. Alam ko ang mga weak spots sa katawan ng isang tao dahil napag – aralan koi yon at isa pa, marunong ako ng self defense at muay thai na inaral ko sa Amerika.

"Sandali! Mag – usap muna tayo!" sigaw ko sa pagitan ng pagbubuno namin.

Siguro ay nasaktan na si Mark sa mga tama ko sa kanya kaya huminto siya sa akin at lumayo. Kita ko ang putok sa kaliwang kilay niya at namagang pisngi.

"Ipapakulong ka 'nun gago! Anong akala mo? Tatanggapin niya ang alok mong kasal? Demonyo ka! Inunahan mo pa ako. Ang tagal – tagal kong inuungot iyon sa kanya tapos nanakawin mo lang!" galit na galit na sambit niya.

"Iyon lang ba ang importante sa iyo? Kung anuman ang nangyari kay Darcy, dapat handa kang tanggapin kung anuman siya. Kung sino siya. Dahil ako, kaya ko siyang tanggapin kahit hindi na siya buo," sagot ko sa kanya.

"'Tang ina mo, Mon! Gago! Huwag mo akong lekturan animal ka! Rapist kang de–puta ka! Isa lang ang sigurado, ulol! Makuha mo man siya, alam natin pareho kung sino ang gusto niya at ako lang iyon! At siguradong kahit ikasal pa kayo, siguradong sa akin pa rin tatakbo ang babaeng iyon at sisiguraduhin kong papangarapin mong hindi na lang kayo ikinasal. Dahil iiputan ka lang sa ulo 'non! Tanga!"

DAMAGED LOVE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon